I am pregnant. Iyon ang importante sa ngayon pero wala pa akong mapagsasabihan. Ako pa lang ang nakakaalam at hindi ko alam kung sino ang pagsasabihan.
Dahil sa press conference kahapon biglang tumahimik ang mga bashers ko. May ilan pa ring natira pero hindi na masyadong napapansin at magandang balita iyon para sa akin.
Pero si Mommy kailangan pang magtagal sa hospital ayon kay Bree. Hindi na ulit ako nakabisita doon kasi nawalan na ako ng time. I was busy working and thinking about my problems. Alam kong kaya kong bayaran ang pang-hospital ni Mommy. But I heard about Tito's debt on his own mouth and that's kinda frustrating me.
Bumalik ako sa pagtatrabaho. I am pregnant but I need to work and take care of myself at the same time.
"Tanggapin na natin ang lahat!" galak na sigaw ni Tenzy habang nakatingin sa malaking iPad niya.
Kasalukuyan akong inaayusan para sa isang dance performance. It was a slow dance so it's fine for me even though I am pregnant. Patatapusin ko lang itong sayaw tapos hahanap ako ng tiyempo para sabihin kay Tenzy na nagdadalang-tao ako. Para mabawasan at mapili na rin ang mga projects na tatanggapin namin.
"Ready na po, Ma'am?" magalang na tanong ng isa sa mga staff kaya tumango na rin ako saka mabagal na tumayo.
"Give your best today," bulong ni Tenzy habang sinasamahan ako sa backstage.
Marahan naman ako na tumango saka wala sa sariling umupo sa isang monobloc chair para hintayin ang part ko. Si Tenzy naman at si Aira ay pumunta sa kabilang gilid kung nasaan ang ibang mga personal assisstant ng ibang artista na nandito.
Nasa gitna ako ng pananahimik nang biglang may umupo sa isa pang monobloc chair sa tabi ko. Nang lingunin ko iyon bahagyang napaawang ang mga labi ko nang makita na si Bianca iyon. Ngumiti siya ng malungkot sa akin kaya kaagad ko rin iyong sinuklian ng malungkot na ngiti.
"I'm sorry for what happened. Nag-usap na kayo?" tanong niya sa mababang boses kaya napalunok ako saka dahan-dahan na umiling.
I stared at her face. Hawig niya si Aizen kaya kaya bahagya ulit akong nakaramdam ng lungkot.
"What about you? How are you?" mahinang tanong ko rin kaya bahagya siyang umiling saka yumuko ng kaunti.
"I don't know," mahinang sabi niya at kasabay nito ay ang pagsabi ng isang staff na part na niya kaya kaagad rin siyang umupo.
Sumunod ang mga mata ko kay Bianca na matamlay lang na naglalakad papunta sa stage. Wala sa sarili kong nilipat ang tingin ko kay Kevin na tahimik na nakatayo sa isang gilid kasama ang ibang mga lalaking artista. He is staring at Bianca's back intently.
Nang matanaw niya na pinapanood ko siya mabilis siyang nag-iwas ng tingin saka nakipagtawanan na lang sa mga kasama na parang ang saya-saya niya.
Napangiti na lang ulit ako ng malungkot. Bianca and I are both facing problems I guess.
Hindi ko alam kung tuloy ba ang paglipat ni Kevin sa ibang network this month. Sa dami ng problema ko hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa kanila. Too bad, they are good loveteam. But I guess loveteam is not for life time. Like me and Glen.
Pagkatapos ni Bianca na mag-perform ako naman ang sunod kaya inayos ko na rin ang mukha ko. I tried so hard to flash a happy smile while performing in front of too many people. And it was a good move. They are shouting my name so loud. Masaya, masaya sila. Masaya rin ako para sa kanila.
Matapos kong mag-perform kaagad rin kaming umalis sa studio. Hindi sumabay sa van ko si Tenzy dahil may dala rin siyang kotse kaya ang katabi ko ngayon ay si Aira. Wala sa sarili kong hinimas ang tiyan na walang kaumbok-umbok.
BINABASA MO ANG
A Shield of Love (MASVEDO SERIES #4)
RomanceJoyce Lim, is a well known beautiful actress of the Philippines. She's a pro in that craft yet eveything is slowly fading. Her passion is slowly fading, nawawalan na siya ng gana. She's tired of everything, she is tired of being in the spotlight yet...