Chapter 10: Back At One

161 98 6
                                    

Synopsis Of This Chapter: Victor treated Nicole as his enemy again and not his friend. Because of that Nicole thinks that Victor hate her so much because she confess her real feelings for her boss yesterday. But Victor have a reason why he do it to Nicole.What it is?

VICTOR

Pagkapasok ko ngayon sa opisina ay hindi ko kinausap o pinansin man lang si Nicole. Bumalik din ang aking pagtrato sa kanya na tila ba hindi kami naging close kahit papano

But it’s all part of my act

Alam kong napapansin na ni Nicole ang muling pagbabago ng aking pakikitungo sa kanya, dahil pansin ko pa ang kanina nya pang lihim na pagsilip sa akin. At habang nakaupo si Nicole sa sofa ay naisipan ko syang utusan

“Nicole” pagtawag ko sa kanyang ngalan na punong-puno ng awtoridad. Hangga’t maari ay gusto kong maging seryoso kapag kasama sya ng mawala na ng tuluyan ang nararamdaman nya para sa akin

“Ano po yun?” nanatili akong tahimik at walang imik habang nakatitig sa kanya ng malamig. Hindi ko nga lang alam kung tatalab yun sa kanya

“Ano po yan?” tanong nya ng makita ang patong-patong na papel na nasa aking mesa

“Hindi mo ba nakita na papel yang nasa harapan mo?”

“Pa-pa-pasensya na po” bakas ko pa ang pagkakakaba sa kanyang boses dahil sa aking inasta.  Pinaikot ko panandalian ang aking swivel chair at muling nagsalita

“Iaakyat mo to sa next floor,sabihin mo tapos ko na tong pirmahan lahat at nandyan na rin lahat ng comment ko” agad itong kinuha ni Nicole at nagmamadaling lumabas ng aking opisina

At habang hinihintay ko sa pagbalik si Nicole sa loob ng aking opisina ay napukaw ng aking paningin ang kanyang baunan na binibigay nya sa akin sa nagdaang dalawang araw. I really really miss her act like that

“Kung iniisip mong galit ako sayo,ang sagot dyan hindi. Gusto ko kasing layuan mo na ko at makalimutan mo na yung nararamdaman mo para sa akin.Kasi sa totoo lang kaibigan lang ang tingin ko sayo at hindi pa ko handang magmahal ulit kasi gusto ko parin si Xia hanggang ngayon” habang nakatingin pa rin sa sofa kung saan sya nakaupo kanina

NICOLE

Nagmamadali akong lumabas ng opisina ni Victor dahil na rin sa aking pagkatakot sa mga kinikilos nya sa loob ng opisina simula kanina. Nakasakay na ako ngayon sa elevator at walang katao-tao sa loob nito

“Talaga bang galit sa akin si Victor dahil sa pag-amin ko kahapon?. Pero hindi ako titigil na ipakita sa kanya na ako ang karapat dapat nyang mahalin para hindi na syang masaktang muli” at pagtapos ng aking pagkausap sa aking sarili at ito ring pagbukas ng pinto

Alam kong kasalanan ko kung bakit naging ganon ulit ang pakikitungo ni Victor sa akin. Paano naman kasi na dapat “BOSS” lang ang turing ko sa kanya ay sumobra pa dun, hindi bilang kaibigan..pero bilang isang karelasyon

At ng maibigay ko na ito sa taong sinabi sa akin ni Victor ay agad naman na akong bumalik sa kanyang opisina na nasa baba lang ng floor na aking pinuntahan

VICTOR

“Naibigay ko na po” mahinang bigkas ni Nicole ng makapasok na syang muli sa aking opisina. Alam kong medyo naiilang ulit sya dahil sa aking mga kinikilos ngayon

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon