Chapter 45 [I can't..]

805 19 0
                                    

A PERFECT LOVE STORY

ELIZABETH

WORLD NEWS!

REPORTER: WHO IS THIS LUCKY GIRL? SHE IS NOT A HOLLYWOOD CELEBRITY, NOT A SINGER OR AN ARTIST. THERE ARE MILLIONS OF WOMAN LIVING IN THIS CRAZY WORLD BUT ONLY ONE..WILL BECOME THE LUCKY PRINCESS.

Nasa sala kami. Katatapos lang namin kumain ng dinner at kaming lahat ay nanonood sa tv. Guess what! Ako ang laman ng balita. Kailangan ko na yatang sunugin ang mukha ko para hindi na ako maging laman ng balita. Kainis. Baka isang umaga paggising ko ang dami ng reporter sa harap ng bahay namin. Patuloy naming pinakinggan ang balita..

REPORTER: AND THAT LUCKY WOMAN WAS ALYSSA ELIZABETH HERNANDEZ. THE ROYALTY PRINCE FOUND HIS PRINCESS AT PHILIPPINES. IT PROOFS THAT EVEN A PRINCE CAN FELL FROM FILIPINA  BEAUTIES.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Nicole sakin pero nagkibit-balikat lang ako.

"Ayan..magboboyfriend ng prinsipe. Panindigan mo 'yan." Singit naman ni Vincent pero inirapan ko lang siya. Hindi ko nga alam ang gagawin e. Magpalibing nalang kaya ako ng buhay para tapos na.

Napakamot nalang ako sa aking noo. Tumayo ako at lumabas muna ng bahay. Lalanghap lang ng sariwang hangin.

Paano ba yan? Ano ba ang gagawin ko? E okay lang na maworld wide news si Dayco pero ako? Tss. Tama nga ang sinabi ng kapatid ko. PANINDIGAN KO DAPAT ITO!

Kinuha ko ang aking cellphone sa aking jacket. Navibrate kasi, baka si Dayco ang nagtext. Kinareer ko na ang pagtawag ng Dayco sa kanya. Pati nga sa contacts pinalitan ko na din pangalan niya.

*Dayco

Did you heard the news? Don't worry about it, Elizabeth. Ako na ang bahala sa kanila. Basta. Wag mo akong iiwan hah. Wag mo akong iiwan. Iiyak ako kapag iniwan mo ako. :(

Nabasa niya agad nasa isip ko. Yes, There's a possibility na breakin ko siya dahil alam niyang magiging mahirap ang kalagayan ko BUT hindi ko naman gagawin ang iniisip niya. Hindi ko siya iiwan nuh! NEVER! Kung iiwan ko siya.. nasaan na ang forever namin? Huminga ako ng malalim.

Alam ko namang mangyayari ito.. PRINCE siya eh. Kilala siya sa buong mundo atsaka hindi naman niya kasalanang umibig sakin. Hindi ko naman siya ginayuma. Hindi naman ako witch. Hindi ako marunong gumamit ng magic o love spell. Pero siguro, sadyang makapangyarihan lang talaga ang ganda ng Filipina.

Nireplyan ko siya.

*Elizabeth

Hindi kitaiiwan. Wala akong dahilan para iwan ka. Wag ka ng malungkot, Dayco. Hindi kita iiwan. I promise!

Nagsend na ang aking text at maya-maya'y nagreply na siya.

*Dayco

:)

Smiling face lang ang reply. Siguro naman masaya na siya. Huminga ulit ako ng malalim. Umupo ako at nangalumbaba. Tinitingnan ang mga stars sa itaas.

"Elizabeth.." pagkarinig ko sa kanyang boses ay agad akong napatayo. Wala siyang kasamang alalay. Naku, tumakas na naman ito.

"Bakit ka naparito?" Tanong ko pero huminga lang siya ng malalim at yumuko.

"Magpakasal na kaya tayo.."

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon