Chapter 16 [Fall In Love]

1K 27 0
                                    

A PERFECT LOVESTORY

ELIZABETH.

Nasa faculty room ako ng mga Professor ko. Kinakausap ko sila dahil ang daming quizzes na akong namiss. Nakikiusap ako sa kanila na nagbabakasakaling baka bigyan pa nila ako ng chance na makapagquiz pa ulit.

"Ang mga classmates mo may iniintinding seminar. Anong committee ka?" Tanong ni Sir.

"Program and documentation po."

"Next week na ang seminar at National pa naman ang guest speaker niyo. Okay, tutal humihingi ka ng chance..ahm..ikaw nalang ang magrepresent ng department natin. Ikaw ang magmomodel ng modern filipinana. Ang iba mo pang kasama na model ay nanggaling din sa iba't-ibang school."

Model? Mahiyain ako tapos hindi ako sana'y sa maraming tao. Tapos, hindi ako marunong lumakad ng pang modelo. Awtsu! Pero nakasalalay ang pagpayag ko sa mga namiss kong exam.

"Imomodel mo lang naman ang sinaunang kasuotan ng mga babae. Kung papayag ka, wala ka ng problema sa mga namiss mong quizzes."

"Kailan po ang event na yan?"

"Right after ng seminar. I'll just say it to your classmate na alisin kana sa committee dahil may iba kang inaasikaso. So, ano? Papayag ka ba?"

Take risk. Bahala na.

"Opo. Papayag po ako."

"Okay. That's a deal Ms. Hernandez, don't hold it back, ever. Manonood ako sa fashion show and If I see your performance is good. I'll give you UNO."

Lumabas na ako ng faculty room. Bumuntong-hininga ako at habang naglalakad sa corridor ay hinihilot ko ang aking sintido.

"Aly."

Napatigil ako sa paglalakad. Nakasalubong ko si Anylle sa corridor. Ngumiti ako sa kanya.

Sa cafeteria kami nagpunta, ikinuwento ko sa kanya yung model thing. Sa tingin ko kasi mas marami siyang alam sa paggaganyan kaya ikinuwento ko. Ako kasi na walang kaalam-alam, mapapasabak. Mahirap na kasing mahabol ang mga namiss mo kaya kung anong ipaggawa sayo ng prof, gawin mo. Wala eh, ikaw din naman ang makikinabang. Almost 3 weeks akong absent, 3 weeks akong iyak ng iyak. Diba nga tinanong ako ni Anylle na kapag dumating daw ang araw na pinakamasakit sakin, ano daw ang gagawin ko at ang sagot ko, iiyak ako ng iiyak.

Ang mamatay si nanay ang pinakamasakit para sakin. Okay lang na traydorin ka o lokohin ng mahal mo atleast kahit minsan nakikita mo pa sila pero ang mamatay ang taong mahal mo habang buhay na siyang wala, hindi mo na siya makikita pa.

"Tuturuan kita magmodel. Ganito lang naman yan eh. Manuod ka hah."

Tumayo siya. Lumakad na parang nagmomodel at nagpose ng nagpose. Haha. Ibang klase talaga itong si Anylle. Minsan hindi makabasag pinggan, minsan naman parang loka-loka din.

"Sa bahay ko ikaw tuturuan ng tamang pustora ng katawan kapag naglalakad na sa platform. Kailan nga ba kita sisimulang turuan?"

"Siguro, ngayon na din. 3:00 pa ang resume ng class ko pero ikaw.."

"Wala akong klase."

Kinuha na niya ang shoulder bag niya at isinakbit sa balikat. Hinigit niya ako papalabas ng cafeteria. Sumakay kami sa kotse niya at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa condo niya.

"Yung lalaki na kinukwento mo sakin. Kamusta na kayo?" I asked as i sat on the couch. Pangalawang beses na akong nakapunta dito sa bahay niya at napansin kong wala na yung malaking picture frame na nakadisplay.

Inilapag niya sa kaharap kong lamesa ang tubig na kinuha niya sa kusina.

"Ah, si Martin. Martin nga pala ang pangalan niya, ahm.."

Tumingin pa muna siya sa taas na para bang nag-iisip.

"May nangyari nung araw na sumama ako sa kanya sa bar."

"Ha?Ano?May nangyari?A-ano?Anong nangyari? Pinagsamantalahan ka ba niya?Maniac ba?One night stand kayo?"

Natatawang umupo siya sa tabi ko.

"Ikaw naman. Walang One night stand na nangyari. Napaaway kasi siya ng dahil sakin. Kakapasok pa lang namin ng bar tapos biglang may humigit sa braso ko na stranger tapos ayun, binugbog niya. Hinigit niya ako dun sa lalaki at bumalik na ulit kami sa kanyang kotse. Wala naman siyang sugat pero ako may pasa sa wrist ko dahil sa paghila nung stranger sakin."

"Pagkatapos, anong nangyari?"

"Dinala nalang niya ako sa Italian restaurant para magdinner and right after that dinner, umuwi na kami. Neighborhood ko siya diba? Nag good night siya sakin at nag good night din ako at nagpasalamat din dahil sa pagligtas niya sakin."

"Knight in shining armor." Bulong ko.

"Pagkatapos namin mag good night, isasarado ko na sana ang pintuan ko pero bigla niya akong hinigit. He pushed me against the wall at ikinulong niya ako sa kanyang braso tapos...hinalikan niya ako."

"OH.MY.GOD! Kinikilig ako sa scene na tinulak ka niya sa pader, ikinulong ka ng kanyang braso tapos hinalikan. So, Romanticlicious. Gaano katagal ang halikan niyo?"

"20 seconds? I don't exactly know pero ang alam ko matagal."

"Ikaw na Anylle. Ikaw na. Haha. Pero, are you ready to fall inlove again? Would he catch you if you fall?"

"We're both broken. And I think? We're both in trouble if we might fall for each other. If he catch me, I'll catch him too. Ganun lang 'yun diba?"

Huminga siya ng malalim. Tumayo na siya at kumuha ng libro sa book shelf niya.

"Don't worry Aly. Hindi pa naman ako nahuhulog sa kanya at kung mahulog man ako sa kanya, handa akong mamatay araw-araw in mere fact namimiss ko na ang feeling na inlove ka araw-araw. Tumayo kana at magpapractice na tayo."

Tumayo na ako. Ipinatong niya ang libro sa aking ulo.

"Kung ako ang tatanungin, hangga't hindi pa dumadating at hangga't hindi ko pa nakikilala ang prinsipe ko, ayokong mafall inlove sa ibang tao." Sagot ko.

Medyo hinawakan niya ang sa may clevage ko. Tiningnan niya din ang likod ko.

"Chest out. Stomach in. Stand up straight. Chin up."

Ginawa ko ang sinabi niya. Lumakad siya at sinundan ko siya ng paglakad.

"Takot na takot kang mafall inlove ano? So, that's the reason why you don't want to mingle. You're single. Young, wild and free so you don't have to be afraid in falling inlove."

Pagpapatuloy niya sa usapan namin. Tinuturuan niya pa rin ako ng tamang paglalakad.

"Sa fall in love nagsisimula ang lahat-lahat. Distraction yan sa buhay. Hindi ka makakapag-aral ng maayos dahil sa kakaisip sa guy. Tapos si guy gusto ng magsomething kayo tapos kapag binigay mo, iiwan ka din. Sasabihin lang mag ganito tayo para tumibay ang relationship natin. HELL NO! At kapag nabigay mo na nga, aksidenteng nabuntis ka. Sira lahat ng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral, ang lahat-lahat. Pati pangarap ng magulang mo sayo, sira na tapos ang nagkasala ka pa. Ang pre-marital sex kasalanan."

Nahulog ang mga libro sa ulo ko. Buti nalang nasalo ko.

"If it's all about virginity matter. Kung bakit ayaw mo mafall inlove. Nasa guy naman 'yun eh kung rerespituhin ka. At kung hindi ka naman karespe-respeto, kukunin talaga ang pagkaV mo nun. If you want respect be the one to show it. The term RESPECT is one of the most important ingredients in relationship. Mas makapangyarihan pa kaya ang RESPECT kesa sa LOVE. Respect comes first than love."

Sagot niya sabay umupo sa couch. Inilagay ko ulit ang libro sa aking ulo.

"My ex..he respect me...Ang layo na ng usapan natin. Mafall inlove to virginity to respect. Haha! Papanuorin kita. Ituloy mo na ang ginagawa mo. Mamaya pinggan na may tasa naman ang ilalagay ko diyan sa ulo mo."

Dagdag pa niya. Ngumiti lang ako bilang pagtugon sa sinabi niya. Nakakatakot talaga ang mafall inlove ka dahil 'yun nga. I'm scared that someday may makakakuha na nun sakin pero kung makuha man 'yun sana kasal na ako pero bago ang kasal sana matagpuan ko na ang prinsipe ko.

------------------------------------------------------------------------

Goodbye 16! Hello to SEVENTEEN! Waiting for my prince whose inlove with someone.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon