Kabanata 3

412 10 1
                                    

"Joyce! Wahhhh! We Love You!" Matipid kong nginitian ang fans ko bago tuluyang pumasok sa building ng network namin.

"Hey," bati ng isang artista kaya tinanguan ko rin siya pabalik.

TV guesting again.

Mahina akong kumakanta habang inaayusan ng mga stylist ko. Masaya ako sa trabaho, masaya ako. Pero pagod na ako.

"Perfect!" Sabi ng make-up artist ko kaya natawa ako ng mahina.

Agad kong kinuha kay Aira ang phone ko pagkatapos niya akong picturan. Napangiti ako ng makita na maganda ang gawa nila ngayon. Natural look. Agad kong pinost 'yon sa IG saka sa facebook. Pinatay ko rin kaagad kasi sunod-sunod ang mga notifs na pumasok.

"Smile Joyce, and please don't ruin anything." Paalala ni Tenzy bago ako sumalang.

Tumango ako ng mahina sa kaniya saka huminga ng malalim.

"Let's us all welcome our very own beautiful and best actress Joyce Lim!" Pakilala ng host kaya agad akong ngumiti ng malaki bago pumasok.

"Hi everyone!" Malakas na bati ko kaya mas lalong naghiyawan ang mga fans.

"Iba talaga pag si Joyce. Chill kayo jan!" Sabi ng baklang host kaya mahina akong natawa bago bumeso sa kaniya sabay upo.

"Good Day Joyce, blooming na blooming. Pabulong naman tungkol sa love life mo." Pabirong sabi niya kaya umiling ako habang natatawa.

Sa sobrang tagal ko na sa industriyang 'to lahat ng emosyong dapat gawin nasaulo ko na. Lahat ng dapat kong ipakita dapat praktisado. Sometimes it's real but sometimes it's also fake.

"I'm happy," sabi ko sa masayang tono kahit ang totoo napapagod na ako.

I want to get out of this spotlight. Gusto kong magpahinga.

"Sanaol Happy! Kayo happy din kayo?!"

"Gloyce! Gloyce! Gloyce!"

Sandaling nawala ang ngiti sa labi ko ng isigaw ng lahat ng tao sa studio na 'to ang pangalan ng love team namin. They are all hoping that it's true behind the camera. I am a fan too, gusto ko ring magkatuluyan ang mga nakikita ko sa tv. But I can't apply it to myself. I have my own perspectives. And Glen is out of that.

Love team is just a love team. There's no love in between, in our case.

"So tanungin natin si Joyce, kamusta na kayo ni Glen?" Parang nanunuksong tanong ng host.

I know what to say. Sa araw-araw na tinatanong sa akin 'yan, alam na alam ko na ang sasabihin.

"We're good." Kunwaring kinikilig na sabi ko kaya mas lalong nagsigawan ang lahat. Pati ang host sumigaw rin at tumalon-talon pa.

"Malaking sana all!"

I laughed a little. A fake laugh just to show them that I am happy.

The interview went so well. He's a happy go lucky host so It has no dead air between us. He jokes all the time so I immediately adjusted myself.

"So ang huling tanong na pinakaaabangan ng lahat! Meron na bang nabubuo between Joyce and Glen?"

"Gloyce! Gloyce! Gloyce!"

Ngumiti ako bago nilapit ang microphone sa bibig.

"Hindi pa 'yan sa ngayon ang priority ko." Mahinang sabi ko kaya lahat nagsidaing sa pagkadismaya.

I waved my hand and bid my goodbye to all of them before exiting the stage.

Nang mapunta ako sa dressroom ko agad akong sinalubong ni Tenzy.

A Shield of Love (MASVEDO SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon