Synopsis Of This Chapter: Victor have a bonding on Nicole's family and he was happy because of that. And Victor give them a own house and lot. But someone stalk them? Who it is?
VICTOR
Pagkagising na pagkagising ko rito sa bahay nina Nicole na ngayon ay GIRLFRIEND ko na ay medyo nahiya ako, dahil gising na silang lahat samantalang ako ay eto... Mukhang nalugi dahil kinukusot-kusot ko pa ang mata mo dahil kakagising ko nga lang
"Gising ka na Victor" masayang pagbati sa akin ni Tita Dina
Kitang-kita ko ang magandang pag-ngiti nila sa akin, kasama na sina Tita Vina at ang girlfriend ko na si Nicole
Nakaupo ako ngayon sa lamesa nila Nicole at sya naman ang naghahanda ng magiging pagkain ko,habang sila Tita ay nanonood na ng TV. Naghanda si Nicole ng ilang pirasong tinapay at palaman
Hindi ko alam kung anong tawag sa tinapay at palaman na to, maybe because hindi kami kumakain ng ganyan sa bahay
"Hindi ka pa kumain? It almost nine o'clock ha" tanong ko kay Nicole dahil sarap na sarap sya sa pagkain ng tinapay na hinanda nya
Ang akala ko nga ay para sa akin ang lahat ng hinanda nya, pero para sa kanya pala. Mas marami na syang nakain kesa sa akin no
"Ayaw mo?" tanong nya sa akin sabay abot sa akin ng isang tinapay na inihanda nya
Kaagad ko naman itong kinuha dahil baka sabihin nya ay maarte ako
"Ma-masarap ba to?" bulong ko sa kanya
Tumawa muna si Nicole ng mahina bago sya tuluyang tumugon sa mga tanong ko
"Halatang di kayo kumakain ng ganyan no?" bulong nya rin sa akin
Di ko nga alam kung nagtatanong ba sya o nang-iinsulto dahil sa tono ng pananalita nya
"Etong tinapay na to ay tinatawag na Pandesal at eto namang palaman na to ay cheese whiz" dagdag pa nya
At ang mas nakakatawa ay tinataas-taas pa nya ang mga ito na para bang pinapakilala nya ang mga ito sa akin
Dahil hindi ko parin mawari kung anong klaseng tinapay at palaman ang pinagsasasabi nya sa akin ay kinuha na lamang ito ni Nicole sa aking mga kamay at tsaka pinalamanan
"Love masyado naman atang---"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang nyang isubo sa akin ang isang buong padesal na pinalaman nya para sa akin
"Love naman!!!!" sigaw ko
Pero mukhang tuwang-tuwa pa ang mapambwisit kong girlfriend dahil sa itsura nya
"Nicole, ano ba yan?!" sigaw sa amin ni Tita Dina na nasa sala nung mga oras na iyon
Hindi namin namalayan na nakuha na pala namin ang atensyon ng nanay at tita ni Nicole dahil sa kaingayan naming dalawa
"Wala po Tita. Pinakain lang naman po sa akin ng anak nyo yung isang buong pandesal" sagot ko sa kanila habang natatawa
Mukhang natawa rin naman sila sa iwinika ko dahil hindi mawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Which is good thing naman dahil kahit papano ay nagiging kabiruan ko na sila ng hindi ko namamalayan
"Sige na kumain na kayo dyan at wag ng maglaro Nicole" wika muli ni Tita Dina sa mapang-asar kong jowa
"Opo!!" sagot naman nito habang patuloy sa mahina nyang pagtawa
Nagpatuloy na kami sa pagkain ni Nicole ng sinasabi nyang pandesal at cheese whiz DAW, at tama nga si Nicole ang sarap ng pagkain na to dahil hindi ko namalayang naubos ko na to
BINABASA MO ANG
Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version)
Romance"Just wait on my revenge" Chapter: 53 Chapters *This story is written in Taglish*