Chapter 18 [The Protest]

987 27 1
                                    

A PERFECT LOVESTORY

ELIZABETH.

If Love is the answer, what is your question?

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga salitang nakalagay sa card na nasa bulaklak na pagkabango-bango. Pagkauwi ko sa bahay itatanim ko ito para lumago kasama yung nag-iisang rose na nakatanim sa harap ng bahay, teka wala na pala yung nag-iisang rose dahil ibinigay daw ni vincent kay hazel. Lumalovelife na talaga ang kapatid ko, talo pa ako.

Okay, back to the flowers. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ewan. First time kong makatanggap nito tapos mystery pa ang nagbigay tapos iniwanan pa ako ng message na Kung Love ang sagot, ano ang tanong ko?

Actually, hindi ko alam kung message siya o sadyang tinatanong niya ako.

Hmm..

Nag-iisip ako habang naglalakad papunta sa gasoline station.

Parang beauty contest naman 'to! Bakit kailangan niya akong tanungin niyan? Malay ko sa sagot niyan pero siguro, kung ako ang tatanungin [ako na nga ang tinatanong, anobey ang gulo ko.]

How great is your love?

Yan ang magiging sagot ko dahil kung Love ang sagot, diba dapat mong patunayan ang pagmamahal mo kaya diyan papasok ang pagpapalaya thing, let go, give up, pagsasakripisyo at kung magawa mo ang mga bagay na para sayo ay sobrang hirap gawin, LOVE ang sagot kung bakit ka nagletgo, naggive up at nagsacrifice kaya how great is your love?

Uhuh. Okay na ba yung sagot ko? Napatigil ako sa aking paglalakad dahil mula sa malayo ay nakikita ko ang kumpulan ng mga tao sa harap ng isang company corporation and as far as I know, ang company na yan ang may-ari ng factory na pinagtatrabahuhan ni nanay, sila ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko.

Lumapit pa ako sa mga taong nagrarally. May mga pulis na nakaharang sa gate ng kompanya.

ITAAS ANG SAHOD! ITAAS ANG SAHOD NAMIN! IBIGAY ANG TAMANG SWELDO PARA SA AMIN! HINDI NA TAMA ANG INYONG GINAGAWA! MABABA NA NGA ANG SAHOD NAGKAKASAKIT PA KAMI DAHIL SA MALI NIYONG PATAKARAN!

Sigaw nung leader ng mga nagarally gamit ang megaphone.

Alam niyo isa ang pagrarally sa dahilan kung bakit bumabagal ang production ng mga produkto. Kaya nagkakaroon ng shortage eh, oh not sure if that is shortage, i think inflation is the right. And 'yun nga, dapat kasi ibinibigay nila ang tamang pasweldo sa mga trabahador, nasa kanila kasi ang Power. Atsaka kung maliit ang sweldo, hindi na ako magtitiyaga diyan, meron kayang mga karapatan ang mga trabahador. Dapat alam ng mga nakatataas 'yun, o siguro kaya maliit ang sweldo nila dahil corrupt. Example, binigay na nung manager yung pangpasweldo sa mga labor sa taong inatasan niya tapos yung tamang amount na dapat ibigay sa mga labor ay kinupit yung half nung sweldo kaya ayun, corrupt. Tsk tsk. Kaya hindi umuunlad ang bansa kung ano-anong kalokohan ang ginagawa.

Kinalabit ko yung isang nagrarally. Tumingin naman siya sakin.

"Bakit daw nagkakasakit sila?" Malakas ang pagtatanong ko dahil maingay yung mga nagrarally.

"Isa ang tatay ko sa mga nagkasakit, may lung cancer siya. Wala kasi silang ginagamit na suit sa pagtatrabaho, kahit mask wala silang ginagamit at nabalitaan namin na magsasarado na ang kompanya nila pero hindi pa rin nila binibigay yung tamang pasweldo."

Ahh. Mabuti pa ngang magsarado kayo kesa sa madagdagan pa ang magkaroon ng lung cancer. Yung nanay ko namatay ng dahil sa inyo. Magbabayad kayo! Makukulong kayong lahat na mga corrupt! Ibaon nalang kaya kayo sa lupa para mas maganda.

Nakisingit ako sa mga tao at lumapit dun sa leader. Kinuha ko yung megaphone na hawak niya. Yung bulaklak ko ay yakap-yakap ko, baka kasi biglang may kumuha at ihampas sa mga pulis na nakaharang sa gate.

MGA CORRUPT MAGSILABAS KAYO DIYAN! HARAPIN NIYO KAMI! MAGBABAYAD KAYO SA MGA GINAWA NIYO! MAGBABAYAD KAYO SA BATAS! BULOK ANG PATAKARAN NIYO! MAS BULOK PA KAYO SA MGA BASURA! MABABAHO ANG MGA UGALI! NANGANGAMOY NA ANG KATAKAWAN NIYO SA PERA! KUNG SINO ANG NAGHIHIRAP SILA PA ANG NAWAWALAN! ANO KAYA KUNG KAYO ANG MAGKALUNG CANCER!! ANG SASAHOL NIYO!!

Hingal na hingal kong ibinigay ang megaphone sa leader. Alam kung hindi naman sila lalabas, atleast nalaman nila ang naramdaman ko o kaya tanga lang akong nagsisisigaw. Mga manhid ang korap, wala silang naririnig sa hinanaing namin, basta pera ang usapan, mga manhid ang mga yan.

Biglang may kumuha ng bulaklak na yakap ko at pinaghahampas sa mga police. Sinabi ko na nga ba. Pinanood ko nalang yung lalaking kumuha ng bulaklak ko habang hinahampas sa mga pulis.

Sayang yung bulaklak ko. Minsan na nga lang may magbigay sakin nun. Okay, move on na sa flowers. Tinanong ko yung mga nagrarally kung kanina pa sila dito. Sabi nila kaninang umaga pa daw sila e anong oras na ngayon, siguro past ten o'clock na rin siguro. Hindi pa daw nga sila kumakain ng tanghalian at hapunan.

Pinagbabato ng mga nagrarally ang building kaya makikita mo ang mga basag na bubog na nagkalat. Ang mga pulis naman ay binomba kami ng tubig. Kaya eto, basang-basa ako. Kumuha na rin ako ng bato at nakibato na rin. Argh! Nakakainis kayong mga manhid!

NI SALAPI HINDI NIYO MAN LANG BINIGYAN ANG NANAY KO SA PANGPAGAMOT NIYA! NI HINDI MAN LANG NIYA NATIKMAN ANG PERANG TULONG NIYO! NAMATAY SIYA DAHIL SA INYO! ARGHH!! MGA MUKHANG PERA! KUNG SINUSTENTUHAN NIYO MAN LANG SANA ANG NANAY KO KAHIT PISO! MATUTUWA PA AKO, HINDI EH! KUNG HINDI PA NILAKAD NI LOLA ANG MGA PAPELES HINDI SIYA MABIBIGYAN NG GOBYERNO!!

Sa sobrang galit ko ay pati mga pulis binato ko na. Biglang may humila sakin papalayo sa mga nagrarally. Nababalot ng galit ang kalooban ko at siguro ngayon, nalabas ko na lahat ng galit ko.

Nasa may madilim na side kami ng kalsada pero naririnig ko pa rin ang sigaw ng mga tao. At makalipas lang ang ilang sandali, nagsink in sa utak ko ang humila sa akin.

---------------------------------------------------------------------------------

Voice out your feelings. It's your time to be heard but still it hurts when they act like a deaf.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon