"Mama I have no work. I am sleepy!" Inaantok na sabi ko sa tumapik sa pisngi ko saka mas lalong niyakap ang unan.
I wanna sleep more!
"Mama it's my free day!" Angal ko ulit kasi hindi tumigil ang pagtapik.
Ngumuso ako saka mas lalong tinago ang mukha ko sa mabangong unan na yakap-yakap.
Pero bigla akong napamulat nang maalala kung nasaan ako. Inamoy ko ang unan at amoy lalaki 'yon, nakakaadik na amoy ng isang lalaki. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa hiya at doon ko nakita si Aizen sa parang bored na bored na nakatayo sa harap. Napalunok ako saka conscious na pinasadahan ng kamay ang buhok at mukha ko para maging presentable.
"S-sorry, I fell asleep." Tarantang sabi ko saka napalingon sa likuran at kitang-kita ko ang night view ng city lights sa labas. Napaawang ang labi ko dahil ang tagal ng tulog ko.
Agad akong tumayo saka dali-daling kinuha ang phone na nasa tabi ko lang rin. I sighed when I didn't have any important messages.
I sighed again and look at Aizen. Napasulyap pa ako sa table niya at nakaayos na ang lahat doon. Parang papauwi na siya kaya niya siguro ako ginigising.
"Sorry, I'll go now." Nahihiyang sabi ko bago mabilis na naglakad papunta sa pintuan kaso ng sinubukan ko 'yong buksan nakalock kaya napangiwi ako.
"It's lock," sabi ko sabay lingon ko sa kaniya.
Bahagya siyang umiling bago kalmadong naglakad papunta sa pinto. It has his finger prints so when it's lock from outside he's the one to open. Amazing!
"Ohh," namamanghang sabi ko bago naunang lumabas kasi ako ang pinauna niya.
Nang makalabas wala na ang secretary niya doon kaya napangiwi ako. So this whole floor is only for him. How rich is that. I am still amaze by how huge this floor is when he opened the elevator. Tiningnan niya ako na parang pinapauna niya kaya nauna na rin akong pumasok sa loob.
Napabuntong hininga ako saka napasandal sa pader sa loob ng elevator. He did the same but he's staring at the floor while his hands are both in his pocket. Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siya.
Kung titingnan para siyang masungit, masungit ba talaga siya?
Natigil lang ako sa paninitig sa kaniya nang magring ang phone ko kaya kagat labi ko 'yong sinagot kaagad. Naramdaman kong tumingin siya sa direksyon ko kaya bahagya akong tumalikod.
"Ma'am Joyce?" Sabi sa kabilang linya kaya napatikhim ako ng kaunti.
"Yes, this is me. May I know who it is?" Pormal na tanong ko kasi hindi nakasave sa contacts ko ang number.
"Good evening po Ma'am, assisstant po ako ni Sir BJ, pwede niyo na po daw mapick up ang mga copies ng pictures na nirequest niyo."
Agad akong napaisip para alalahanin kung may nirequest nga ba ako, at nang maalala agad akong napatango kahit hindi niya kita.
Iilang photos 'yon na nagustuhan ko sa huling photoshoot. I requested for hard copies now it's ready.
"Yeah, yeah I remember, can I pick it up today? Anong oras ba kayo nagsasara? It is in your studio right? Near BGC?" Tanong ko sa mahinang boses dahil naglalaro lang ang boses ko dito sa loob ng elevator.
"Yes Ma'am, by 10 po nagsasara na kami." I nodded again.
"Yeah, I'll try today. Thank you." Sabi ko bago binaba ang tawag.
Mapapaisip pa sana ako kung paano ako makakapunta doon pero bumukas na ang elevator. Aizen went out first so I followed.
"Thank you, I'll just call a cab." Mahinang sabi ko habang nililibot ang tingin sa buong ground floor. Kaunti nalang ang mga nandito.
BINABASA MO ANG
A Shield of Love (MASVEDO SERIES #4)
RomanceJoyce Lim, is a well known beautiful actress of the Philippines. She's a pro in that craft yet eveything is slowly fading. Her passion is slowly fading, nawawalan na siya ng gana. She's tired of everything, she is tired of being in the spotlight yet...