8. Reason

1.8K 67 0
                                    

Rose Selleria Pov

Busy kame sa pagkain ng nagulat kame ng biglang tumayo si Tyler. Nagtataka rin ang ibang royalty sa biglaang pagtayo nya. We always see an emotionless Tyler pero iba ngayon nakikita namin ang lungkot at pangungulila sa mga mata nya pero saglit lang yon at bumalik na naman sa dati ang expression nya. Nagtatanong Tinignan ko sila Viena pero tanging kibit balikat rin ang sagot nila.

"Baby" mahina ngunit dinig naming sabi ni Tyler. Nanlaki naman ang mga mata namin dahil don wag mong sabihing naghahallucinate ulit sya ngayon. Pero ang mga mata nya ay nakatingin lang sa pintuan palabas ng hall . Even Hud short for Hudas ay nagtataka rin . Pero Alam Kung pareho lang ang iniisip namin. Nagsisimula nanaman si Tyler sa pag hahallucinate hindi maganda to. Dapat malaman to nila tita Yung mga magulang ni Tyler. Bat nangyayari to ulit sa kanya? Totoo ba talagang may girlfriend sya? Hindi naman siguro nababaliw ang isang Chase Tyler Pereira diba?. Mygoosh ang sakit ng ulo ko sa pag iisip ng posibleng mangyari.

Kim Shinne's Pov

Tapos na ang klase and halos lahat ng royalties ay nandito sa dorm except for Tyler. Magkakasama kasi sa iisang dorm ang Sappharians. Busy ako sa paglalagay ng black lipstick ng biglang dumating si Tyler as usual with his poker face look.

"Hey guys sinong magluluto? Nagugutom nako eh" Hud said. Litseng Hudas to parang patay gutom.

"Magluto ka ng sayo" napaka takaw talaga nito.

"Hoy tumahimik ka jan Kim kung ayaw mong ikaw ang kainin ko" Hud said.

"Yucks napaka ew mo." Napa roll eyes ako dahil don.

"Ang dumi naman kasi ng iniisip mo witch" nang aasar na sabi ni Hud.

"Anong witch? Si Rose yung witch hindi ako" sagot ko pabalik

"Hoy kung mag aaway kayo wag nyo kung damayin" Sabay bato ng libro kay Hud kaya ayon sapol sa mukha ang gago buti nga sa kanya.

"Napaka amazona mo talaga Rose wala kang patawad sa mukha ko. My handsome face pano nayong mga fangirls ko nito. Aero pagsabihan mo nga yang myloves mo" nakaka bwesit talaga sya. Sana mabukolan sya.

"Myloves wag ka namang ganyan" ayan na naman si Aero

"Gusto mong mabukolan Aero?" Rose said at akmang ibabato ang libro. Si Aero naman ay nagtatago sa likod ni Viena.

"Hoy Aero bat ka nagtatago sa likod ko ha" sigaw ni Viena.

"Likod mo pala to?" Pang aasar ni Aero

"Abat sumusobra ka ng hinayupak ka ha" galit na sabi ni Viena kaya ayon naka tanggap ng batok si Aero.

"Tumahimik nga kayo kita nyong nagbabasa ako dito" cloud murmured.

"Hoy lalaking addict sa libro magluto kana nga" sigaw ni Viena.

"Tinatamad ako" cloud said.

"Ho...." Hindi na natuloy ni Viena na sigawan si Cloud.

"SHUT UP" mahina ngunit nakakatakot na sabi ni Tyler kaya ayon napa tahimik kame. Walang nagtangkang magsalita. Aba syempre nakakatakot kayang magalit si Tyler. Buti nalang at pumasok na sya sa kwarto nya napahinga naman kame ng maluwag.

Ng biglang naalala ko ang nangyari kanina. Did he just say the word baby again? The last time na narinig namin yan is 4 or 5 years ago? Totoo ba talagang hallucination nya lang yon?. Ibang iba sya sa Tyler na nakilala namin noon. Hindi rin kasi palasalita si Tyler tahimik lang yan noon pero hindi naman nakakatakot tignan nagulat nga kame ng biglang nagbago sya ngumingiti na sya atsaka nagsasalita na rin ng mahaba , sumasama pa nga yan samin kung gumala sa city. Tinanong namin sya kung bakit nagbago sya pero ang sagot nya lang ay dahil sa girlfriend nya syempre nagulat kame noon 10 years old pa kame non tas may girlfriend na sya. Tinanong namin sya kung sino pero hindi nya sinabi ang pangalan nya. Hanggang tumagal yon ng 4 years kaya medyo naguguluhan ang mga magulang ni Tyler kung sino ba talaga yang girlfriend nya. Gusto rin kasing makilala nila Tita at Tito pero ayaw parin sabihin ni Tyler kung sino halos bukang bibig nya lang ay "Namimiss ko na sya" "Baby" "My Baby" mga ganon para syang baliw kung umasta kaya Plano nila Tita na sundan si Tyler isang araw pero wala daw nakitang kasama si Tyler pero sabi ng taong inutusan nila Tita ay parang may kausap daw sya at tumatawa pa nga. Kaya don nagsimulang kabahan sila Tita baka daw kasi Nymphs yon. Nang aakit kasi yong mga Nymphs tas pagmaaakit na nila yong biktima nila don na nila kukunin ang kaluluwa nito at hindi na nila ibabalik.

Kaya nagpasya sila Tita na ikulong si Tyler sa kwarto nya. Naaawa nga kame don sigaw sya ng sigaw kesyo pupuntahan nya daw ang girlfriend nya, Baka daw naghihintay nayong girlfriend nya sa kanya. Umabot rin yon halos isat kalahating taon. Tumigil na sa kasisigaw si Tyler hindi narin namin sya naririnig na sumisigaw o umiiyak hindi na rin sya nagmamakaawa na ilabas sya. Nong umabot ng dalawang taon don na sya pinalabas pero don narin nagsimula ang pagbabago nya. Madali lang syang magalit ni pagtawa ay hindi na nya nagawa kahit sa pagsasalita ay konti lang. Nakakatakot na rin syang tignan. Kaya naguguilty sila Tita sa ginawa nila. Tatlong taon narin ang lumipas simula nong lumabas sya at nagbago. Kailan kaya namin makikita ang dating Tyler na nakilala namin. Ayaw narin nyang tinatawag namin sya sa first name nya. Nong una nahihirapan kame dahil nasanay kaming Chase ang tawag sa kanya pero lumaon din ay nasanay narin kame na Tyler ang itawag sa kanya.

"Ang lalim ng iniisip natin ha" pang iistorbo ni Hud.

"Langya ka talagang lalaki ka, ginulat moko" sabay hampas sa balikat nya. Bigla ba namang magsalita sa gilid ko.

"Alam ko namang ako yang iniisip mo" pang aasar nang gago.

"Gusto mong lunurin kita" pang babanta ko. Tumayo naman sya bigla

"Joke lang naman yon Kim hehe" parang natatae na ewan na sabi nya HAHAHA takot pala tong malunod. Sabagay di kasi marunong lumangoy.

"Ano ba kasi yang iniisip mo Kim?" Tanong ni Rose

"Iniisip ko lang yong nangyari kay Tyler" and with that tumahimik ulit sila. Katulad rin sakin na nag iisip din. Hindi rin kasi namin Alam ang totoo. Itutulog ko nalang to pagod na pagod rin kame ngayon dahil sa katatapos na mission namin.

Kingsman Academy :  The Lady Slayer  ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon