Chapter 49 [What Now]

774 25 0
                                    

A Perfect Love story

ELIZABETH

It's been two months since he gave me space. Nagtetext naman siya sakin sa loob ng buwan na cool off kami like.

Magandang umaga.

Magandang tanghali.

Magandang gabi.

Good night.

Kumain kana?

Kamusta?

I'm waiting..

Come back to me..

Please..

Sabi pa nga niya pumunta siya sa bahay namin pero ang naabutan niya ay mga construction worker. Hindi ko sinabi sa kanya kung saan na kami nakatira.

Kasama na rin namin si tatay. Magkakaanak na sila ni Nicole. Five months na itong buntis. Madadagdagan na naman kami. Okay lang. Kapag marami, mas masaya.

Graduate na din ako. Congratulations to me! Buti nga nakagraduate na ako at last. Yung suma cumlaude pinag exam sa harap ng mga school officials. Kasama ang President ng university at iba pa. Naka 100 ito kaya ayun, napatunayang hindi cheater. Siguro, inggit lang ang nangalat na cheater ang suma cumlaude namin. Napaka nonsense ng tsismis. Suma cumlaude nga siya diba? Paano siya magiging cheater? Tsk. Eh basta! Ang mahalaga nakagraduate na.

My one last problem.

Gusto kong puntahan si Dayco sa England. Siguro hanggang ngayon andoon pa rin siya. Huminga ako ng malalim. Humiga ako sa sofa at tinitigan ang ceiling ng living room.

"Bakit nga pala hindi na dumadalaw si Prince Zach?" Napatingin ako kay Nicole na may dalang juice. Inilapag niya ito sa lamesa at umupo sa isa pang sofa.

"Cool off pa rin kami hanggang ngayon." Sagot ko.

"I see.." sabi niya atsaka inimin ang juice na dala niya.

"Gusto mo siyang puntahan?" Tanong niya.

"Parang ganun na nga.." sagot ko.

"Bakit hindi mo puntahan?"

Hindi ako sumagot.

"Kahapon..napanood ko sa tv. Ikakasal na siya."

Napaupo ako bigla.

"Ano?"

"Ikakasal na siya. Matagal ko ng gustong tanungin ito sayo, nagtataka nga ako parang wala kang alam."

Hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon sa sinabi ni nicole. Tumayo ako mula sa couch. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong umiyak na pumunta agad sa kanya na ewan. Bakit hindi niya sinabi sakin 'to?

Ano bang dapat maramdaman ko? Magagalit, malulungkot, maiinis. Tapos na ang oras na ibinigay niya sakin. Pumito na ang referee.

"Ano ng gagawin mo?" Tanong niya at naupo ulit ako bigla.

"Hindi ko alam. Ano ba ang dapat kong gawin?"

"Puntahan mo.." sagot ni nicole.

Pupuntahan ko siya. Tama. Pupuntahan ko siya.

* * *

ENGLAND

Sa bawat tindahan, bahay at kung ano-ano pang boutique, puro mukha ni Prince Zach at Catherine ang nakikita ko. Napatigil ako sa paglalakad. Tiningnan ko ang napakalaking billboard na mukha ni Zach at Catherine ang nakalagay. Nakawedding gown siya tapos si Prince Zach, ang saya ng kanyang mukha. Perfect ang pagkakakuha ng picture sa kanilang dalawa. Bagaya sila. Hay. Pano ko nasisikmurang sabihin na bagay sila?

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon