CHAPTER 08

36 5 4
                                    

Harixxon Pov.

Nandito kami ngayon sa headquarters namin malapit sa aking bahay and as usual I'm playing mobile legend together with Zack while the others are doing their own thing.

"Punta tayong mall baka maraming chikababes doon", nakangising saad ni Keiffer (the playboy).

"Puro ka chikababes tapos 75 yung grades", bara ni Tristan (the bookworm) kay Keiffer na ngayon ay nakasimangot na.

"Kakain ba tayo?" nakangiting saad ni Luxe habang may hawak pa na chocolate sa magkabilang kamay.

'Patay gutom'

"Ano Zack g ba tayo?" tanong ko kay Zack na ngayon ay nag-iinat.

Tumango lamang ito saka tumayo.

"Ayownnnn! Let's go mga pare, chikababes here I come!!!" sigaw ni Keiffer.

"Yey! Pagkain! Pagkain! Pagkain here I come!!!" segunda ni Luxe.

Agad naman silang binatukan ni Tristan na ngayon ay inayos ang kaniyang salamin. Oo, may salamin 'yan pero wala namang problema sa mata "fashion" daw. Sus, daming alam.

Nakapamulsang naglalakad naman si Zack papunta sa kaniyang sasakyan habang ako ay syempre poging naglalakad papunta sa aking kotse.

"LET'S RACE! KUNG SINO ANG MAHULI SIYA MAGBABAYAD NG KAKAININ NATIN MAMAYA!" sigaw ni Luxe.

"TANGINAMO! PATAY GUTOM!" sigaw naman ni Keiffer.

Magsasalita pa sana ako ng biglang humarurot na paalis ang sasakyan ni Zack at sunod ay ang kay Tristan.

'Anak ng tokwa! Mga madaya!'

Mabilis kong pinaandar ang aking sasakyan at pinaharurot ito. Naabutan ko si Luxe at naunahan ganon din si Keiffer. Konti na lang at maaabutan ko na si Tristan. Ilang sandali pa ay nasa likod na ako ng sasakyan ni Zack.

'ANG GALING KO TALAGA! ANG POGI PA WOOOHHH!!'

Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na namin ang garahe ng mall. Nauna si Zack kasunod ako tapos si Tristan at Keiffer at ang panghuli ay ang nanghamon walang iba kundi ang patay gutom at isip bata kong kaibigan na nagngangalang Luxe.

Nakangising sumandal si Luxe sakaniyang kotse habang ako ay nakangiting bumaba. Si Tristan naman ay wala pa ring emosyong nakasandal sa kaniyang kotse ngunit may ngising nang-aasar ito, si Keiffer naman ay patawa-tawang inaasar si Luxe na ngayon ay nakasimangot.

"Paano ba 'yan Luxe ikaw ang manlilibre", asar ni Keiffer kay Luxe at binigyan pa ito ng ngiting mas lalong ikinasimangot ni Luxe.

"Fvck you Keiffer", sagot ni Luxe.

"Tara na", maikling saad ni Zack.

Para kaming mga modelo na ginawang runway ang daan. Nang makapasok kami sa loob ng mall ay agad kaming pinagtitinginan.

'hay, ang gwapo ko talaga'

Lahat ng taong nadadaanan namin ay napapalingon sa amin. I admit that we are kinda famous pero hindi kasing famous ng kambal ko at ng kaniyang mga kaibigan pero sapat na para makilala kami ng lahat. Our group is called "Knights" and we are known for being a gorgeous, sexy, talented and smart men. In short, we are like the ideal guy or the every girls dream guy. Ngunit si Zack ay isa ring sikat, mas sikat sa aming lima pagkat isa siyang international model.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Bookstore lang ako", saad ni Tristan saka umalis.

"Jollibee lang ako", saad ni Luxe at biglang nawala.

One Cuss, One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon