Chapter 27

4 1 1
                                    


Xavier

Nasaan ako? Ang dilim ng paligid. Hindi ako makakita ng isang bagay. Nasaan na ba ako? I waved my hand in front of me. Nothing was there. It feels like I'm in the middle of nothingness.

"The children are dead. Atlas is dead. The orohanage disappeared. Serene is still crying. He is still suffering. Secrets are still sleeping. Everyone is still lying."

These were the words that snuck on my mind. Parang may kumuha ng mic at bumubulong sa isipan ko. Parang narinig ko na ang boses. Doon ko lang napagtanto na boses ko pala iyon. Sandali... anong ibig sabihin nito?

Naramdaman ko na bigla akong nanlamig sa takot.

"Ilabas niyo ako! Let me out!" sigaw ko.

In just a blink, the surroundings changed. I was back... in the forest. And that man was still smiling at me from the tree's branch.

"Tila biglaan ang iyong pagbisita sa akin, kaibigan. Ikaw ba ay may kinakailangan?" tanong niya.

As if! Biglang napunta lang ako dito. Hindi ko nga alam kung nasaan ito. "Bigla lang ako napunta rito."

Napailing siya ng ulo habang tumatawa dahil sa sinabi ko. "Alam mo ba kung bakit ka naririto? Ito'y sapagkat ikaw ay muntik ng mamatay!"

"Mamatay?"

"Lubos mong ginamit ang kapangyarihan mo, kaya naman bumagsak ang iyong katawan." Tumingin siya sa akin nang may halong lungkot. "Sana hindi ka nagpadala sa iyong emosyon, Xavier. Ito ay mapanganib, lalo na sa ating lahi."

I unknowingly raised my eyebrows as I looked at him with curiosity. Why does he seems to know so many things about me.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya muna sa akin ng ilang saglit at ngumiti. Kinuha niya ang kanyang sombrero at itinapat ito sa kanyang dibdib. "Sino ba ako sa iyong tingin?" pabalang niya na sagot.

Okay, calm down self. Inner peace, Xavier. Huwag kang magpapadala sa galit mo kahit gustong gusto ko na siyang hampasin.

Tumawa yung tao habang tumitingin sa akin. Tsk, he's really enjoying this. But wait... something about him feels familiar. His voice. I feel like I heard it before.

A clock chime rang around us even though there was no clock. Saan nanggaling iyon?

"Mukhang oras na nang iyong pag-alis, kaibigan." sabi niya.

Little by little, fog was starting to envelop us but I was still stuck on my thoughts. Where did I hear him before?

"Geronimo Reyes," mahina kong tugon. "Ikaw si... Geronimo Reyes. Ang ninuno ko at unang nakakuha kay Sight."

Tama, narinig ko na siya dati. Sa kanya iyong boses na nagkwekwento ng nakaraan niya. Tumawa siya nang kaunti bago tuluyang nagbigay ng paalam.

"Hanggang sa susunod nating pagkikita, Xavier."

***

My eyes bolted open. Where was I? Ano nga pala ang nangyari? Ang huli ko naaalala ay yung sa orphanage.

"Atlas....." mahina kong bulong sabay nang pagpatak ng luha ko.

"Xav?"

Tumingin ako sa direksyon ng boses, "Seine?"

"Oh my freaking gosh, gising na siya!"

"Serene..."

"Mukhang napahaba ang tulog mo, Xavier."

"Zero..."

They were still here, waiting for me. Being by my side as I slept. I tried to lift my hand but failed halfway.

The SensesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon