Kabanata 31

360 11 10
                                    

Nang makabalik si Aira kaagad niyang inabot sa akin ang PT na pinabili ko. Nanginginig ko iyong kinuha saka maluha-maluha na tiningnan. Hindi makalma ang puso ko nang dahan-dahan akong maglakad papunta sa banyo.

I followed all the procedures and waited some minutes to finally see the result. Nang lumabas ang unang pula nalaglag ang mga luha ko sa kaba. Pero nang lumabas muli ang pangalawang pula doon na ako humagulgol.

Iyak ako ng iyak habang nakatitig sa pregnancy test. I am pregnant! It's positive!

What should I do?

Lumabas ako ng banyo dala-dala ang maliit na pregnancy test. Una kong hinanap ay ang phone ko pero nang makita ko iyon ang nagawa ko lang ay titigan 'yon. I can't decide. Hindi ko alam ang gagawin.

Kung walang problema una kong gagawin ay tawagan ni Aizen. Paano ngayon? I can't deal with this alone. Paano ko sasabihin na buntis ako kung marami pang problema?

Pinili kong matulog habang hawak ang pregnancy test.

Nang magising ako gabi na kaya dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko saka maingat na bumaba. Una kong namataan ay si Bree na tutok na tutok sa laptop niya habang naka-upo sa couch.

"Ate!" malakas na sigaw niya nang makita ako.

Bahagya akong napatulala sa itsura niya pero kalaunan tinuloy ko na rin ang pagbaba.

"Akala ko umuwi ka kina Mama?" mahinang sagot ko kaya mahina siyang bumuga ng hangin.

"I did, kanina lang ako nakabalik dito," sabi niya kaya tumango na lang ako ng marahan.

"Okay," matamlay na sabi ko saka mahinang naglakad patungo sa kitchen. Sumunod naman siya sa akin na hinayaan ko na lang.

"Ate, are you okay?"

Bahagya akong natigilan na tanong niyang iyon. Namuo ang mga luha sa mga mata ko pero kaagad akong kumurap kaya madali rin iyong nawala.

Am I okay? No. I am pregnant, my boyfriend is not here. Hindi ako sigurado kung maayos pa 'to. My career is in danger. At ako ang laman ng balita ngayon. Maayos ba ako? I am not okay. But I will try to be okay.

"I am," mahinang sagot ko saka kumuha ng tubig sa loob ng fridge saka nagsalin sa baso na parang totoong okay nga ako.

"Pupunta yata sila Mama ngayon, Ate," natigil ako sa pag-inom dahil sa sinabi niya.

"Why?" tanong ko gamit ang paos na boses pero nagkibit balikat lang si Bree kaya tumango na lang rin ako ng marahan.

At dahil sa sinabi niyang pupunta sina Mama nagpaluto ako sa mga maids ng madaming pagkain. Nasa gitna kami ng pag-aayos ng dining table narinig ko ang boses ni Mama muka sa living room kaya napaayos ako ng tayo.

Wala sa sarili akong lumapit doon para sana bumati pero nang makita ko ang nanlilisik niyang mga mata kusa akong napatigil.

"See? Kita mo kung anong naging epekto ng paglalandi mo?! sigaw niya kaagad kaya marahan akong napatalon sa gulat.

"Ma—"

"Bababa ka Joyce, bababa ka dahil dito! May pakialam ka pa ba?!"

Marahan akong napapikit dahil sa biglang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Nang magmulat ako nakita kong may sinasabi si tito kay mama pero mas lalo lang nanlisik ang mga mata ni Mama.

"Ma—"

"Shut up, Joyce Ysha! Huwag kang magmagaling! Hindi ka nag-iisip! Ano may naitulong ba sa iyo ang nobyo mong iyan?! Nakabuntis pa ng iba! Walang kwenta!"

Patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko dahil sa mga sigaw niya.

"Ma! Sa palagay niyo maayos ang lahat dahil sa mga sigaw na 'yan?!" di ko na mapigilang sigaw pabalik kaya mabilis siyang humakbang papunta sa akin saka malakas akong sinampal sa kaliwang pisngi na muntik ng maging dahilan para mapaupo ako sa sahig.

A Shield of Love (MASVEDO SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon