Chapter 35 [Miss You]

863 22 0
                                    

"Ang totoong matalino ay nagtatanong."
-Doc

A Perfect Lovestory

Elizabeth POV

Para akong naglalakad papunta sa kwartong pagbibitayan ko. Malakas ang kaba ng dibdib at parang ako lang ang nakakarinig nito. Ang bawat paglakad ko ay sumasabay sa kamay ng orasan na lumilipat sa kasunod na guhit. Tumigil ako sa tapat ng pintuan na pagmamay ari ng presidente na eskwelahang pinag-aaralan ko. Pinagpapawisang hinawakan ko ang door knob at unti-unti itong binuksan.

"Ms. Alyssa Elizabeth Hernandez..you are a student from public ad. Nakarating sa akin ang reklamo ng professor mo. Who do you think you are to say that to your teacher?"

"At sino naman siya para ibagsak ang mga kaklase ko? Sinasabi ko lang po ang katotohanan. Ang mga kaklase ko ay bagsak kaya ang ibig sabihin lang nun e wala silang natutunan sa kanya. Kung anong binibigay na grade ng professor ang nagrerepresent sa kanya. Kung bagsak, tanga siya at kung pasado lahat, matalino ang teacher." Sagot ko.

"Your scholarship might be gone through this."

"Hindi ba namin karapatan na ipaglaban ang gusto namin? Ang mga matataas na tao lang ang may kaya na ipaglaban ang gusto nila? Ang mayayaman? Ang mga may kapangyarihan? E kami? Kapag kami bawal? Limitado lang?"

"Ano bang pinaglalaban mo?"

"Baguhin ang pananaw ng mga taong may galit sa mundo." Sagot ko atsaka tinungo ang pintuan.

May kuryente ba ako sa loob ng katawan? Paano ako nagkaroon ng lakas na kausapin ang president ng university na ito? Siguro, nadadala lang ng pangyayari.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng President. Binawi ng Prof ko ang mga grade namin. Buti nga. May galit kasi 'yan sa mundo, sa section namin ibinabaling. Malay ba namin sa problema niya? Kung kaya pumunta siya sa sagada at doon isigaw ang problema niya sa mundo, hindi yung samin ibinabaling ang galit.

Nasa mini forest ako ngayon. Nagbabasa ng libro at sa gitna ng pagbabasa ko ay pumasok sa isip ko si Prince Zach. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas simula nang lumuhod ako sa harap niya at magmakaawang layuan niya ako at simula nun e hindi na siya nagpakita pa sakin. Hindi na nagpaparamdam kahit text wala din. Teka? Hinahanap ko siya ganun? -_- hindi naman.

May sasabihin ako. Secret lang hah. Aaminin ko. Gwapo ang prinsipe. Oo, mabait siya atsaka maaalalahanin. Malambing din siya. Gusto ko siya. I like him. Yeah! I like him TOO and I think it's going to be deeper if he keep seeing with me at ayoko mangyari ang bagay na 'yun. Okay, siya ang FIRST KISS ko. At kapag naaalala ko ang bagay na yan..para akong baliw na napapangiti. Bakit nga ba pa hard to get pa ako?

Hindi po ganun kadali ang magkaroon ng prinsipe sa tabi mo lalo na't isa ka lang ordinaryong babae. Kung pwede lang nga igrab ang opportunity na makatagpo ka ng prinsipe, well, I don't think I can call that thing opportunity, maybe It's Meant to be.

Ginulo-gulo ko ang buhok ko at isunubsob ang ulo sa libro na aking binabasa. ANO BANG INIISIP KO? BALIW NA YATA AKO!

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang biglang may gumitla sakin. Tinagtag ko ang libro sa aking mukha at gusto ko ng magpakain sa walking dead sa kalagayan ko ngayon. Inooperahan yata ang puso ko sa kaba ng aking dibdib. Nagdedefense na ba ako ng ginawa kong thesis? Tinatanong na ba ako ng panel?

"I missed you that's why I'm here." Sabi niya na inilabas ng mapupula niyang labi. Umupo siya sa kaharap kong upuan at lamesa na bilog ang pumapagitna saming dalawa.

"Ano pong ginagawa niyo dito..Prince Zach?"

"I missed you that's why I'm here." Napalunok ako ng laway sa muli niyang pagsagot. Ayaw magfunction ng utak ko..wala akong masabi. Nakakabigla kasi. Yung taong iniisip mo kanina e nasa harapan mo na ngayon.

"I have one week left. I'm going back to Haneye Palace at gusto kong makasama ka bago pa man ako umalis. I hope you let me to see you this time."

Yes! I let you! Hindi kita pinipigilan. But the other side of my thought says, Paalisin mo siya! Guguluhin ka na naman niya. So I end up, quite.

"Hey!" Natauhan ako ng hawakan niya ang pisngi ko. Parang ang dugo ko ay hindi na dumadaloy pa, parang tumigil na sa pag-agos nang dahil sa kanya.

"I can't believe..."

"What?"

"You're here.." Salita ng bibig kong walang preno. Gumuhit sa kanyang mukha ang isang malaking ngiti. Nagiisip ba ako? Hindi na yata e. Tanga na yata ako. Kinuha ko ang libro ko at tinabon sa aking mukha. Hindi ko ba alam kung ngingiti ako, magwawalk out, bawiin ang sinabi ko sa kanya pero ang pakiramdam ko ngayon ay parang hinihigit ko siya papalapit sakin, hindi ko siya tinataboy papalayo. TANGA talaga lahat ng tao sa pag-ibig. Sa may subject na LOVE para malaman ko kung anong dapat kong gawin.

---------------------------------------------------------------------------

"If you are not mine then why does your heart return my call?"
-IF YOU'RE NOT THE ONE by Daniel Bedingfield

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon