Synopsis Of This Chapter: Smith and Castro family help each other to save their child . And this is the start of their good relationship
THIRD PERSON
Mabilis na sinabi ni Janette sa ina ang sinabi ni Victor sa kanya kahapon. Isang araw na kasi ang nagdaan simula ng tumawag si Victor sa ina, hindi nya agad ito sinabi kay Elizabeth dahil alam nyang matataranta ito
"Bakit kasi sumama sama pa yang Nicole na yan sa apo ko, pati tuloy si Victor napapahamak ng dahil sa kanya" inis na wika ni Elizabeth habang kausap ang anak
"Ma ano ba! Walang kasalanan si Victor o si Nicole dito. Ang taong kumidnap sa kanila ay si Timothy" sigaw ni Janette sa na punong-puno ng pagkainis
"Ano?! Timothy?!" Elizabeth shouted when she heard what her daughter says to her about his lovable grand son
"Oo si Timothy, Ma. Kaya katukin mo na yung pamilya ni Nicole sa taas at sabihin mong makipagtulungan sa atin"
Hindi rin alam nila Janette kung sa oras at pagkakataong ito ay alam na nina Dina ang nangyayari sa kanilang anak. Pero base sa kanilang napapansin sa mga ito, hindi man nila ito nakikita, alam nilang wala itong alam dahil sa pagiging kalmado
Natatarantang kumatok si Elizabeth sa labas ng kwarto ni Victor kung nasaan sina Dina at Vina. Habang sa kabilang banda naman ay inihahanda na ni Janette ang dalawang milyon na hinihingi ni Timothy sa kanila para makalaya sina Victor at Nicole sa masasamang kamay nina Timothy at ng mga kaibigan nito
****
"Buksan nyo tong pinto!"
"Di namin bubuksan yang pinto dahil baka ano lang ang gawin nyo sa amin tsaka sinabi din ni Victor sa amin yun bago sila umalis" malakas na sigaw ni Dina sa loob nito ng marinig ang pagsigaw ni Elizabeth
Dahil isa sa mga inutos ni Victor sa kanila ay wag na wag silang lalabas kahit na anong mangyari. Ngunit magbago kaya ang kanilang pananaw, sa oras na malaman nilang nasa bingit na ng kamatayan sina Victor at ang kanyang anak na si Nicole
"Kalimutan nyo muna yang away-away na yan magtulungan muna tayo sa ngayon" Elizabeth shouted while she's knocking the door. Bakas sa boses nito ang pagkakaba at taranta
Dahil punong-puno na ng pagtataka ang magkapatid na Castro sa mga oras na ito ay binuksan nila ang pintuan upang malaman ang dahilan kung bakit ganon ang tinig ng boses ni Elizabeth
"Bakit po ba kayo natataranta?" magalang na tanong ni Janette rito, but that kindness wasn't true. It's all FAKE
"Si Victor at yung anak mo na kidnap" ani ni Elizabeth
"Ano!!!" sigaw ng magkapatid na nung mga oras na iyon ay nasa likod ng bukas na pinto
Dali-daling bumababa sina Vina at Dina kasama si Elizabeth at nagwika kay Janette
"Anong nangyari?! Anong nakidnap?" takang tanong ni Vina at may mga tubig ng namumuo sa mata nilang dalawa
"Kinidnap sina Victor ng kaibigan nya,yun lang yung sabi ni Victor at kailangan daw nating magbigay ng dalawang milyong piso para palayain yung dalawa kaya bitbit ko na yung bagahe na may lamang pera.Inutusan nila ako na ako lang pupunta mag-isa pero kung gusto nyong sumama ayos lang" paliwanag ni Janette na kakakyat lang dala ang isang duffle bag na naglalaman ng mga salapi na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso
"Sasama kami" sabay na wika ni Vina at Dina
Hindi sila pwedeng panghinaan ng loob sa oras na ito, lalo na at buhay ng anak at pamangkin nila ang nakataya rito. Maging si Victor na tumulong sa kanila na ngayon ay boyfriend na ng kanilang anak
BINABASA MO ANG
Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version)
Romance"Just wait on my revenge" Chapter: 53 Chapters *This story is written in Taglish*