Chapter 35: Victor's Remember All

99 60 0
                                    

Synopsis Of This Chapter: Nicole was shock that she heard Victor called her Love. And Victor tell to him that he remember all who is he. And all the things that happened to his life with Nicole and his family

VICTOR

Sa pagpasok namin sa aming bahay ay bumungad sa mukha namin sina Scarlet na tila ba kanina pa nag-aabang. Kitang-kita ko ang galit ni Nicole sa kanyang mata dahil sa panginginig ng kanyang kamay

Tama kayo ng iniisip, bumalik na ang lahat ng ala-ala ko pero hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ang lahat-lahat

“Bakit kayo nandito?” Nicole said on her serious tone

Kailangan ko pa ring magpanggap na wala akong alam kaya naman para mapagaan ang loob nya ng hindi nagtataka ay hinawakan ko na lamang ang kanyang kamay  “Bakit sino ba sila?” dagdag ko pa na tila ba hindi ko sila namumukaan

Pero sa totoo lang ay kanina ko pa gustong lumaban at saktan ang mga to, at ipamuka sa kanila na maling tao ang kinalaban nila. Pero hindi pa ito ang tamang panahon

“Basta, mamaya ko ipapaliwanag ang lahat-lahat. Sa ngayon, pumasok ka na lang muna sa loob” sagot nya at tinapik pa ang aking likod na tila ba pinapakalma ako

I’m so sorry, Love. Hindi pa ko maaaring kumilos ngayon

Mabilis akong sumunod sa kanyang sinabi para naman hindi sya magtaka sa akin. Hindi ko sya tinulungan sa maayos na paraan pero sa oras na saktan nila si Nicole o hindi na ito makalaban ay muli akong lalabas. Umakyat na ako sa aming kwarto upang doon pagmasdan ang lahat ng kilos nila. Hindi ko alam kung bakit rito ang mga magulang namin, pero hindi rin naman nila kailangan makita ang mga it sa ngayon

Naka tinted ang bintana namin sa kwarto kaya naman, para hindi pa rin nila ako makita ay pinanatili kong sarado ang nga ito ay pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos nila. Sinubukan kong buksan ito ng maliit, pero hindi ko pa rin marinig ang usapan nila, dahil sa may kataasan ang kwarto namin mula sa ibaba

Nakikita ko sa ngayon ang pag kausap ni Scarlet kay Nicole, simpleng tulak tulak lang naman ito at alam kong kayang-kaya yun ni Nicole. Matapang si Nicole at alam kong hindi sya magpapa api sa babaeng yun

Hindi ko na pinansin ang ilan nilang pagtatalo, ang nakakuha na lang ng aking atensyon ay ng itulak ni Nicole si Scarlet dahil upang mapatumba ito. Bahagya akong napangiti sa aking nakita. “That’s my girl” bulong ko sa aking sarili

Nakita ko ang mabilis na pagtulong ni Gian rito. At ng sasapalin ni Gian si Nicole ay mabilis nya itong nahawakan at sya ang gumawa nun kay Gian. Napangiti ako at nagtatatalon sa tuwa. “You are the best girl I ever met, Love”

“Gago ka ba!!?” sigaw ni Gian. “Oo gago ka” sagot ko habang nakatanaw pa rin na akala mo ay maririnig ako ng binata

Marami pag nangyari ngunit sa huli ay nanalo pa rin ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi sya si Nicole Castro para sa wala

I’m sorry, Love hindi kita natulungan

Handa akong makipag patayan kahit na kanino maligtas ka lang. Wala akong pake kung buhay ko man ang itaya ko rito. Dahil para rin akong pinatay sa oras na mawala ka at hindi ko na kayang umibig pa, pero ikaw, you deserve to live and to be happy. Kaya sa oras na dumating ang oras na makikipag patayan ako para lang sayo ay gagawin ako

Gagamitin ko ang lahat ng koneksyon ko kung maari, dahil hindi ako si Victor Smith para sa wala. At higit sa lahat, ako ang taong poprotekta sayo sa lahat ng oras at pagkakataon. I’m not only your boyfriend.

I am also your friend who willing to listen everytime you need me.

I am your Knight who will come anytime you need me.

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon