CHAPTER 09 CONTINUATION

27 1 1
                                    


Miles' Pov.

Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock kaya mabilis itong hinanap ng aking mga kamay sa mini table sa tabi ng aking kama at pinatay. Ayoko pang bumangon dahil inaantok pa talaga ako. Ayos lang sa akin na ma-late ngayon ang kaso baka makaabot kay dad at sermonan na naman ako. Napabuntong hininga ako bago kinapa ang cellphone kong nasa mini table rin saka iminulat ang mga mata para tignan kung anong oras na. Nang makitang alas siyete na sa umaga ay mabilis akong bumangon.

"Shit! I only have 30 minutes to prepare fvck it!" malutong na mura ko bago dali-daling pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay mabilis kong sinipat ang unipormeng aking susuotin. "Hmmm, not bad" mahinang saad ko. Sinuot ko ito at tumingin sa salaming nasa harapan ko. "This is perfect" nakangising saad ko. Sinuklay ko ang aking buhok matapos ko itong patuyuin at hinayaan lang itong nakalugay at kinagat-kagat ang aking pinkish na labi dahilan para ito'y pumula. Hindi ko na kailangang maglagay ng pulbo at blush on dahil natural na akong maputi at natural na pinkish ang aking pisngi. Kinuha ko ang kulay itim na prada backpack at isinukbit ito sa balikat bago binuksan ang pinto at tumungo sa baba.

Nang makarating ako sa tapat ng dining area ay nadatnan kong nagtatawanan ang aking mga kaibigan kasama ang aking kuya at ang mga kaibigan nito. Tumikhim ako upang kunin ang kanilang atensyon bago naglakad patungo sa aking kakambal at hinalikan ito sa pisngi ganoon rin sa aking dalawang kaibigang babae bago umupo.

"Morning" maikling saad ko.

"Good morning sis, how's your sleep?" nakangiting tanong ni Maelx.

"Bitin" maikling saad ko bago ipinagpatuloy ang pagkain. Natawa naman ang kapatid sa narinig na kaniyang isipinagwalang-bahala at tinapos na ang pagkain bago magsalita.

"Get your ass up. We only have 10 minutes before the class starts" malamig na saad ko at naunang lumabas. Dire-diretso lamang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa aming garage kung saan nakahilera ang iba't ibang sasakyan na pagmamay-ari namin, ng aking mga kaibigan at mga kasamahan ng aking kakambal. Iginala ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang bagong paboritong sasakyan, ang Lamborghini na kakalabas lamang. Dali-dali akong pumunta sa pinaroroonan ng aking sasakyan bago pumasok at pinaandar ito.

Binuksan ko ang bintana upang makalanghap ng sariwang hangin ng makarinig ako ng mga pagsinghap. Nilingon ko ang mga ito at nakita silang nanlalaki ang mga mata at laglag pangang nakatingin sa sasakyan ko kaya napangisi ako nang wala sa oras. "Ano? Tatayo nalang kayo riyan? Wala kayong balak pumasok?" bagot na saad ko.

"What the hell? You bought this?!" hindi makapaniwalang tanong ni Maelx at ang apat nitong kaibigan na tinawanan lang ng aking mga kaibigan.

"Am I going to sit in this car and will use this if I didn't buy this?" sarkastikong tanong ko dahilan para mag-iwas sila ng tingin. "Ano? Hindi pa kayo gagalaw? Mauuna na ako kung ganoon" naiinip na saad ko.

Mabilis naman silang nagtakbuhan at nagsipasukan sa kani-kanilang mga sasakyan at pinaandar ito. Nauna lumabas ang kakambal ko kasunod ng mga kaibigan niya, sunod ay ako at nasa likuran ko ang aking mga kaibigan. Tinignan ko ang nakakabit na relo sa aking kaliwang kamay at nang makitang malapit na mag-umpisa ang klase ay mas dinoble ko ang bilis ng sasakyan at binaba ang bintana at sinenyasan ang aking kakambal para sa dating gawi kaya naman agad nitong dinoble ang bilis ng sasakyan na aking ikinangisi. Mas binilisan ko pa ang takbo ng aking sasakyan hanggang sa malagpasan ko siya at makita ko na ang nagtataasang bakod ng paaralang aming papasukan. Napabuntong hininga ako bago dahan-dahang nagmaneho. Nasa likuran ko ang aking kakambal kasunod ang kaniyang mga kaibigan at mga kaibigan ko. Nagulat naman ako nang makitang maraming nagkukumpulang tao banda sa may parking lot ng paaralan and most of them are girls.

One Cuss, One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon