Chapter 1 [Dyosa ng Kahirapan]

2.4K 48 0
                                    

A Perfect Lovestory

Chapter 1 [Dyosa ng Kahirapan]

Alyssa Point of View

Do i deserve a point of view? Malamang, ako ang bida eh. Hehehe. By the way. It's my Third year college, Second semester at william university. At una palang ng klase, ang dami na agad pa-assignment ng professor. Yung feeling na first day of class, tambak na ang assignment. Tss! Nasa cafeteria ako ngayon ng school at nagrereklamo ako sa sarili ko kung bakit ang dami na agad assignment. Ang hirap tanggapin eh, lalo na at nagugutom ako ngayon. At wala akong ibang magawa kundi titigan lang ang mga estudyanteng kumakain.

Shortage ang pocket ko, butas na butas ang bulsa ko. Sa tuwing may pera ako, parang dumadampi lang sa kamay ko. Hindi man lang dumikit ang amoy ng pera sa kamay ko. Sighed. Yung pinagtrabahuhan ko ngayong sembreak ay pinambayad ko sa tuition fee ko dito sa school.

Nakangalumbaba ako sa table. Sighed. Ang amoy ng frenchfries, hamburgers, siomai, shake, pizza. Yum! Yum! Yum! Mabubusog nalang yata ako sa mga amoy nila. Hindi pa ako nag-aalmusal, sobrang kumakalam na ang tiyan ko. Sa ngayon, naghihintay ako ng grasya. Sa kasipagan ko ba naman naging Juan Tamad na ako. Sighed. Biglang napamulat ng malaki ang mata ko. Binilang ko lahat ng mga estudyante na nasa cafeteria at almost 100 silang lahat. Evil grin. Kung hihingan ko sila ng tig-pipiso. Whahaha! Makaka 100 pesos ako. Ha-ha-ha!

Sa may pintuan ng cafeteria ako nagsimulang humingi ng piso. Makapal na ang mukha kung makapal. Ganyan ang taong mukhang pera. Walang hiya!

Kahit sino ay pinaghihingan ko. Kahit sa mga taga school of engineering na mga estudyante hiningan ko din. Sighed. Kakapagod mangolekta ng piso. Naupo ako sa table na kinatatayuan ko kanina. Binilang ko ang pera na nakolekta ko at tumataginting at nagiispark na 500 pesos ang nakolekta ko. Whahaha! Yung iba kasi walang barya kaya binibigay nalang sakin ng buo imbis na piso. Panggastos ko na din ito ng isang linggo.

Grabe eh eh! Ang hirap makasurvive sa earth. Bumili na ako ng burger at shake. Yun lang, solve na ako sa pagkain na yan. Minsan nga tinapay at palamig lang ang kinakain ko sa breaktime eh, minsan naman kanin at toyo na may calamansi ang ulam ko sa tanghali. Oh? Hirap talaga makasurvive sa earth. Kulang nalang pati tuyo ulamin ko na rin eh. Sighed. Kaya yung mga mayayaman diyan, pahinging piso. At wag kayo mag-aksaya ng pagkain.

Umalis na ako sa cafeteria, baka kung ano pa ang mabili ko. Mahirap na. Ten o'clock palang ng umaga at 10:30 naman ang time ng next subject ko. So, ang thirty minutes kong natira ay ipinunta ko sa library. Papasok ako bilang taga punas ng libro ng library, sayang yung 10 pesos per hour.

"Ma'am good morning. Papasok po sana ulit ako dito sa library bilang tagapunas at taga-ayos ng libro."

"Oo, alyssa. Hindi na nga ako tumanggap ng ibang estudyante dahil nireserve ko na ang buong library sayo." Sagot ni Mrs. Julie, ang librarian. 3 years na akong naglilinis dito sa library kaya parang ako na din mismo ang nagmamay-ari ng library na ito.

"Salamat po. Magsisimula na po akong maglinis." Sabi ko at nagsimula na nga akong maglinis.

At habang naglilinis, ipapakilala ko muna ang dyosa ng kahirapan. Ako nga pala si Alyssa Elizabeth Hernandez. 18 years of age and turning 19 just in a few months. Taking Bachelor of Public Administration at William University. Dean's lister! Joke! Taas kong mangarap. Hindi ako dean's lister, ordinaryo lang ako mag-isip katulad ng iba. Nasa middle class lang ng mga estudyante ang utak ko. Hindi masyadong matalino at hindi din naman masyadong bobo. About sa pamilya ko, uhm, si nanay may sakit. Si tatay, isang carpenter, honestly engineer talaga si tatay, bisyo niya kasi ang sabong kaya lagpak ang lahat ng kayamanan at may apat pa akong kapatid. Ako ang panganay, ang pangalawa high school at ang tatlong natitira ay elementary palang. Oh? San ka pa. Parang ibinagsak na sakin ang lahat. At kung paano ako nag-aaral? Dahil sa scholarship ko na matagal ko ng iniingatan at dahil na rin sa hard work ko, eh daig pa yata ng katawan ko ang refrigerator kung makapaggawa ng yelo sa magdamag. Kamusta naman ang pagmumukha ko? Hindi naman maganda. Hindi din pangit. Katamtaman lang. Ano daw? Lilinawin ko. Oo, maganda ako, matangkad, may pagka morena ang balat, mahaba ang buhok at ito ay hanggang likod ko, medyo matangos ang ilong at medyo singkit ang mata, pwede akong ipanlaban sa Miss World, Miss Earth at Miss Universe at kung ano pang beauty contest. Kaso ang ganda ko, walang ibang nakikita kundi ako lang. Sighed. Ang complicated naman. At inuulit ko, tandaan niyong mabuti, ako si Alyssa Elizabeth ang "DYOSA NG KAHIRAPAN." Slash kagandahan na invisible.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-aaral. Kapag gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon