Kabanata 4

404 9 3
                                    

Napanguso ako habang tinitingnan ang bagong billboard ko na natayo dito sa gitna ng edsa. I look awful in that photo! They made me wore a cat attire and it's so childish! Para akong fifteen years old na nagpupumilit magdalaga ng mabilis.

"Aira look, ang pangit!" Inis na sabi ko sa PA ko kaya napangiti lang siya bago umiling.

"Ang ganda naman po."

Napabuga ako ng hangin sa inis at mabilis sinara ang bintana ng van. I saw a lot of good comments online about that billboard. Hindi ko alam kung anong kinaganda no'n. That is so childish! Hindi angkop sa edad ko.

I am already in my twenties for God's sake!

Habang nasa daan nagcheck ako ng social media accounts ko para mag-update. Napapangiwi nalang ako kapag may nababasa akong opinions tungkol dito sa bago kong album.

Jake:

Joyce tonight, don't forget.

Me:

Yeah, please don't make me drunk.

Jake:

Let's see.

Napairap ako saka bahagyang nirecline ang upuan para mas maayos na makapagpahinga. I want to sleep but I can't oversleep. May sofa bed dito sa loob ng Van pero ayokong matulog kasi mawawalan ako ng gana magtrabaho mamaya.

"Ma'am tumawag na si Sir Tenzy, dapat daw nandoon na tayo." Tarantang sabi ni Aira pero hindi ko pinansin.

Hindi nagtagal kaagad kaming nakarating sa mall kung saan magaganap ang mall show namin ngayon. Para magpromote sa upcoming movie namin. Dumaan kami sa back door na hinanda para sa akin, amin ni Glen.

"Ma'am—"

"Ahhhhhh! Joyce! Joyce!"

Agad nagsigawan ang mga fans ng makita ako kaya yumuko ako ng bahgya para itago ang mukha. Pagkarating ko sa hinandang dressing room ko agad kong nakita si Tenzy na umuusok na ang ilong sa galit.

I am late. I know.

"Joyce," madiing bulong niya kasi hindi niya ako pwedeng pagalitan dito.

Ngumiti lang ako sa mga staff na nagpapicture kaya medyo matagal bago pa ako ayusan.

"Traffic," sabi ko kay Tenzy bago umupo sa harap ng dresser.

Agad akong dinaluhan ng glam team ko.

"May bodyguards kang dala?" Tanong ni Tenzy kaya bahagya akong tumango habang nakapikit para sa eye shadow.

"Okay listen, Glen is already done. And I want you to have a super great chemistry on that stage right there. Gusto kong makita ang pagningning ng mga mata niyo kagaya noon. You know what to do Joyce, don't disappoint."

"Hurry! Hurry! We'll start!"

Nang matapos akong ayusan agad akong tumango saka lumabas sa dressing room. Agad namang sumalubong si Glen na nakasuot lang ng simpleng polo at pants. Agad siyang dumikit sa akin.

Start of work.

"Hi," malambing na bati niya kaya ngumiti rin ako ng matamis para sa mga staff na nanonood.

Nakita ko pang may nagkasakitan sa gilid dahil sa sobrang kilig. Glen's hand stayed on my waist and I let him. Hinayaan ko siyang maging mas malapit sa akin para sa trabaho. I've been acting in the camera for how many years, alam ko na ang takbo ng lahat.

"Smile you both." Madiing bilin ni Tenzy bago pa kami sumabak sa stage.

"How are you!" Sigaw ni Glen kaya mas lalong nagwala ang mga fans. May iilan pang nakaakyat sa stage pero agad ring napigilan ng mga bouncer.

A Shield of Love (MASVEDO SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon