Chapter 39 [Left Unsaid]

827 19 0
                                    

A Perfect Lovestory

ELIZABETH.

Nasa kwarto kami at nakabilog kaming magkakapatid. Kumakain kami ng chicharon at mani.

"Wag kayong tatawa sa sasabihin ko hah?!" Sabi ko sa mga kapatid ko.

"Ano 'yun?" Tanong ni Vhea.

"Maniniwala ba kayo kung ang boyfriend ko ay ang Prinsipe ng Britanya? Maharlika ang kanyang dugo."

"HAHAHAHAHAHAHA! Grabe! Ate, nagpunta ka lang sa foggy bridge naging ilusyunada kana!" Tawang-tawang sagot ni Vincent

"Totoo nga. Walang halong biro. Kasintahan ko ang Prinsipe ng britanya. Siya kaya ang kasama ko sa foggy bridge."

"Naku, ate! Wag mo kaming paglolokohin at baka buhusan ka namin ng mainit na tubig nang matauhan ka.." sagot naman ni vincent.

"Hayaan na natin  si Ate..broken heart lang 'yan kaya nagkakaganyan." Singit ni Vhea.

"Ang mga prinsipe marunong magkabayo..ate gusto kong magpaturo sa boyfriend mo, ate." Sagot naman ni Jhonny pero sinubuan siya ni Vincent ng chicharon

"Nadadamay kana sa kalokahan ni Ate." Inirapan ko lang silang tatlo.

"Buti pa itong si Jhonny pinagtatangol ako..e kahit na ilusyon lang ang magkaboyfriend ng prinsipe, dapat suportahan niyo pa rin ako kasi kapatid ko kayo."

"Wew. Nagtatampo ang ating dyosang ate. Sige, susuportahan ka namin sa ilusyon mo." Sagot ni Vincent sabay kain ng mani.

"Titira na si Ate sa castle..ang magpapaligo sa kanya ay ang kanyang mga alalay at ang bawat hibla ng kanyang damit ay nagkakahalaga ng isang milyon at ang korona niya ay kumikinang na ginto samantalang ang tawag sa kanya ay Prinsesa Elizabeth. Sa bawat pagtapak ng paa niya sa diyamanteng sahig ng kanyang palasyo ay inaalalayan siya ng kanyang minamahal na prinsipe..subalit nadulas ito at buti nalang nasambot ng prinsipe. Ang mahal na Prinsesa ay nawalan ng malay kaya hinalikan ito ng Prinsipe subalit nagising ito sa katotohanan. Panaginip lang ang lahat." Sabi ni vhea with action pa yan habang nagkukwento siya. Natawa naman kaming lahat.

Kahit panaginip lang ang lahat. Posible pa ring mangyari 'yun. Kung ang kapalaran mo ay makatagpo ng isang prinsipe, ikaw na ang pinakamaswerteng babaeng nabuhay sa mundo at sa kalagayan ko ngayon. Naniniwala na ako sa that thing they called TADHANA.

*Flashback*

After we kissed. He hugged me even tighter. Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking dibdib. Pinapakiramdaman ang tibok ng aking puso.

"Keep your promise, Elizabeth." Ngumiti lang ako. Kinuha niya ang aking kanang kamay at inilagay sa kanyang dibdib.

"My heart says it's you. We are meant to be forever." He added. Nararamdaman ko ang bawat pagtibok ng puso niya. Parang wala na nga akong ibang naririnig kundi ang kanyang puso.

Ang araw ay nakasilip na sa bundok at naglaho na ang mga hamog. Lumilinaw na ang tulay at ang tubig ng ilog ay malinaw na din. Ang malaberdeng dahon ng mga puno naman sa gilid ng ilog ay namamasa-masa dahil sa maliliit na patak ng tubig dulot ng hamog.

Bago kami umuwi..pumitas ako ng isang dahon at inilagay sa aking bulsa. When I was in highschool, sabi ko sa sarili ko, kapag natagpuan ko na ang true love ko, pipitas ako ng dahon bilang ala-ala. At 'yun ang ginawa ko.

At bago kami magseparate ni Prince Zach, may sinabi pa siya sakin.

"I am a fish and you are a water. A fish can't live without a water, so I cannot live without you." Sabi niya sabay hinalikan ang kanan kong kamay.

"Please Be mine. I will wait for your answer. My love. Tonight, 7, at the gazebo." Dagdag pa niya. Tatalikod na sana ako pero muli niya akong tinawag..

"Elizabeth. Maraming salitang naglalaro sa aking isip subalit ayokong iwan ka na hindi ko nasasabi ang gusto kong sabihin."

Napakunot ang noo ko.

"Ano?" Tanong ko.

"I Love You.."

Tuluyan na akong tumalikod. Mamamatay na ako sa sobrang kilig. Gusto ko ng matumba, hindi na makayanan ng tuhod ko ang kilig na bumabalot sa katauhan ko. Para bang gusto kong magtatatalon sa saya. Grabe! Lord! Hahaha. May prinsipe akong manliligaw! Parang nananaginip lang ako.

*End of Flashback

At 'yun nga..kung sagutin ko man si Prince Zach. Hindi pa rin maniniwala ang mga kapatid ko. Ngayon pa nga lang na kunwari may boyfriend akong prinsipe e hindi sila makapaniwala, pinagtawanan pa nga ako eh.

Napatayo ako bigla dahilan para matapon ang chicharon at maning kinakain nila.

"Sayang..ate, bakit ba tumayo kang bigla?" Tanong ni Vhea.

"Anong oras na?"

"Seven." Sagot ni Vincent

Seven? E seven kami magkikita. -_- pinaghintay ko na naman siya. Late na naman ako. Agad kong kinuha ang jacket ko at dali-daling lumabas ng bahay.

Kinuha ko ang aking cellphone at may 10 missed call ako na nanggaling kay Prince Zach. Patay! 7:30 na. Thirty minutes akong late, andoon pa kaya 'yun?I ran as fast as I could. Sana andoon pa siya.

Pagkarating ko, nakikita ko siyang nakatayo sa gitna ng gazebo at halata ang pagkainip sa kanyang mukha. Napangiti nalang ako. Hindi agad ako lumapit sa kanya, pinagmasdan ko pa muna siya sa malayo hanggang sa napapagod na yata siya kakahintay sakin kaya aalis na.

"PRINCE ZACH!" tawag ko pero hindi ata ako narinig.

"PRINCE ZACH!" Tawag ko ulit at nang makuha ko ang atensyon niya, kumaway ako. Nagtatakbo siya papalapit saking kinatatayuan at nakikita ko ang ngiting nakaguhit sa kanyang labi.

-----------------------------------------------

"How strange to use You Only Live Once as an excuse to throw it away."

                   -Bill Copeland

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon