Chapter 41 [Mamimiss?]

819 22 0
                                    

A Perfect Lovestory

ELIZABETH

Papasok na sana ako sa kwarto nila tatay nang marinig ko ang kinukwento ni Nicole kay Johnny na nakahiga sa kanyang hita. Binuksan ko lang ng kaunti ang pinto.

"Ang mama mo..isa siyang napakabait at totoong kaibigan. Never kaming nag-away..nagkakatampuhan lang pero ilang minuto lang, okay na ulit kami. Isa din siyang mapagkumbaba, matulungin at maalalahanin na tao. Sa tuwing may nakikita siyang estudyante na binubully, pinagtatanggol niya ito..wala siyang pakialam kung madala pa siya sa guidance basta ipaglalaban niya ang tama. Fair. Lagi niya yang sinasabi sakin.."

"May dinrawing ako para kay nanay..gusto mo bang makita?" Tumango si nicole at kinuha naman ni Johnny ang kanyang bag at may kinuha. Inabot niya kay nicole ang papel.

"'Yan si Tatay, nanay, ate alyssa, kuya vincent, kuya vince, ate vhea at ako." Sabi ni Johnny habang tinuturo ang drawing niya.

"Ang cute naman..asan ako?" Tanong niya.

"Nasa kaliwa ka ni tatay."

Ngumiti si nicole at hinalikan si Johnny sa noo. Pinunasan ko ang luhang umagos sa aking pisngi..

"Nagtoothbrush kana ba? Bago ka matulog dapat nagtotoothbrush ka para maganda ang pagtulog mo para hindi pati masira ang ngipin mo at hindi bad breath."

Isinarado ko na ang pinto. Miss ko na talaga si nanay. Para akong mamamatay sa pagkasabik sa yakap at halik ni nanay. Huminga ako ng malalim. Kung maibabalik ko lang ang lahat. Ang nasayang ko na mga oras ay itutuon ko nalang kay nanay pero..I can't go back in time. It's too late..

Naupo ako sa upuan ng sala. Kinuha ko ang libro sa lamesa at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Malapit na ang finals namin..kailangan kong mag-aral nang mabuti.

*Bzzt*bzzt*

Kinuha ko ang aking cellphone na nagvibrate katabi ng aking notebook.

  *Zach

Let's meet tonight? I'm waiting..

Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya. Wala naman akong load kaya hindi ko siya mareplyan. Niligpit ko na ang aking libro at inilagay sa bag. Kinuha ko ang aking jacket at lalabas na sana ako ng bahay nang tanungin ako ni tatay.

"Saan ka pupunta?"

"May kikitain lang po ako sandali..babalik din po agad ako."

"Ingat ka."

"Opo." Sagot ko atsaka nagtatakbo papunta sa meeting place namin. Gazebo.

Nasa gitna siya ng gazebo. Naghihintay. Habang tinitisod-tisod ng kanyang sapatos ang semento.

Dahan-dahan akong naglakad sa likod niya at tinabunan ng aking kamay ang kanyang mata.

"Guess who?"

"A girl whom I promise to love her forever."

"Wrong."

"A girl who I always loved."

"Wrong."

"A girl who took my heart."

"Wrong."

"A girl who I fell in love with her every day."

"Wrong again.."

"Elizabeth.."

Inalis ko na ang aking kamay sa mata niya. Humarap siya sakin at gumuhit ang ngiti sa mapupula niyang labi.

"Ang hirap naman hulaan ng pangalan mo." Pagrereklamo niya.

"At least nahulaan mo pa rin ang pangalan ko sa huli." Sagot ko.

"Iisang tao lang naman ang tinutukoy ko sa aking sinasabi ah.."

"oh, at least nalaman ko kung anong meaning ng ELIZABETH para sayo." Sagot ko naman.

Umupo ako sa upuan na nakapalibot sa gazebo at sumunod naman siya sakin. Sa tabi ko siya umupo.

"Kapag kita palang natin kagabi ah..bakit gusto mo na naman akong makita?" Tanong ko.

"To say goodbye.."

"Ha?"

"Babalik na ako sa aming palasyo. Hinahanap na ako ng aking ama."

"Ah.."

"Kapag umalis ako..mamimiss mo ako?" Kumunot ang aking noo sa kanyang tanong.

Did he need to asked kung mamimiss ko siya? Of course, I do. Mamimiss ko siya ng sobra. Kung pwede lang pigilan ko siyang hindi umalis, sasabihin ko pero..hindi ko kaya.

Isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Mamimiss mo ba ako?" Tanong niya ulit.

"Ewan." Sagot ko. Ang layo ng aking sagot sa dapat kong isasagot. Ganyan tayo e, kahit alam na ang sagot, magtatangahan pa rin. Kunwari hindi alam pero natatakot lang sabihin.

"Hindi mo ako mamimiss?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko nga alam.."

Tumayo siya at umalis sa harap ko. Saan 'yun pupunta? Uuwi na?

Tumayo ako at hinabol ko siya sa kanyang paglalakad.

"Prince Zach.." tawag ko pero hindi siya tumingin. Buti nalang ang kalsadang dinadaanan namin ay may lamp post. Maliwanag kong nakikita kung saan siya pumupunta.

"Prince Zach.." tawag ko ulit at tumigil na siya sa paglalakad. Lumapit siya sakin.

"Prince Zach..mamimiss kita, okay? Sobra kitang mamimiss. Grabe kitang mamimiss. Sukdulan kitang mamimiss at hindi kumpleto ang araw ko kung hindi kita makikita kaya..mamimiss kita." Sabi ko at naglaho na ang tampo sa kanyang mga mata at napalitan ito ng isang magandang ngiti.

"Ako..mamimiss na mamimiss na mamimiss na mamimiss na mamimiss na mamimiss kita." Sabi niya habang hawak ang dalawa kong kamay. Hinigit naman niya ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Dinig ko ang mabagal na tibok ng kanyang puso. Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim habang hinahaplos-haplos niya pababa ang aking buhok.

It was a tuesday night. Nine o'clock in the evening. My head was on his chest listening to his heart beats. This beats is mine. This beats is for me..

I was hoping that we could do this forever not it was just once upon a time.

--------------------------------------------------------------------

"Once upon a time, i believe it was a tuesday when I caught your eye.."

        -Forever and always by Taylor Swift

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon