Chapter 10

1 1 0
                                    


Serene

"Serene, natutulog ka na naman ba sa klase," sabi niya.

"Don't tigil my sleep nga, Chaos."

It was my first year in middle school when I met her, a small little girl who won't leave me alone, she clinged to me so much that one day, she saw me use my ability. I fell on the ground and scraped my knee, my grandmother always warned me not to use my ability but there was no one around, or so I thought.

"Serene, bakit biglang nawala ang sugat mo?"

"Nakita mo ba?"

Tumango siya sa akin at napuno ako ng takot, laging sinasabi ni lola na marami daw ang naghahanap sa amin, na gusto nilang kunin ang kakayahan namin. Akala ko sasabihin na ni Chaos sa lahat ang sikreto ko, na isa akong halimaw na kayang magpagaling ng sakit. Iba si Chaos, hindi niya ako pinandirian, hindi siya natakot, hindi niya ako iniwan.

"Serene, ano itong naririnig ko na may kaibigan ka daw na nakakaalam ng kakayahan mo?" tanong ni lola.

"Si-si Chaos po lola, pero huwag kayong mag alala. Mabuting tao siya, hindi niya ako ilalaglag.", sabi ko.

"Alam mo Serene, ang mga katulad natin ay hindi dapat napapalapit ang loob sa ordinaryong tao."

"Pe-pero lola, iba naman po si Chaos."

"Sa tingin mo Serene, sino ang sasaktan ng mga naghahanap sa atin? Tayo?" tanong niya. "Hindi! Sasaktan nila ang mga taong nakapalibot sa atin! Kaya tama lang na hindi ka magkaroon ng kaibigan!" sigaw ni lola.

Alam ko bakit ganyan siya, nawala kasi si mama at ang sinisisi niya ay ang tatay ko na ipinagkalulo daw kami sa mga naghahanap sa amin dahil sa pera. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang sakit na dinadamdam ni lola.

"Pero lola, alam na niya ang tungkol sa atin," sabi ko, sinubukan kong sagipin ang pagkakaibigan namin, na sana pumayag si lola dahil alam naman ni Chaos ang totoo pero iba ang sagot na ibinigay niya sa akin.

"Ako ng bahala sa kanya," mahinang saad niya.

Simula noon, hindi na ako nakilala ni Chaos, I don't know how my grandmother did it but Chaos forgot about me completely. Noong panahong rin iyon, hindi na ako nakipagkaibigan sa iba para hindi na magalit si lola.

"Hi, ako nga pala si Chaos, anong pangalan mo?"

Nawala man ang alaala niya, hindi nag iba ang pag uugali niya. Naulit ulit yung mga nangyari, naging kaibigan ko ulit si Chaos pero itinago ko na ang kakayahan ko. It wasn't just for me, it was for her safety too.

I thought I was doing the right thing, I thought it was okay to have friends as long as they don't know about me and my secret, that would keep her safe, I reassured myself.

I was wrong.

It was in second year high school, a man was trailing us, we ran but he managed to corner us.

"Sino sa inyo si Serene Dela Costa?" tanong niya.

I admit I felt afraid.

"I am," Chaos said.

I looked at her, surprised at what she did. Perhaps it was by chance that a police officer passed by, allowing us to escape the man.

***

"Chaos! Why are you so tagal ba?", sabi ko habang kumakatok sa bahay niya.

Walang sumagot, napakatahimik ng paligid na para bang walang buhay na tao. Sinubukan kong buksan pinto ng bahay. It wasn't locked...

I slowly swung open the door and entered the house.

"Hello?" I called out.

No response.

The SensesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon