Chapter 5: Being Nice

216 110 5
                                    

Synopsis Of This Chapter: Nicole is start to being nice to Victor as her close friend, but Nicole has a reason did she do that. What it is? And lastly, Victor has a strange feelings on the day that she talk to Nicole casually for the first time. What is his reason and why?

VICTOR

Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ko at ginagawa ang lahat ng trabaho matapos makulong sa loob ng elevator ng halos isang araw

As usual, ano pa bang gagawin ko? Makipag-usap sa secretary kong madaldal, na ngayon ay naka-upo sa sofa?

At habang busy ako sa pagpirma at pag-check ng iba't-ibang papeles ay biglang pumasok si La

"Bakit La?" tanong ko. Pero umupo muna sya sa sofa kung nasaan ngayon si Nicole

"I just want to ask, kung bakit hindi ka nakauwi kahapon? Anong nangyari? "tanong nya

Kilala ko naman si La. Hindi sya magagalit ng basta-basta dahil lang sa hindi ko pagpapaalam

"Victor bakit di ka umuwi kahapon?" pag-uulit nya sa akin

"Ah na istock po kasi ako sa elevator kahapon sa mall ng isang buong araw kaya po di ako nakauwi. Pero wag po kayo mag-alala dahil may mga kasama din po ako sa loob nun. Tsaka kanina po ay pinadala ko na sa family driver natin lahat ng napamili ko kahapon" sagot ko

Pero ang totoo ay si Nicole lang ang kasama ko sa loob ng elevator. I don't want to involve Nicole in this kind of situation na pwede nyang ikapahamak. Dahil kung hindi nyo kilala si La, nag-iiba ang ugali nya kapag may babaeng umaaligid sa akin na hindi ko naman gusto

Malandi

Ahas

Ang kapal ng mukha mong lumapit sa apo ko

Yan ang iilang salita na pwedeng matanggap ng babaeng yun

At minsan ay hinahagisan pa nya ito ng pera,dahil ang sabi nya ay pera lang daw ang habol nun sa akin

At ayoko yong maranasan ni Nicole... As my employee

Nothing more, nothing less

At kung iniisip nyo, kung paano ako nakapag palit ng damit... Hindi ako nagpalit, ganon din si Nicole

"Kung ganon ayos lang at hindi ka nasaktan. Basta sa susunod ay mas mag-iingat ka at mas maganda kung mag hahagdan ka na lang" wika ni La at tumayo

"Sasabihin ko na lang din to sa Mama mo, dahil inutusan nya lang din ako" habol pa nya

Pagkalabas ni La sa aking opisina ay nagkukumahog pa si Nicole na pumunta sa aking pwesto na muntik pa nyang ikadapa

Kaharutan talaga

"Bakit hindi nyo po sinabi na tayong dalawa ang magkasama kagabi?"

Naririnig ba nya ang sinasabi nya?

"Pag sinabi ko ano,iisipin nila na may relasyon tayo at nagtagpo tayong dalawa sa iisang mall?!" sigaw ko sa kanya dala ng aking pagkainis sa ugali nyang hindi nag-iisip. Sandali syang natahimik dahil sa aking sinabi. "Ganto na lang, tutal malapit na ang break time... kumain ka na lang" habol ko pa na naging dahilan ng pagkuha nya ng kanyang dalang pagkain sa kanyang bag

Best Love: The Start of Love Story (Yeon's Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon