I was staring at the horizon through my window, is it possible for a human to have no thoughts at all? Seine doesn't think so and I agree with her, humans involuntarily think so why can't Seine hear his thoughts? I asked Seine whether she was sure but she needs some time to confirm it.Sa sobrang pag iisip ko ay huli na nang mapansin ko na pumasok na pala ang teacher sa room namin at doon ko din naalala na hindi pala ako nakapag aral. Thus, I spent the next hour wringing my brain for useful facts while being quite sure I'll fail the test.
Natapos rin ang subject namin at huminga ako ng maluwag, babawi nalang ako sa susunod na pagkakataon. Nakita ko si Fran na nakatunganga din sa bintana, iniisip siguro niya kung ano ang nangyari sa nanay niya. Hindi madali ang mawalan ng isang magulang, alam ko ang pakiramdam dahil naranasan ko na ito.
Lumakad ako papunta sa kanya para kausapin siya nang may mabangga ako na babae, "Pasensya na, nasaktan ka ba?" tanong ko sa kanya.
Humarap naman siya sa akin at umirap, "You so tanga, you know naman na it's so sikip here, out of my way nga," sabi niya sa akin habang iwinagayway ang kamay niya papalayo sa akin na para bang isa akong tuta na dinidirian niya.
Maganda pa naman sana kaso ang sama ng ugali, wala naman akong naisagot sa kanya, hindi ko kasi masyado naintindihan ang sinabi niya. I just looked at her quizzically one last time and I went on my way.
"Fran," I said casually, "how are you?"
Tumingin siya sa akin na nanlulumo, "Minsan ba ay sinisisi mo ang tadhana sa mga pangyayari sa iyong buhay?", tanong niya sa akin.
Nabigla na man ako sa tanong niya sa akin, inaasahan ko na tungkol sa buhay o kamatayan ang pag uusapan namin pero paano napasok ang tadhana?
"Hindi naman, I believe that we mold the future by our choices. Nothing is predestined, we become the people we choose to be."
He laughed at my answer but his laugh was devoid of happiness, it was hollow and pained. Ganun ba talaga ka hindi kapanipaniwala ang sagot ko?
"Parang isang masamang biro ang sagot mo lalo na at nanggaling ito sa iyo," sagot niya sa akin. "Aking sinisisi ang tadhana sa pagkamatay ng aking ina at sa aking buhay. Hindi ko lubos maisip bakit ito nangyari sa akin."
"How can you say that?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko magawa na ibahin ang aking tadhana, lahat ng bagay ay idinikta na para sa akin," dugtong pa ni Fran.
I can't even understand half of what he said. "Bakit nga pala ang lalim mo magtagalog?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin ng malungkot, "Ito'y isang paalala na hindi ko matatakasan ang ibinigay na sumpa sa akin."
Sumpa? Paalala? Paano naman iyon napasok sa usapan? Magtatanong pa sana ako ng matapos na ang recess at pumasok na ang guro. Bumalik na ako sa upuan ko ng marinig ko sa Fran, tumitingin siya sa pinto at bumubulong sa kanyang sarili. "Sa aking paglumay ay sana makita mo na ang iyong inaasam na kasiyahan," bulong niya.
Sino naman ang tinitingnan niya sa pinto, sinubukan ko rin tingnan pero wala naman akong nakita. Maybe he's going mad? I hope not, however, as I looked at the teacher. I swear I saw a tear falling down from his face.
***
Papauwi na ako ng dumaan ako sa isang chicken joy stand, realizing that Zero won't be there to cook, I bought some chicken for me and Seine for our dinner. Papasok palang ako ng apartment ng marinig ko ang kawali at naaamoy ko ang pagkain. Nagtaka naman ako dahil paniguradong hindi si Zero ang nagluluto dahil 6:30 P.M. na, imposible naman na andito pa siya.
BINABASA MO ANG
The Senses
FantasyEveryone has secrets. Everyone has a side they didn't show to anybody. After losing his parents early in life, Xavier Cortez had a vast amount of fortune and little else. He thought he was going to walk a simple path and lead a quiet life. He was wr...