Chapter 43 [Introducing her Royal Boyfriend]

1K 23 0
                                    

A Perfect Lovestory

ELIZABETH

Rancho - dinala niya ako sa rancho ng palasyo dahil tuturuan niya daw akong mangabayo. Naka cowboy suit siya at ako nama'y sinuotan niya ng sumbrero ng pang cowboy.

Nakatali ang kabayo at ito'y pinaaamo niya sa pamamagitan ng paghaplos sa balat ng kabayo.

"Ready kana?" Tanong niya pero umiling-iling ako. Baka sipain ako ng kabayo. Nakakatakot.

Sumakay na siya sa kabayo. Humalinghing ito at kanyang pinaamo. Hinampas niya sa may buntot ito at saka nagsimulang tumakbo ang kabayo.

He looks cool when he's riding a horse. Lalo siyang gumwapo sa suot niya. Totoo ngang prinsipe. Napapanood ko lang ito sa Snow white o kaya sa Cinderella na movie pero ngayon.. parang ako na yung nasa movie. Nagpalibot-libot siya sa rancho at maya-maya'y tumigil siya sa harap ko. Nilahad niya ang kanyang kamay sakin..

Kaya ko to..

Inabot ko ang kamay niya at sumakay sa kabayo. Nasa likod ko siya at ako ang pinaghawak niya ng tali.

Wow! It's just wow!

Lumalakad-lakad lang ang kabayo. Inaalalayan naman ako ni Prince Zach sa paghawak ng tali.

"Are you afraid?" I turned to face him and shook my head.

"Bakit ako matatakot? Nasa tabi naman kita.." sagot ko. Hinawakan niya ako sa bewang at niyakap. Kapag ako na out of balance, parehas kaming hulog.

Hinampas ko ang kabayo dahilan para ito'y tumakbo. SHT! Bigla tuloy akong natakot..hindi ko alam ang gagawin. Tatalon ba ako o hahayaang magtatakbo ang kabayo. Hinawakan niya ang tali at siya ang nagkontrol sa kabayo sa kasamaang palad..hindi niya ito nakontrol kaya nahulog kami.

"O-ouch!" Parehas kaming bumagsak sa lupa. Buti nalang madamo, hindi masyadong masakit.

"Nasaktan ka ba?" Tanong niya

"Hindi. Ikaw? Nasaktan ka?" Balik ko sa tanong niya

"Hindi din."

Tumayo na kami at pinagpag ang suot. Hinabol namin ang kabayo at nang mahuli namin. Tinali namin ito at pinakain nalang ng mga damo.

"Paano ka natutong mangabayo?" Tanong ko habang sinusubuan ng damo ang kabayo. Siya nama'y hinahaplos-haplos ang balat nito.

"Bata palang kami ay tinuturuan na kaming mangabayo. Madalas kabayo ang aming ginagamit sa pamamasyal sa ibang lugar at kapag pumupunta kaming gubat para magahunting ng usa, kabayo din ang aming gamit."

"Marunong din ako makipaglaban.." dagdag niya.

"So, marunong ka magespada?" Tumango siya.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Patuloy ko pa ring pinapakain ng damo ang kabayo.

"Anong oras ka papasok?" Tanong niya at tumingin ako.

"Twelve-thirty pa ng hapon." Sagot ko.

"Anong oras ang uwi mo?" Tanong niya ulit

"Seven-thirty pa. May iniintindi kasi kaming seminar kaya magagabihan ako ng uwi..Ikaw? Pumapasok ka ba?" Siya naman ang aking tinanong.

"Oo. Sa London, england ako nag-aaral na university." Sagot niya. Tapos na naming pakainin ang kabayo. Lumabas na kami ng rancho at naglakad patungo sa palasyo.

"Bakit..andito ka? Bakit hindi ka pumapasok?" Tanong ko habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.

"Bakasyon na namin. I want to spend my summer here...with you." Ngumiti ako sa kanyang sinabi. Hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa palasyo.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon