15

1.8K 93 2
                                    

Viena Pov

Pagkagising namin kumain kame agad at umalis na para magpatuloy sa paglalakad. Nagugulat nga kame kay Zen parang alam na nya lahat ng pasikot sikot sa gubat. Iniiwasan namin yung lugar na may mga dark creature daw kahit na nagtataka sumunod nalang kame sa kanya.

Ng biglang may bumulusok na pana papunta sakin hindi ako makagalaw dahil sa gulat ng biglang may tumulak sakin kaya napahiga kame sa lupa and to my surprise it was Zen who saved my life a while ago. Magpapasalamat na sana ako ng biglang dumami ang pana papunta samin. Kaya todo iwas kame bigla nalang nawala si Zen sa paningin namin.

Bigla nalang may lumitaw na dalawang darkinians ang Isa ay may hawak na pana , ang isa naman ay may hawak na latigo. Kaya naging alerto kame.

"Tama ka nga Yazi nandito nga ang royalties" sabi nong may hawak ng pana

" Oo naman Yani,  Matutuwa si King kapag napatay natin silang lahat HAHAHA" sabi nong may hawak na latigo  i think sya si Yazi si Yani yung isa.

"Any last message Royalties?" Sabi ni Yani. Anong akala nila samin mahihina.

"Mamatay na kayo" sigaw ni Cloud

"Whahahahahaha" tawa nong dalawa

"It's not funny duh!" Sabi ko

"Ikaw ang uunahin ko babae" sigaw ni Yazi

"Talaga? Kaya moko?" Pang iinsulto ko. Kaya ayon nagalit naman sya. Bigla nalang din syang sumugod.

Third Person Pov

Dahil sa biglaang pag atake ni Yazi hindi naiwasan ni Viena ang pana na bumulusok sa kanya kaya nadaplisan sya nito. Napangisi naman si Yazi. Kaya hindi na nagalinlangan pa ay umatake narin si Viena kasama sina Cloud , Rose and Hud.

Habang sila Chase , Aero and Kim naman Kay Yani. Atake lang sila ng atake . Si Yani at Yazi ay magkakambal. Si Yani at weapon summoner habang si Yazi naman ay Vines na may tinik.  Kaya nagpalabas na din ng espada ang royalties. Kaya nakigaya rin sina Yani and Yazi. Tanging tunog lang ng pagkalansing ng espada ang maririnig sa sulok ng gubat nayon.

"Arghh" sigaw ni Viena kaya lahat ng mga kasama nya ay napadako ang tingin sa kanya. Ng biglang natumba si Viena sa lupa.

"Viena anong nangyayari?"tanong ni Cloud

"Viena" sigaw ni Rose

"HAHAHAHAHA" tawa ni Yazi

"Opps nakalimutan kung sabihin na may lason pala ang bawat pana ko" animoy nag iisip ito.

"Magbabayad ka" sigaw ni Aero ng biglang may pumulupot na Vines sa kanilang paa huli na ng namalayan nila yon. Hawak na sila ni Yazi habang si Yani naman ang hawak si Viena.

"Mamaalam na kayo sa kaibigan nyo habang may oras pa HAHAHA" Tawa ni Yani.

Pilit kumawala sa mga vines sina Cloud pero sa tuwing nagpupumiglas sila lalo lamang sumisikip ang kapit ng vines sa kanila kaya napapasigaw sila dahil sa bumabaon ang tinik sa mga katawan nila .

"Vienaaaa" sigaw ni Kim

"Pakawalan mo sya" sigaw ni Cloud

"Tsk!" Parang walang pakialam si Chase sa nangyayari

"PANO KUNG AYAW KO" nang aasar na sabi ni Yani.

Habang busy sa pakikipag usap sina Yani at Yazi unti unti naman sinusunog ni Chase ang vines na kumakapit sa kanya ng hindi nahahalata ni Yazi. Ng biglang nakawala si Chase sa Vines nagulat naman si Yazi don.

"Fire Ball" sabi ni Chase kaya bumulusok ito papunta kay Yazi naiwasan naman nya ito kaso

"Fire bomb" huli na nang namalayan ni Yani ang atake kaya natamaan sya nito at sumabog. Buti nalang at ginawan ni Cloud ng barrier si Viena upang hindi matamaan. Dahil sa nangyari naguusok na sa galit si Yazi.

"Walang hiya ka pinatay mo ang kambal ko" galit na sigaw ni Yazi.

"Then follow her" bored na sagot ni Chase. Kaya walang pagdadalawang isip na sinugod ni Yazi si Chase. Kahit anong pilit na atake ni Yazi ay naiiwasan lang ito ni Chase kaya gigil na gigil na syang patayin ito. Habang ang royalties naman ay pilit parin kumawala sa Vines pero sadyang malakas ang kapit nito kaya nahihirapan silang tanggalin ito.

Alalang alala naman sila sa nangyayari kay Viena namumutla na ito at halos hindi na humihinga nangingitim narin ang braso nito hanggang sa leeg. Kumakalat na ng tuluyan ang lason sa katawan nya.

Habang naglalaban sila Chase hindi namalayan ni Chase ang atake ni Yazi sa likod kaya natamaan sya sa binti na naging dahilan ng pagkatumba nito. Walang inaksayang panahon si Yazi pinulupot nya ang vines sa katawan ni Chase.

"MAMATAY KANAAAA" sigaw ni Yazi akmang aatake na sya ng biglang may tumarak na espada sa dibdib nya diretso sa puso.

"Nakalimutan mo atang nandito pa ako" seryosong sabi ni Zen

"P-pano?" gulat na sabi ni Yazi

"Walang sinuman ang pwedeng manakit kay Chase ng hindi namamatay." Nakakatakot na sabi ni Zen. Gulat na gulat ang ibang royalties sa nangyayari habang si Chase naman ay animoy Alam na ang mangyayari.

"Hanggang ngayon ayaw na ayaw parin nyang nasasaktan ako" sabi ni Chase sa isip nya kaya napangiti sya ng patago.

Natumba naman si Yazi at binawian narin ito ng buhay. Tinanggal naman ni Zen ang Vines na kumapit Kay Chase. Habang tinatanggal naman ng ibang royalties ang vines na kumapit sa kanila.

Pagkatanggal nito ay dali dali silang tumakbo papunta kay Viena.

"Viena" sabi ni Cloud

"Vien" sabi ni Kim

"G-guys h-hin-di a-ako mak-kahinga" nahihirapang sabi ni Viena.

"Viena just please hold on" sabi ni Hud.

Pilit ginagaling ni Rose si Viena pero hindi umipekto ang healing potion nya. Nagsimula naman umiyak si Kim and Rose . Habang panay naman ang mura ng mga kalalakihan.

"Guys tumabi muna kayo" sabi ni Zen habang akay akay si Chase.

"Rose pagalingin mo si Chase, Ako nang bahala kay Viena" sabi ni Zen. Kaya kumilos na si Rose para pagalingin si Chase.

"Zen nahihirapan na si Viena" umiiyak na sabi ni Kim. Nagulat naman sila ng hawakan ni Zen ang braso kung saan natamaan si Viena at bigla nalang itong lumiwanag. Parang hinihigop ng kamay ni Zen ang lason sa katawan ni Viena.

Unti unti naman itong nawala pero wala paring malay si Viena pero maayos na ulit ang panghinga nito.

"Bukas pa magigising si Viena" sabi ni Zen

"Zen ano yon?" Nagtatanong na sabi ni Hud. Nagtatanong rin ang mga mata nila Kim, Rose , Aero and Cloud as usual parang walang pake parin si Chase.

"You know, I'm a poison healer or I must called that a poison eater" sagot ni Zen. Gulat naman ang rumehistro sa mga mukha nila.

"That's a rare power right?" Tanong ni Aero

"Yeah and actually it's my ability and not power" sabi ni Zen.

Napakalakas siguro nya para magkaroon ng ganyang ability ang nasa isip ng mga royalties even Chase ay nagulat din.

Kingsman Academy :  The Lady Slayer  ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon