Chapter 19 [The Meet Up]

867 25 0
                                    

A PERFECT LOVESTORY

[HAPPY BIRTHDAY TO MYSELF! HEHE. Birthday ko ngayon. Dec. 18, 2014]

Author's note: Pasensya sa wrong grammar hah! Pagtiyagaan. Haha. XO patama naman yung mali ko hah! TY.

ELIZABETH.

"Are you alright?" Tanong nung humila sakin na nakahawak pa rin sa waist ko. Hindi ko masyadong maaninaw ang mukha niya dahil madilim. Matangkad siya.

"Sino ka?" Nakakunot ang aking noo na tanong.

"I-I'm sorry for being rude."

Makaenglish itong kausap ko. Huminga ako ng malalim, bumitaw ako sa pagkakahawak niya sakin.

"Ang layo ng sagot mo hah."

"Uhh. I'm dayco."

"Okay. Nice to meet you. Stranger. Salamat sa paghila mo sakin hah." Sagot ko at umalis na. Hindi ko masyadong namukhaan yung Dayco. According to him.

"Hey, Your name?" Dinig kong sigaw niya.

Hindi ko nalang siya pinansin. Uuwi nalang ako. Hindi na ako pupuntang gasoline station. Almost in midnight na tapos yung suot ko basang-basa pa. Ang lamig kaya, papalapit na kasi ang pasko. Sighs. Kauna-unahang pasko na wala si nanay. T_T ang sarap lang bumalik dun sa nagrararally tapos sunugin nalang yung building.

"Stop!" Humarang sa harap ko yung lalaki. Hindi ko pa rin naaaninaw ang mukha niya, nasa madilim na naman kasi.

"I don't want to let you go if you didn't even tell your name."

"Elizabeth. My name is Elizabeth." Sagot ko. Para naman tumahan na itong lalaki.

"Beautiful name. Katulad mo."

QUESTION MARK? Namental block ako. Siya ang kauna-unahang lalaking nagsabing maganda ang pangalan ko na katulad ko. Ang haba ng hair. O, baka matapakan.

"YOUR HIGHNESS!!"

"Oh, no! Come with me."

O_________O

Bigla na naman niyang hinawakan ang waist ko at sinama sa pagtakbo. Anong nasa isip ng lalaking ito? Nababaliw naba siya? Hindi niya ba alam na may naiistorbo siyang tao. Pwede namang tumakbo siya ng siya lang, bakit kailangan pa niya akong isama? At bakit ako sumama? -_-

Tumago kami sa likod ng bahay. May mga nakasampay pa nga na mga damit eh. May humahabol kasi sa kanya, samin pala. Nadamay lang ako.

"Silent." Bulong niyang sabi at nilagay ang hintuturo niya sa labi ko. Oh, jusko! Anong pinasok kong sitwasyon.

Naririnig ko ang pagtapak ng kanilang paa sa lupa. Malayo na kami sa nagrarally at sobrang tahimik ng paligid, parang kami na nga lang ang gising eh at makalipas ang ilang minuto ay nawala na din ang mga naghahanap sa kanya.

"Magnanakaw ka ba? Bakit may humahabol sayo?"

" I'm not a stealer. You're the one who steal."

Ano? Ako daw ang magnanakaw?

"Loko ka pala eh! Isasama mo ako sa pagtakbo tapos ako ang pagbibintangan mong magnanakaw.."

Narinig ko ang pagtawa niya. May sapak yata sa utak ang lalaki na eto. Sumama ako sa baliw.

Tumapat siya sa ilaw na galing sa loob ng bahay. Nakikita ko na siya ngayon. Nakatitig ako sa blue niyang mata. Gwapo. Kung sa babae simple lang siya pero madating. Malakas ang  impact niya.

Emeged! Gumising ka nga Elizabeth! Umalis na ako sa harap niya sabay nagpakawala ng hangin. Hindi naman siguro ito Love at First sight o ano, ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang lalabas sa dibdib ko. Siguro, ngayon lang ako nakakita ng gwapo kaya ganito ang nararamdaman ko. Kawawang elizabeth ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Elizabeth. I Like You! Hope to see you again!"

Nagtatakbo na ako bago pa niya ako maabutan. Ano daw yung sinabi niya? I Like You? Kalokohan. Gwapo nga baliw naman. Tsk Tsk.

--------------------------------------------------------------------------------------

Watch his action more than his words. Action is powerful than words.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon