HERE'S ANOTHER SHORT UPDATE!!! HAPPY READING!!! XOXO
Miles' Pov.
We took our food and looked for a vacant table which we easily found one. We put our foods on the table before we put our bags beside us and decided to eat peacefully when an ugly creature interrupted us.
"Papansin ka talaga ano? Nagbihis ka talaga ng revealing para mapansin ka ng mga lalaki? Especially ng boyfriend ko? How desperate. Wala sigurong nagkakagusto sayo kaya todo papansin kang malandi ka ano?" walang prenong saad ng bruhilda and yeah, it's no other than Avril Woore the "queen bee" kuno.
This girl really craves for my attention, huh? Well, then, let me give it to her. I looked at the twins and Blaire's smirking while Claire's smiling creepily as they knew how much I hate it when someone bothers me or annoys me whenever I'm hungry or I'm eating. I slowly put the fork and the bread knife down as I faced her and her alalays.
"Ang ayoko sa lahat ay ang iniistorbo ang pagkain ko lalo na kapag nagugutom ako, jenjang!" kalmadong saad ko ngunit diniinan ko ang aking pagmumura gamit ang lengguwaheng korean.
(jenjang – damn it)
Tumayo ako at lumapit sakanya bago muling nagsalita.
"Una sa lahat, hindi ako nagbihis ng kasalukuyang suot ko para lang mapansin ng mga lalaki dahil hindi naman ako tulad mo na papansin. Pangalawa, boyfriend? Meron ka no'n? Imaginary boyfriend yata iyan. Pangatlo, walang nagkakagusto sa akin? Kung isampal ko kaya sa pagmumukha mo ang bilang ng mga lalaking nireject ko, kasalukuyang nakapila sa akin at ang mga nagbabalak pa lang na pumila? Pang-apat, malandi? Ako? Huwag mo akong gawing salamin mo at masyado akong mataas at mas maganda sayo para lang ikumpara o gawing repleksyon ng isang low class, cheap, asyumera, feelingera, pangit at kulang sa pansin na tulad mo. Panghuli, kung wala kang magandang bagay na sasabihin pwede bang manahimik ka at nakakairita pakinggan iyang boses mong sing pangit ng pagmumukha mo. Lumayas ka sa harapan ko at baka masapak kita masira iyang ilong mong ilang beses mo yata pinaayos." Mahabang saad ko bago siya tinalikuran at nagsimulang kumain.
Narinig ko pa siyang sumigaw sa inis pero hindi ko siya pinansin at patuloy lamang na kumain. May naririnig din akong tawanan at bulungan lalo na ang tawa ng magkambal at pati na rin ang tawa ng aking kakambal kasama ang kanyang mga kaibigan at sina Troy at Fritz. Napailing na lamang ako at inubos ang aking pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa aming kanya-kanyang silid upang umattend ng aming susunod na klase. As usual umupo ako sa tabi ng bintana katabi ko si Claire na pinagigitnaan namin ni Blaire at nasa likuran ko naman si Dale kasama ang aking kambal at ang kaniyang mga kaibigan. Wala pa ang aming prof. kaya naman napag-isipan kong making na lang muna ng music. Tinatapik-tapik ko ang mesa habang naghuhum sinasabayan ang musikang kasalukuyan kong pinapakinggan. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala pa rin ang aming prof. kaya naman napakunot ang aking noo. Bumaling ako sa likuran para magtanong sa aking kambal subalit bago pa man ako makapagsalita ay may pumasok na sa aming silid na lalaki. Teka, senior ba namin ang isang ito? Lumingon-lingon siya saglit na parang may hinanap at nang magtagpo ang aming mga mata ay napangiti siya ng malapad kaya mas lalong napakunot ang aking noo.
"Miles, I think that kuya likes you hihi." Claire whispered pero obviously narinig ni Blaire at ng mga shokoy sa likuran kaya bago pa sila makapagreact ay pinandilatan ko sila.
"Yeah right" ayan na lamang ang naisagot ko sakanya. Wala naman kasi akong pake e, hay. Tumikhim naman yung lalaki kaya naman napatingin kaming lahat sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/244805600-288-k48738.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cuss, One Kiss
Teen FictionCAUTION: READ AT YOUR OWN RISK this warning signifies that the stories contained within the book may delve into provocative, thought-provoking, or emotionally intense themes. readers should be prepared for a potentially immersive and challenging exp...