29

1.4K 57 0
                                    

Third Person Pov



Tanging sigaw at tunog ng mga pagsabog ang maririnig mo sa paligid. Tila halos pagod na ang lahat pero dahil sa determinado silang manalo wala ni mismo ang sumusuko.



Sa kabilang gawi busy naman sina Kevin at Dustin sa pagpaplano upang mas mapadali nilang mapatay ang mga kalaban. Tila naghahanap si Kevin ng lugar upang gawin ang plano ng makakita sya ng pwesto ay tinignan nya si Dustin upang sinyasan na maghanda na.

Gamit ang mga malalaking bato ay nagawang ikulong ni kevin ang karamihan sa mga kalaban kaya naman kumilos agad si Dustin upang pasabugin ang lahat ng nasa loob. At dahil umepekto ang kanilang plano pinagpatuloy nila ito. Sinisiguro nilang walang matatamaan na mga kasapi nila.



Sa kabila naman ay tila nahihirapan si Kero sa kanyang kalaban. Masyadong itong malaki at malakas pero kahit ganon ay hindi nagpapatalo si Kero.

"Hindi ako magpapatalo sayong pangit ka" sigaw nya. Umiiwas si Kero sa bawat atake nito ng makakuha ng tyempo ay nagsummon sya ng minotaur ( has a head of a bull and a body of man) . At dahil sa inutos ni Kero mabilis naman na gumalaw ang minotaur upang umatake at dahil hindi ito naramdaman kaagad ng demon kaya mabilis itong naglaho.

Napangiti naman si Kero sa resulta pero napasimangot ulit ng makitang marami pa ang kalaban sa paligid. Nag summon sya ng maraming basilisk upang tumulong na puksain ang mga kalaban.

"Hindi ako magpapatalo" sigaw ni Kero bago umatake ulit.



Mahusay naman ang ginagawa ng kambal. At dahil sa ginawang illusion ng kambal ang mga kalaban na nakakapasok ay kapwa naglalaban sa isa't isa na animoy kalaban nila ang nakikita.



Sa kabilang dako naman ay busy si Rose sa paglipad gamit ang walis nya , ang mga kalaban na nadadaanan nya ay ginagawa nyang bulaklak. Ngunit labis naman ang pag alala nya sa mga kasama na nagtutulungang patayin ang pinuno ng mga demonyo DAMON.

Sya ang inatasang puksain ang ibang halimaw kasama si Kim. Habang busy naman si Kim sa pagkukulong sa mga kalaban na umaatake sa kanya. Kapag may nakikita syang anino ng kalaban ay walang pagdadalawang isip na kinukuha nya ito at pinapadala sa underworld.



Makikita mo rin sa mga mata ni Damon ang kasiyahan sa nakikita habang ang royalties naman ay napaka seryoso at handa sa kung anuman ang pag atake.

"Kulang ata kayo ng isa ha" nag iinarte syang nag iisip kung sino ba yon.

"Walang hiya ka nasan si CLOUD!" Sigaw ni Viena.

"I think his already dead, naway sumalangit na ang kanyang kaluluwa" walang pakialam na sabi ni Damon kaya gumawa ng water spikes si Viena at inatake ito.

Naiinis naman ang ibang royalty sa kanya. Walang pagdadalawang isip na umatake sila dito.

"Seryoso nyo naman ata, isa lang naman ang pinatay ko sa inyo ah" pang iinsulto ni Damon. Dahil sa galit gumawa ng water circle si Viena upang lunurin ito pero parang baliwala lang kay Damon ay atake. Gumawa ng dark energy ball si Damon at inihagis ito sa gawi ni Viena. Dahil sa pagkabigla ay hindi nya ito naiwasan kaya natamaan sya.

"Nagsisimula palang tayo diba Tyler?" Seryosong saad ni Damon. Ngumisi naman si Damon sa tugon ni Tyler.

"Tsk!" Tila walang pakialaman si Tyler dito.

"Hmm, ganyan ka pala ka walang kwenta Tyler WHAHAHA" Tila nababaliw na tawa nito.

"Tsk! Demonyo talaga" asik naman ni Aero.

Isa isa silang nagulat sa biglaang pag atake ni Damon kaya hindi nila ito naiwasan.

"Oppps , sorry!" Tila nang iinsultong sabi ni Damon.

Dahil sa galit ay inatake ni Aero si Damon. Tila nagpapalitan lang ang dalawa sa pag atake. Gumawa naman ng mga vines si Hud upang hawakan ito ngunit dahil sadyang napaka liksi ni Damon kaya nahihirapan syang igapos ito.

"Ang hihina nyo naman binansagan pa Naman kayong malalakas. Yan lang ba kaya ny..." Hindi natapos ni Damon ang pagsasalita ng naramdaman nya ang kakaibang init na nagmumula sa likod. Bago pa sya lumingon ay bumulusok na sya sa Lupa. Imbes na masaktan ay ngumisi lamang ito.

"Ito ang gusto kung laban" ani nito.

Aatake na sana ulit si Tyler nang bigla nalang yumanig ang lupa , kahit ang ibang naglalaban ay napahinto rin sa ginagawa nila.

"MAY DINALA PA AKONG MGA KAIBIGAN , SANA MAG ENJOY KAYO" ani nito.



Isa isang nagsilabasan ang mga magkaka ibang uri ng halimaw. Mas dumoble pa ang dami ng kalaban nila kaysa kanina. Hindi makapaniwala ang lahat sa nasaksihan ,masyadong maliit ang kanilang bilang kumpara sa mga kalaban. Napa kuyom naman ang mga kamao ng royalties.

Alam nilang hindi nila ito kakayanin masyadong marami ang mga ito atsaka pagod narin ang iba pa nilang kasamahan.

"Bat napahinto kayo?" Pang iinis ni Damon.

"Mas mag eenjoy tayo kapag marami ang kasali right?" Ani nito sabay tawa tapos tumingin sa gawi ni Tyler.

"Sisiguraduhin kung mamamatay ka Tyler" sabi nito sabay ngisi na mala demonyo.



"TAMA KA NAMAN MASAYA NGA KUNG MARAMI ANG KASALI HAHAHA" sigaw ng taong kilalang kilala nila.

"CLOUD!!" sigaw nila maliban kay Tyler.

"Paanong nakaligtas ka" hindi makapaniwalang sabi ni Damon.

"Pano nga ba?" Tila nang iinis na sabi ni Cloud.

"Tsk! Wala parin kayong tyansa na manalo sa laban" proud na ani nito.

"Wala nga ba?" Tila nang iinis pa rin na sabi ni Tyler.

"Lagot ka talaga , sinabi mo ba naman na papatayin mo si Tyler. " Ani ni cloud na nagpa gulo na isip ng iba na kahit si Tyler ay napa isip din.



"AKO BA ANG TINATAKOT MO? PWES HINDI AKO NATATAKOT, MGA KAIBIGAN PATAYIN NYO ANG LAHAT NG MAKIKITA NYO WALA DAPAT ANG MATIRA!!"  pag uutos ni Damon. Handa na sana silang sumalakay ng bigla nalang pumalakpak si Cloud.



"DAMN YOU!!" Tila galit na sigaw ni Damon. Akto namang parang natatakot si Cloud para mas lalo itong inisin.



"Cloud stop that!" Sabi ni Viena. Naging matalas ang pakiramdam ng iba naghihintay sa atake ng kalaban. Maririnig mo rin ang mahihinang mura ng mga kalalakihan.



"You should wait for me Damon" salitang tila nagpahinto sa lahat ng naroon. Tila naman kumalma si Tyler dahil sa presensya ng minamahal.



"Zenisovich" mahinang sabi ni Damon.







A/N: pasensya na talaga sa paghihintay guys. Tatapusin ko na talaga itong story para makapagpahinga na ito.

Kingsman Academy :  The Lady Slayer  ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon