"What?! You rented the whole beach resort in Batangas?!" Gulat na sigaw ko at halos napatayo narin ako.
Napaatras sandali si Mama pero agad rin siyang nakabawi. Ngumiti siya ng matamis saka proud na tumango-tango.
"Yes, I love their place and foods. Your Tito's birthday will be held there," Nagmamalaking sabi niya kaya napatampal ako sa noo ko saka umiiling-iling.
Hindi niya alam ang sinasabi niya. Hindi niya alam kung magkano ang aabutin.
"I want to surprise him. After his birthday party I am planning to rent a yacht and we'll go to Batangas then after I'll get a chopper and we'll have a two weeks vacation in Amanpulo," dagdag niya pa kaya natawa ako ng sarcastic.
Planadong-planado ng Mama ko ang mga balak niya sa birthday ni Tito.
"Fine," inis na sabi ko kalaunan saka tumayo. I am ready to work today. Dumating lang siya para sabihin ang mga plano niya na wala naman dapat akong pakialam.
"Wait Joyce, I will need millions to finally settle everything," sabi niya na parang tauhan lang ang karahap niya.
Napaawang ang labi ko saka sarcastic na napangisi.
"Ako ang magbabayad?" Natatawa kong sagot kaya nawala ang ngiti ni Mama. Naging seryoso siya at kitang-kita ko pagkagalit niya.
Hindi ako kinabahan at hindi rin ako natakot sa klase ng pinapakita niya. I love her because she is my Mom. Konsiderasyon lang naman ang hinihingi ko.
"Wala kang utang na loob!"
Hindi ko napaghandaan ang pagbigay ni Mommy ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko kaya bahagya akong napatagilid at kamuntik nang mawalan ng balanse.
Napaawang ang labi ko saka napakurap ako habang dinadama ang hapdi ng sampal niya sa pisngi ko. Sa sobrang lakas alam kong namumula na ang balat ko.
She slap me! For the first time! My Mom slap me! Like I did something bad! Nagtanong lang ako!
"Now that you can stand on your own feet you are disrespecting me?! I am your mother! Ako ang naglagay sayo kung nasaan ka ngayon! Huwag ka magmarunong!" Galit na galit na sigaw niya saka sinampal ulit ako pero sa pagkakataong 'yon medyo mahina na.
But I am hurt inside. I am hurt emotionally, not physically.
Namasa ang gilid ng mga mata ko saka nanginig rin ang buong katawan ko. My body is dumb while staring at her looking at me angrily.
"From now on you are not my daughter anymore! Kinakahiya kita! Wala kang respeto!" Galit na sabi niya saka mabilis na umalis sa harapan ko at doon ako tuluyang nanghina at kamuntik lang na maupaupo pero may umalalay sa braso ko.
"Ate," mahinang tawag ni Bree na siyang humawak sa akin pero hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko.
She disowned me like I am nothing to her?
"Ate?" Tawag ulit ni Bree pero dahan-dahan kong pinunasan ang luha ko saka naglakad papunta sa labas na parang walang nangyari.
Naabutan ko pang papaalis ang kotse ni Mommy kaya tinanaw ko 'yon. Hindi ko naman tinatalikuran ang responsibilidad ko. Hindi naman.
Gusto kong umiyak sa loob ng van pero pinipigilan ko ang sarili ko. My own mother just disowned me because I refuse to give her what she wants? Ganoon ba dapat 'yon? Ganoon pala 'yon? Dapat ba lahat ibigay ko sa kaniya? What about me?
Kahit pagkalinga hindi niya maibigay sa akin. Where is my mother? Mag-isa ba ako?
Pagkarating ko sa network pinilit kong kalimutan ang sakit at lungkot para makapagtrabaho ako ng maayos. Pero sa loob-loob ko umiiyak ako.
BINABASA MO ANG
A Shield of Love (MASVEDO SERIES #4)
RomanceJoyce Lim, is a well known beautiful actress of the Philippines. She's a pro in that craft yet eveything is slowly fading. Her passion is slowly fading, nawawalan na siya ng gana. She's tired of everything, she is tired of being in the spotlight yet...