Chapter 36 [I Think Of You Everyday]

849 30 0
                                    

A Perfect Lovestory

Elizabeth POV

"Gusto kong magpasama sayo..sa library."

"Anong gagawin mo dun?" Kunot noong tanong ko. Yakap ko ang aking libro habang sumasabay siya sa paglalakad ko.

"Hihiram ako ng libro..pwede ka ba Elizabeth?" Sabi niya sabay harang sa dinadaanan ko. Hindi ko alam pero natawa nalang ako sa ginawa niya. Ang kulit eh.

He gave me no choice kaya sinamahan ko siya papunta sa library tutal may assignments din ako na kailangan kong kuhain sa libro.

Naghanap na siya ng libro pati na rin ako at habang naghahanap..napansin ko siyang nakatitig sakin. Nasa tapat ko siya at pagitan lang namin ay ang mga libro. Ngumiti lang ako sa kanya at kinuha ang librong kailangan ko. Ngumingiti na ako sa kanya kasi..wala lang. Gusto ko lang ngumiti 'yun lang.

Pagkatapos kong humiram ay naghanap ako ng table na vacant. Ramdam ko ang pagsunod niya sakin.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko habang kinukuha ang aking notebook sa bag. Nasa pinakang dulo kami ng library. Puno kasi ng mga estudyante kaya sa huli kami napunta.

"Wala akong gagawin sa hotel. Gusto ko ngang magtour sa Pilipinas kaso wala akong kasama."

Tumingin lang ako saglit sa kanya at itinuon nalang ang pansin sa pagsusulat ng assignment.

"Do you have an extra ballpen?" Tanong niya. Meron naman akong extra ballpen kaya kinuha ko sa aking bag.

"And paper.." he added.

Kumuha na din ako ng papel. Iniabot ko ito sa kanya at nagpasalamat naman siya.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat ko at hinayaan ko nalang din siyang magsulat.

Makalipas ang mahigit dalawang oras na pagsusulat. Mamamatay na ako sa pagod ng kamay. Humakay ako sabay inunat ang dalawang kamay. Liligpitin ko na sana ang aking mga gamit nang mapansin ko si Prince Zach na tulog. Nakapatong ang ulo niya sa librong binabasa niya kanina. Ang gwapo niya lalo na pagtulog. He's a kind of man that every woman dreamed. Of course, he's a prince e maski ako pangarap kong makakita ng prinsipe. Sa mga napapanood ko kasing fairytale napakaperfect ng mga prince. Sa libro o movie ko lang nakikita ang prinsipe pero ngayon..hindi ko pinangarap ang makakilala o makatagpo ng prinsipe. Wala sa listahan ko ang makakilala ng prince. Makita lang e kontento na ako pero sa nangyayari sakin ngayon..parang magkakaroon ng panibagong fairytale na maisusulat sa libro. Parang magkakaroon ng panibagong storya nina Romeo at Juliet.

Bumalik ako sa katotohanan nang magsalita siya. "You're smiling.."

"Hindi ko namalayang tulog ka." Sagot ko. Nakakahiya, nakita niya akong nakangiti.

"Uuwi kana?" Tanong niya at tumango ako.

Tatayo na sana ako nang hawakan niya ako sa braso para paupuin ulit. Kinuha niya yung papel na pinagsusulatan niya kanina atsaka ibinigay sakin.

"I found this on book. Read. I know you will like it." Binasa ko ang sinulat niya.

"You probably don't realize how important you are to me. There are times when the one thing that helps me get through the day..is thinking of you. You bring happiness to me when the world seems to be wearing a frown. When things don't quite go as planned and my world seems upside, down, my thoughts of you help to set things right again. You are so important to me, you make me think, you make me laugh, you make me feel alive, you put things in perspective for me, you provide, support and encourage me, you lessen my worries and you increase my joys. If my life were a puzzle you would be the one that was a perfect fit. Everyday..I think of you and I've got a million smiles to prove it :).... I think of you everyday, ELIZABETH."

Gumuhit ang ngiti ko sa aking labi. Sino bang hindi ngingiti sa sinulat niya. At dun sa huling nakasulat. I think of you everyday with capslock pa ang ELIZABETH.

"Sinabi ko na magugustuhan mo." Sabi ni Prince Zach.

"Cute. Siguro, sasabog na sa kakaisip yung author niyan kaya sinulat nalang niya yung kanyang nararamdaman."

"Ako din. Anytime my head will going to explode in thinking of you." Napatingin ako sa kanya pero ngumiti lang siya sakin. Binalik ko na sa kanya ang papel.

"No, you have to keep it."

"Bakit?"

"One week nalang babalik na ako sa Palace. I want to leave a memories in you." Sagot niya atsaka tumayo at naglakad na papunta sa exit ng library.

I have to keep it? He wants to leave his memories in me? Wala akong maisip na pwedeng sabihin sa kanya. May tape yata ang bibig ko kaya hindi ako makapagsalita. Ewan ba..namumula nga yata ang pisngi ko.

Sumunod na din ako sa kanya. Bakit gusto niyang mag iwan ng ala-ala sakin? Para mamiss ko siya? Para hindi ko siya makalimutan? Bakit! Bakit???

Magkasabay kaming naglalakad. Medyo madilim na ang paligid. At halos nagsisiuwian na din ang mga estudyante. Tiningnan ko ang malaking orasan na nasa tapat ng gate. Five thirty-six na. Magtatrabaho pa ako sa gasulinahan ngayong gabi.

"Hindi ka pa din uuwi?" Tanong ko at umiling-iling siya.

"Kapag gusto kong makipagkita sayo. Makikipagkita ka ba sakin?"

"Hindi ko alam." Sagot ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Bakit hindi mo alam?" Tanong niya. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya.

"Kung ang dalawang options na pagpipilian ko ay ikaw ang nasa dulo. Wala naman akong choice diba? Ikaw pa din ang sagot."

Hindi agad siya umimik.

"I won't give you a choice para sa dulo..ako pa din ang pupuntahan mo." Sagot niya.

You always gave me NO CHOICE Prince Zach. Alam ko sa sarili ko na ikaw ang pipiliin ko sa dulo. At nalulungkot ako 'dun.

--------------------------------------------------------------------------

LRAS: actually, 30 chapters lang dapat ito e kaso eto nga.. yung iba kong update kasi ang iikli kaya humaba na. BTW, yung nasa taas na "you probably don't realize..." yan po ay sinulat ko nung ako ay first year pa. Galing po sa libro 'yan kaso di ko alam ang pamagat atsaka di ko na kilala ung author. College na po ako e almost 5 years na ang nakalipas nung kinopya ko yan. Sadyang magaling lang po ako magtago pero madali po akong makalimot. Haha. CREDITS PO sa gumawa nung nasa taas :)

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon