Chapter 11 [Blue]

1K 31 0
                                    

A PERFECT LOVESTORY

"Tapos, Yun na nga ang nangyari. So, dapat ko pa bang replyan yung pinsan mo?"

"Uhm. Oo, magpakilala ka sa kanya. Sabihin mo yung number niya nakita mo sa langit."

"Maniniwala ba yun sakin?"

"Basta. Ikaw nalang bahala magdahilan."

Hindi ko makausap ng maayos si Anylle dahil naglalaro siya ng Clash of Clan sa iPad niya. Ang alam ko maraming naaadik diyan. Napanood ko nga sa news na may magulang na nagrereklamong ANTI-COC I'm not sure pero ang alam ko may magulang na sinasabing dapat ipatupad ang batas na yan dahil naaadik na 'yung anak niya.

Mamayang 6:00 pa ang resume ng klase ko kaya nagpunta muna akong restaurant. Maghuhugas muna ng pinggan. Tumango lang si Anylle nang magpaalam ako sa kanya. Busy sa paglalaro kaya hindi sumama sakin.

Nagjeep ako papunta sa restaurant. Wala ako sa mood maglakad eh at pagkapasok ko ng restaurant agad akong sinalubong ng manager namin.

"Alyssa. Nagpasa ng resignation letter si Jiezel. Pwede bang ikaw muna ang maging cashier? Dadagdagan ko nalang sweldo mo."

Aba! Natanggal yata ang pagkabias ni Sir ngayon.

"Oo naman po. Sino bang tatanggi sa offer mo Sir. Salamat po hah."

"Walang anuman. Kapag maganda ang performance mo, habang buhay kana sa pagiging cashier."

Matagal naman nang maganda ang performance ko. Hindi mo lang talaga nakikita dahil may bias ka.

"Sige po. Magsisimula na ako sa pagtatrabaho." Pumunta na ako sa counter at nagtrabaho na.

At sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ko biglang may nagtex.

What color of shirt should I wear..blue or white?

*Zach

Napangiti ako sa text niya. Ganun. Tanungan lang ang peg? Nagreply ako.

Blue.

*ako

Maya-maya nagbeep ulit yung cellphone.

Thanks

*Zach

Rereplyan ko na ulit sana siya pero Curiousity kills me. Scientist lang? Haha! Sabi kasi ni Ma'am, teacher namin sa Biology. The curiousity of scientist kills them kaya ayun, hindi tumitigl sa pag-aaral hangga't walang nadidiscover. Curiousity is one of their attitude. I'm not sure of that. Malilimutin kasi ako.

Back to curiousity, babae kaya siya o lalaki?

Are you a girl or a boy?

*ako

Naghihintay ako sa text niya at agad kong binuksan ito nang magtext sya.

A boy. How about you?

*Zach

A boy? Hindi ko na muna siya nireplyan. At habang nagsusukli sa babae. Napaisip lang ako. Zach ang pangalan niya diba? Kaya malamang lalaki 'yan pero mas maige ng sigurado. Karamihan kaya ngayon ang pangalang lalaki ay nagiging pangalang babae kaya mabuti nang tinanong ko kung ano siya.

"Bye, Sir." Pagpaalam ko sa manager namin at tuluyan ng umalis. 5:45 na. 6:00 ang klase ko. Agad akong sumakay ng Jeep dahil baka malate ako. Katapat lang naman ng gate ang school building namin kaya hindi naman ako nalate.

Sa kalagitnaan ng klase ko naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Dahan-dahan ko itong kinuha sa aking bag.

Nasa gate ako. Hihintayin kita dito gusto ko kasing sumama sa bahay mo.

*Anylle

Nireplyan ko siya ng okay at bumalik na sa pakikinig sa Professor namin. Halos isa't kalahating oras din kaming nagklase at pagkasabi ni Sir na class dismiss. Agad akong umalis. Nakakahiya kay Anylle. Pinaghintay ko siya.

"Nakakahiya naman sayo. Pinaghintay pa kita." Sabi ko habang naglalakad kami. Wala siyang dalang kotse. Sabi niya okay lang daw naman ang maglakad. Maglalakad lang kasi kami pauwi ng bahay.

"Sa paghihintay ko sayo. May lumapit na lalaki sakin. Bigla niya akong niyakap." Halata sa boses niya ang pagkamahinhin. Maria clara siya kung kumilos para bang araw-araw lagi siyang nakasuot ng elegant dress na sobrang bigat dahil sa bagal niya kumilos as well as maglakad.

"Sino? Mabait ba? Baka naman pervert yan. "

"Uhm. Kasi nagbreak sila ng girlfriend niya sa harap ko mismo tapos bigla nalang niya akong niyakap nung tuluyan na siyang iniwan nung girlfriend niya."

"Ano daw dahilan kung bakit nagbreak?"

"Buntis ang babae at hindi siya ang ama."

"OHMYGOD! Grabe na talaga sa larangan ng pag-ibig puro pagtataksil nalang ang naririnig ko."

"Tapos ang Ama ng pinagdadala ng babae ay yung kapatid nung lalaki."

Napahinga siya ng malalim.

"Ikaw Aly? Kung dumating man ang araw na pinakamasakit para sayo. Anong gagawin mo?"

"Iiyak. Iiyak ako ng iiyak ng iiyak ng iiyak."

Naalala ko si Nanay. Kung mamatay man siya, yun ang araw na pinaka at napakamasakit hindi lang sakin pati narin sa mga kapatid ko. Pero, hindi siya pababayaan ng diyos. Hindi kami pababayaan ng diyos.

Nakarating na kami sa bahay at naabutan naming gumagawa ng assignment ang mga kapatid ko.

"Hello!" Bati ni Anylle sa mga kapatid ko.

"Hello din po. Maupo po kayo." Niligpit na ng mga kapatid ko ang gamit nila at pinaupo si Anylle. Ako naman, magluluto na para sa hapunan. Si Anylle ang bumili lahat ng ito. Gusto niya daw kaming kasamang kumain.

"Wow. Ang sarap naman nito." Sabi ni Anylle. Tinikman niya ang luto ko.

"What do you call that?"

"Menudo."

"Ah. Menudo. It's delicious."

"Ate Anylle. Where are you from?" Tanong ni Vincent. Umienglish na rin ang kapatid ko ha.

"I'm from uhm. I really don't have a permanent address. But I'm a filipino citizen. " Sagot ni anylle.

"Ang ganda mo po. Para kang prinsesa. Mahaba ang buhok na kulot-kulot pa na medyo gold tapos nakatali yung dulo na nakabraid." Vhea.

Tumawa lang si Anylle sa kapatid ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

I dream like a princess and my friend favorite color is blue.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon