Chapter 13 [Moon]

1K 36 1
                                    

A PERFECT LOVESTORY

a/n: chapter 13, naalala ko ang december 13. Advance HB to my one and only idol Taylor Swift ♥

Elizabeth POV

"Aly. Are you okay?" Tanong sa akin ni Anylle.

Kailan pa ako naging okay? E halos araw-araw hindi ako okay. Nasa akin na yata ang lahat ng problema. Wala man lang tinira sa iba.

"Okay lang ako. Uh, may alam ka bang part time job?"

Nag-isip siya. Meron yata siyang alam.

"Wala eh."

Nag-isip pa wala rin naman pala.

Parehas kaming nakaupo sa semento. Nasa gasoline station ako ngayon at kanina lang ay katatapos ko lang magtrabaho sa restaurant. Si Johnny na bunso kong kapatid ay nakalabas na ng hospital. Yung pinambayad ko sa bill niya hiniram ko kay Lola natividad at buti ngayon, nasa maayos na ng kalagayan ang aking kapatid. Si nanay naman, sobra na siyang nanghihina at ang mga kapatid ko, alam na nila ang katotohanan. Galit sila sakin kasi nagsinungaling ako sa kanila na magaling na si nanay. Si Vincent na dumalaw sa hospital ay nalaman na malala na ang kalagayan ni nanay kaya ngayon, galit sila sakin. Sinungaling daw ako.

"Hindi ka ba napapagod?"

Tumingin ako sa kanya saglit.

"Hindi ako napapagod, kahit sabihin kong napapagod na ako. Wala naman akong magagawa diba? Kailangan ko pa ring magtrabaho."

"Ang galing mo. Hanga talaga ako sayo kasi yang ginagawa mo. Hindi ko kaya. Mahina kasi akong tao. Hindi ako matibay."

"Kapag matibay ka masasabi mo sa sarili mong, buti pala hindi ako sumuko kaya fight fight lang. Walang give up." Sabi ko. Nagtunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at inopen ang text.

Would you mind If I ask your name?

*Zach

Ohmygod?

Binigay ko kay Anylle yung cellphone at binasa niya yung text.

"Would you mind If I ask your name? Haha! Ito talaga." Binalik na niya sakin ang cellphone habang siya ay nakangiti. Napataas ang isa kong kilay.

"Sabihin mo ang pangalan mo."

"Di nga? Sasabihin ko? Sino ba ito si Zach? Pinsan mo talaga? Tagasaan? Bakit english speaking?"

"Siya nalang tanungin mo, Aly."

Napasimangot ako.

"Aly, yung lalaki na bigla akong niyakap. Naaalala mo pa ba siya? Yung iniwan ng girlfriend? Kapit-bahay ko siya sa condo."

"Meant to be kayo." Sagot ko.

"Meant to be? Meant to be.. tadhana kami?"

Tumango ako.

"Parehas kayong broken, parehas kayong pinagtaksilan ng minamahal niyo, nagkatagpo ang landas niyo, meant to be kayo."

"Pero.."

"Pinaglapit kayo ng tadhana. Nakatadhana sayo na hintayin mo ako sa gate tapos saktong may nagbreak sa harapan mo, bigla kang niyakap, sinalo mo siya."

"Naranasan mo na bang magmahal?" Tanong niya.

"Hindi pa."

"Kapag nagmahal ka para kang namamatay araw-araw. Halo-halong pakiramdam. Saya,kilig at takot na mawala siya sayo pero kapag nasaktan ka, tuluyan ka ng nalibing sa lupa."

"Kahit nalibing kana sa lupa, kailangan mo pa rin makabangon. Sa sinasabi mo parang hindi kapa nakaka move on sa ex mo." Sabi ko. Tumayo ako dahil may papalapit na kotse. Magpapagasolina.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon