Chapter 12 [First love]

1K 33 0
                                    

A PERFECT LOVESTORY

VINCENT.

Kinuha ko ang nagiisang rose na nakatanim sa harap ng bahay namin. Nag-iisa na nga lang binunot ko pa. Ibibigay ko ito kay Hazel. Ang crush ko pero hindi niya alam na crush ko siya. Si Hazel, yung ampon ni Lola Natividad na kapit-bahay namin. Kaklase ko din siya. Pupunta ako sa bahay nila dahil gagawa kami ng Project.

"Oh." Inabot ko sa kanya 'yung rose. Kinuha niya ito at ngumiti.

"Ito yung nasa harap ng bahay niyo eh."

"At least nageffort akong bigyan ka ng bulaklak. Gusto mo itanim natin sa harap ng bahay niyo?"

Tumango siya. Kumuha siya ng kahoy na pandukal at itinanim namin ang bulaklak sa harap ng bahay nila.

"Araw-araw mo yang didiligan para hindi malanta." Sabi ko.

"Opo boss. Sabi mo yan eh. Susundin ko."

Pumasok na kami sa bahay nila. Naghugas kami ng kamay at gumawa na ng project. Nakatitig lang ako sa kanya. Wala ako sa aking sarili. Ewan ko ba. Kinikilig ako sa tuwing tinititigan ko siya.

Back in the past. Crush ko na siya simula pa nung inampon siya ni Lola Natividad. She was 9 years old at that time atsaka lalong lumalim ang pagkacrush ko sa kanya kasi si Ate Alyssa, lagi akong inaasar sa kanya. Atsaka hindi siya tipo ng babae na maarte. Gusto ko siya dahil napakabait niya at marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

Sa haba ng taon na magkasama kami. Ni isang beses hindi ako umamin. Ayokong umamin, baka hindi na siya sumabay sakin papasok o kaya hindi na siya manulad sakin kapag may quiz o kaya hindi na siya makipaglaro sakin. Siya lang kasi ang nag-iisa kong kaibigan atsaka bata pa ako, bata pa siya kaya hindi pa pwedeng maglovelife.

Kinuha ko ang notebook ko. At habang nagsusulat siya, nagdadrawing ako sa last page ng notebook ko. Ang mata niya, ang ilong niya at ang labi niyang mamula-mula.

"Anong ginagawa mo?"

Agad kong sinarado ang aking notebook.

"Uh, nagsusulat. Magsulat kana lang. Wag mo na akong intindihin."

"Hindi ka nagsusulat. Kita ko nagdadrawing ka eh. Gusto kong makita ang dinrawing mo."

"Nagsusulat nga ako. Wala akong dinrawing."

Ang defensive ko naman yata.

"Hahalikan kita kapag hindi mo 'yan pinakita sakin."

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Bigla akong pinagpawisan at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Ikikiss kita kapag hindi mo pinakita sakin yan." Ulit niya.

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, natameme ako, wala akong masabi sa kanya. Nahihiya akong ipakita na siya ang dinadrawing ko.

"M-magsulat kana lang." Sagot ko.

"Sige na nga magsusulat nalang ako. Mukhang wala kang balak na ipakita 'yan sakin."

Nakahinga din ako na maluwag. Muntikan na pero teka? Nasan ang kiss ko?

"Kamusta na nga pala si Tita Maureen?"

Pagbabago niya sa usapan. Ang mabilis na tibok ng puso ko ay naging kalma na. Ano kaya kung umamin na ako sa kanya? As in ngayon na.

"Minsan ko na nga lang madalaw si Nanay pero ang alam ko gumagaling na siya. Kailangan niyang magpachemo para mabilis ang paggaling sabi ni Ate Alyssa samin."

"Mabuti naman."

Aamin na kaya ako?

Dug.

Dug.

Dug.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba yan. Hindi ako mapakali. Pinagpapawisan na naman ako. Gusto kong hawakan ang kamay niya.

"Ayos ka lang Vincent?"

"Uh, oo ayos lang ako. Uh, Hazel."

"Bakit?"

"May sasabihin sana ako sayo."

"Ano 'yun?"

Dug.

Dug.

Dug.

Biglaan naman yata ang pag-amin ko.

"Uh. Sana walang magbago satin. Sana sumabay ka parin sa pagpasok sakin. Sana magkaibigan pa rin tayo at sana huwag kang mabibigla.."

Pumikit ako..

"G-gusto k-ki...G-gusto kong h-humiram n-ng...ball..pen."

TORPE PROBLEM?

"Yun lang pala. Akala ko kung ano na. Eto oh." Inabot na niya sakin yung ballpen at imbis na ballpen ang mahawakan ko, kamay niya ang nahawakan.

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Puppy love ba ang tawag dito o first love? Agad kong inilipat ang hawak ko at kinuha na ang ballpen.

"Uuwi muna ako. B-babalik nalang ako dito mamaya." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagtatakbo pauwi ng bahay namin.

Wushu! Para akong mamatay sa lagay ko na yun. Ito ang unang beses na nagbalak akong umamin sa kanya, sa susunod hindi na ako magbabalak.

--------------------------------------------------------------------------------------

Admit your feelings before you regret it. Halata na niya pero hindi ka pa rin umaamin. I told you, magsisisi ka din sa huli.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon