Chapter 40 [Once upon a time]

805 22 0
                                    

A Perfect Lovestory

ELIZABETH

Nang makalapit na siya sakin..

"Akala ko hindi ka na naman darating.." agad niyang sabi pero ngumiti lang ako. Kita ko ang pagkahopeless sa kanyang mata.

"Dumating ako.." sagot ko at ngumiti naman siya ng makahulugan.

"I know what you mean..Yes. My answer is Yes. You don't have to beg for my answer. I want to be with you. Prince Zach."

"Finally, Elizabeth fell in love with me." Nangingiting sagot niya atsaka hinalikan ang aking kamay katulad ng mga prinsipeng napapanood ko sa fairytale. Hinahalikan nila ang kamay ng mga kababaihan tanda ng pagbibigay galang o pagiging gentleman nito.

"Forever na'to? Wala ng bawian?" Paninigurado niyang tanong.

"Forever. Forever and ever as in Forever." Sagot ko atsaka pinagdikit ang palad namin.

Paano kung pagkapanganak mo, nakaguhit na sa iyong palad na makatagpo ka ng prinsipe.

Prinsipe na papangakuan ka ng FOREVER.

Prinsipe na iniyakan ka dahil binalewala mo.

At..

Prinsipe na hindi susuko, maging kanya ka lang.

Kung anong malas ng pamumuhay ko sa mundo, natumbasan naman ng swerte sa buhay pag-ibig. Yung wala kang ibang pangarap kundi ang maiangat ang mga kapatid mo sa hirap pero dumating ang prinsipe para tulungan ang kanyang magiging prinsesa.

Ordinaryong babae na nabuhay sa mundo ngunit naging kumplikado nang dumating siya. Mahiwaga nga ang mamuhay sa mundo ng fairytale. Parang pati ang paligid nakikisama sa inyo, ang bawat madaanan niyo ay ngumingiti dahil nahanap na ng prinsipe ang kanyang prinsesa. Ang fairygod mother mo na hindi ka tinransform into beautiful princess pero kinuha niya ang puso mo at ibinigay sa prinsipe.

Hay! Para akong naninirahan sa panaginip. Panaginip siya para sayo pero totoo ang lahat ng nangyayari. Siguro, swertehan lang din 'yan sa buhay. Dalawa lang naman 'yan e, pinilit mong mangyari o kusang nangyari. That thing they called TADHANA kasi.

Madilim at wala kaming ibang nakikita kundi ang mga ilaw ng alitaptap at tila nasa labas kami ng universe na pinalilibutan ng mga kumikislap na ilaw. Dinala niya ako sa gitna ng gubat na hindi naman kalayuan sa gazebo. Gusto niya daw ipakita sakin itong magandang tanawin sa dilim. Ang mga alitaptap na nangangalat sa paligid. Nakahiga kami sa damo at masaya naming tinititigan ang bawat pagkislap ng ilaw.

Hindi ko masyadong naaaninaw si Prince Zach pero alam kong hindi siya malayo dahil hawak niya ang kamay ko. Ang saya ng aking pakiramdam. Ganito pala kapag umiibig sa isang maharlika, parang kahit anong oras pwede ka ng mamatay.

Alam ko, ang buwan ay tumatawa samin kahit na natatabunan pa ito ng itim na ulap. Mr. Moon, kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon. Ihahati ko sana sayo para naman maging masaya kana din. Hayaan mo, maghintay ka na lang ng eclipse. Makakasama mo din si Reynang araw, mayayakap mo pa siya tapos magkakaanak kayo, mini star!

Itinagilid ko ang ulo ko paharap sa kanya dahilan para maramdaman ang hangin na tumama sa aking mukha na nanggagaling sa kanya.

"Zach.." tawag ko.

"Hmm?"

"Tulog kana?" Tanong ko.

Lumapit pa siya sakin at ipinaunan ang braso niya sa aking ulo.

"Iniisip ko lang ang aking mga magulang.." ramdam ko ang paghinga niya ng malalim.

"My parents are divorced. That time, when my father beg to my mother's knees, I can't rid it."

"Akala ko..may forever." Sagot ko

"Hindi nakita ng ina ko ang forever sa aking ama kaya nauwi sila sa pagdivorce."

"May nahanap ang iyong ina na bagong forever?"

"Parang ganun na nga.."

"Akala ko kapag namumuhay ka sa fairytale..happily ever after pero ang panimula at wakas ay once upon a time lang din." Sabi ko habang nakatingin sa mga alitaptap. Nalulungkot ako sa nangyari sa kanyang mga magulang. Parang ako, namatay si nanay at nakita ni tatay ang dati niyang forever.

"May happily ever after na namamagitan sa ating dalawa at hindi ako papayag na once upon a time lang tayo." Sagot niya at gumuhit sa aking mukha ang ngiti ng naniniwala at nagtitiwala sa kanyang mga sinasabi. Ramdam ko ang pagkasincere ng sinasabi niya at pati na ang alitaptap ay sincere na din sa ilaw na dinadala niya samin.

-----------------------------------------------

Let's see kung may forever..

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon