Chapter 15 [Rose]

983 29 0
                                    

A PERFECT LOVESTORY

VINCENT

"Condolence."

Nakaupo ako sa duyan ng park. Inuuga-uga ko lang ito ng konti habang ang mga mata ko ay nakatitig lang sa lupa. Nag-iisa lang ako dito kanina pero biglang dumating siya. Ngayon ko nalang ulit siya makakausap. Simula nung araw na nawala si nanay, lagi nalang akong wala sa katinuan, lagi nalang lumilipad ang utak ko. Umupo din si Hazel sa katabi na duyan. Alam kong nakatingin siya sakin.

"Vincent, magiging okay din ang lahat. Gusto mo bang umiyak?"

Hindi ako sumagot.

"Gusto ko sa balikat ko ikaw umiyak. Pwede ba kitang yakapin?"

Hindi ulit ako sumagot. Tumayo siya. Lumapit sakin at niyakap ako.

Parang paparating na bagyo ang aking luha, napakahirap pigilan. Umiyak ako sa kanyang balikat. Isang linggo na ang nakakalipas bago mailibing si nanay. Ang sikip sa dibdib na ang nanay mo ay wala na. Ang babaeng pinakamamahal mo ay wala na. Hindi ko na siya muli pang makikita, mayayakap o makakausap. Nakapagsisi lang dahil naaalala ko ang mga araw na inaalagaan ako ni nanay. Sa tuwing may sakit ako, tuwing umaga na lagi niyang hinahanda ang baon ko tapos bago ako pumasok inaayos niya pa ang uniform at buhok ko. Nakakapagsisi dahil may araw na nasagutan ko si nanay. Badtrip ako nung araw na 'yun pero imbis na Mahal kita Nanay Ang sinabi ko, nasaktan pa siya sa sinabi ko. Siya yung ina na responsibilidad niyang alagaan ang mga anak at nagawa niya 'yun. Ang ibang ina nagrereklamo at nilalayasan ang anak nila dahil nasasawa na sila sa araw-araw nilang pag-aalaga sa anak pero Si nanay, hindi siya nagsawa samin. Hindi niya kami iniwan sa oras na kailangan namin siya pero ngayon..siguro nangyari ito para tumayo kami sa aming sarili.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Salamat Hazel."

"Wala 'yun. Sino pa ba ang magdadamayan, tayo lang naman diba?"

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang aking luha. Hazel, ikaw ang ala-ala ng nanay ko. Nararamdaman ko ang presensya niya sayo.

"Ngiti ka naman Vincent. Uhm. Okay. Ngiti ka hah."

Napakunot ang noo ko. Ano naman gagawin nito? Tumalikod siya at biglang sumayaw. Hindi ko alam kung anong klaseng sayaw ang ginagawa niya pero ang alam ko lang, nakangiti na ako. Parang sumasayaw siya ng Jollibee, na pang pato na ewan.

"Nadadala ng hangin ang ngiti mo..papunta sakin. Dumadampi siya sa pisngi ko at tumutuloy dito."

Tinuro niya ang kanyang dibdib.

Sinundan ko siya ng tingin. Umupo na ulit siya sa duyan na katabi ko. Huminga siya ng malalim at tumingin sa taas.

"Kailan pa kaya magkakasnow dito ano? Autumn leaves, cherry blossoms."

"Babaguhin ko ang seasons ng pilipinas para sayo. Rainy seasons, summer, autumn and snow tuwing nalalapit na ang pasko."

"Sana nga mabago mo katulad ng bagyo, sana mapabalik mo siya kung saan man siya nanggaling kahit impossibleng mangyari." Sagot niya.

Nakatitig lang ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Andito ka kasi sa tabi ko. Hindi mo ako iniiwan."

"At bakit naman kita iiwan? Nag-iisang kaibigan kita kaya kahit anong mangyari nasa tabi mo pa rin ako. Ang magkaibigan nagdadamayan."

Tumayo ako. Kinuha ko ang rose na nakatanim sa may gilid ng puno at ibinigay ito sa kanya.

"Ang hilig mo magbigay ng rose."

"Rose is a symbol of love." Sagot ko. Kinuha na niya ang rosas na binibigay ko sa kanya. Inamoy niya ito.

"Mahal mo ako?"

"Uhh.."

"Mahal mo ako?" Ulit niyang tanong.

Dug.

Dug.

Dug.

Parang titigil ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ang aking kamay tapos bigla akong nilamig.

"M-mahal kita..bilang kaibigan."

Ngumiti lang siya sakin bilang pagtugon sa sagot ko. Aish! Mali ata ang sinabi ko. Mahal ko siya pero Paano mo nga ba masasabi sa isang tao na mahal mo siya?

Pinagbabatayan ba ang edad kapag ikaw ay aamin na mahal mo na ang isang tao? O talagang natural lang na ito ay maramdaman ng isang nagdadalaga't nagbibinata. Nasaang stage ng growth and development ang makaramdam ng kakaiba sa kapwa? Part ba 'yun ng pagiging isang ganap na lalaki?

"Akala ko bakla ka."

"Bakla? Ako?"

Tumango siya ng paulit-ulit. Nang-aasar ito ah. Papaluin ko sana siya ng aking kamay.

"Kapag hinampas mo ako, bakla ka. Hindi ka tunay na lalaki."

"Kapag inulit mo pa akong bakla, hahalikan kita."

"Sige nga, halikan mo ako..as if naman kaya mo."

"Kaya kong gawin 'yun."

Pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Kung kaya mo, sige..gawin mo."

Aba! Hindi ito natatakot ah.

Unti-unti akong lumapit sa kanya at hahalikan ko na sana siya sa pisngi pero bigla siyang umiwas at tumakbo papalayo sakin. Akala mo hindi ko kaya hah.

Sa pagtatakbo niya, bumalik siya sakin at bumulong.

"Bilin sakin ni Tita Maureen..sana tayo daw ang magkatuluyan." Sabi niya sabay naramdaman ko ang mainit niyang labi sa pisngi ko.

Para akong statwa. Hindi makapaniwala sa nangyari. Parang imagination ko lang ang lahat. Parang nananaginip lang ako. Hindi agad nagsink in sa utak ko ang paghalik niya sa pisngi ko. Natauhan lang ako nung hinigit niya ang kamay ko sabay nagtatakbo kami.

---------------------------------------------------------------------------------

I think they're forever inlove with each other.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon