Mas lalo naging malakas ang hatak ng career ko nang mabunyag ang tungkol sa amin ni Aizen. Alam kong wala siyang ibang ginawa pero ang lakas ng impact ng pangalan niya sa pangalan ko.
Kahat ng projects ko puro galing sa mga malalaking company. And Tenzy is so happy because of that. Hindi na rin siya sobrang strict pagdating sa mga schedules ko kagaya noon. Hindi ko alam kung takot lang ba siya kay Aizen o sadyang medyo nakakaintindi na siya.
Masaya ako sa trabaho pero nandoon parin ang kagustuhan kong magpahinga. It sucks because my whole life remolves around the camera.
Pero naisip ko na hindi pa dapat ako huminto sa ngayon. My mom just sold my properties. I need to save more to start a simple life of my own away from the camera. Soon.
"Joyce," marahang tawag ni Glen kaya wala sa sarili ko siyang nilingon.
He smiled at me so I smiled back. Buong akala ko mabubuwag ang love team dahil sa mga nangyari pero hindi. Glen and I and are still partner on screen.
"Hmm?"
He shook his head and just avoid his eyes from mine. Imbes na tanungin pa siya mas pinili ko nalang na tumahimik saka nagreview ng mga lines ko sa ngayong set.
Pagod na pagod ako nang matapos ang taping namin mga bandang alas tres na ng hapon.
"Kaya pa ba ang isang photo shoot mamayang gabi o move ko na lang bukas?" Tanong ni Tenzy habang nagpapahinga ako sa loob ng tent ko.
Bahagya akong natigilan saka nag-isip sandali pero wala pa akpng maisagot kaagad nag ring ang phone ko saka tamad ko 'yong kinuha. Bahagya ring napasilip si Tenzy kaya napakunot ang noo ko. Nang makita na si Aizen ang tumatawag kaagad akong tumikhim bago sinagot 'yon.
"Bukas nalang yata," sabi ko kay Tenzy bago ilapit sa tenga ang phone.
Nanunuksong ngumiti si Tenzy saka mabilis na lumabas ng tent ko habang kumakanta-kanta pa.
"Baby," unang sabi kaya kaagad nang-init ang pisngi ko dahil sa naramdamang kilig.
"Hmmm?" Mahinang sagot ko at narinig kong maingay siyang ngumisi sa kabilang linya.
"I'll pick you up."
Napakagat labi ako dahil sa sinabi niya saka tumahimik sandali.
"Zen....I have a taping tomorrow. I can't be sore," sabi ko sa mahinang boses kaya narinig kong bumunghalit siya ng tawa sa kabilang linya.
Agad na uminit ang buong mukha ko dahil sa naramdamang hiya nang sinabi iyon. Tumatawa parin siya sa kabilang linya kaya bahagya akong napanguso.
Damn. Bakit ko nga nasabi 'yon?
"Baby, we'll just eat," sabi niya nang sa wakas na natigil na sa pagtawa ng malakas. Pero rinig na rinig ko pa rin ang panunuya sa boses niya kaya mas lalo lang akong nahiya.
"Pinagtatawan mo ako Aizen Quel!" Inis na sabi ko kaya tumawa siya ulit ng malakas na kabilang linya kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na patayin ang tawag.
Matinis akong tumili matapos 'yon at saka napahilamos ng palad sa mukha. I could feel the heat on my face. Ilang sandali pa nag ring ulit ang phone ko at nakita na si Aizen na naman ang tumatawag.
Tumikhim muna ako bago mabagal na sinagot ang tawag pero hindi ako kaagad nagsalita. I heard him chuckled on the other line so I pouted annoyingly. That brute is enjoying this!
"Stop laughing!" Inis na sigaw ko.
I heard him cleared his throat so I roll my eyes. That brute!
"I'm not laughing," rason na niya pa kaya mas lalo akong umirap.
BINABASA MO ANG
A Shield of Love (MASVEDO SERIES #4)
RomanceJoyce Lim, is a well known beautiful actress of the Philippines. She's a pro in that craft yet eveything is slowly fading. Her passion is slowly fading, nawawalan na siya ng gana. She's tired of everything, she is tired of being in the spotlight yet...