Xavier
Nakatayo ako ngayon sa harap ng mansyon ng mga Dela Costa. Hindi ko nga masyadong naiintindihan ang mga nangyayari. Ang huli kong naalala ay bumalik kami sa hotel tapos nakatulog ako sa kama...
Is this a vision??!
Damn it... I must've subconsciously tried to activate Sight because of what Seine said.
Oh well, there's nothing I can do. I better watch what's going to happen. I stood in front of the mansion and noted that it was nighttime. A clock suddenly rang inside the house for 12 times, indicating it was midnight.
Just as I was looking through the gate. I felt someone beside me.
"Hindi ba't napakaganda ng gabi ngayon, Xavier?"
My God... please give me patience...
"Geronimo... bakit ka ba andito?" tanong ko.
Suot niya pa rin ang barong tagalog niya at sombrero habang nakatayo sa gilid ko. "Xavier, parang hindi ka nasasayahan na makita ako."
"Mabuti naman at nararamdaman mo."
"Ang lamig mo naman!" sabi niya habang nagpupunas sa mata niya pero halata namang hindi siya umiiyak. "Parang kailan lang, itinatanong mo sa akin kung sino ako. Ngayon na alam mo na, parang wala ka nang pakialam sa akin. Wala man lang ba halaga sa iyo ang pinagsamahan natin?"
"May pinagsamahan ba tayo?" Hindi ko na pinansin ang mukha niya bakas ang gulat. "Bakit ka ba nagpapakita sa akin ngayon?"
Sumimangot siya sa akin. "Kakausapin mo lang ba ako kapag may kailangan ka lang sa akin?"
I just stared at him like he was a making a fool out of himself, which in fact, he was.
"Oo na," sagot niya. "Nakikita mo ako ngayon kasi may koneksyon ako sa kapangyarihan na taglay mo dahil ako ang unang nakakuha rito."
"Ibig mo bang sabihin ang Sense of Sight?"
"Oo, ganun na nga," sabi niya. "Ako ang unang nakakuha nito kaya malakas ang koneksyon ko rito. Iyan ang dahilan kung bakit nakikita ako nang mga tao na nagtataglay din ng kakayahan na ito."
I furrowed my eyebrows. "Ibig sabihin nakita ka rin nila ni Mom?"
Umiling siya. "Hindi lahat ng tao na nakakuha sa Sight ay makikita ako. Tanging ang mga malalakas lang ang koneksyon sa Sight." Tumingin si Geronimo sa akin. "Tulad mo. Dahil sa lubos mo na paggamit sa iyong kakayahan ay lumalakas ang koneksyon mo rito kaya palagi mo akong nakikita sa panaginip mo."
It's a nightmare if it's with you though. I kept this thoughts to myself, however. I don't think my mother would be delighted to know that I'm badmouthing our ancestor.
"Nararamdaman ko na nag-iisip ka nang masama tungkol sa akin," sabi ni Geronimo.
"Hindi," pagsisinungaling ko. "Iniisip ko lang kung ano ang mangyayari ngayon."
Tumingin si Geronimo sa likuran namin. "Ito na ba ngayon ang bahay ng angkan ni Cordelia? Mas lalo sila naging mayaman."
"Cordelia? Sino iyan?"
"Siya ang ninuno ng angkan na nagtataglay nang kakayahan na magpagaling," sagot niya sa akin.
Ohh, Cordelia pala ang pangalan ng ninuno nila ni Serene. Ano kaya siyang klaseng tao? Sana naman hindi siya tulad ng ninuno ko.
I looked towards the gate and squinted my eyes. Huh? Why are there figures of people outside? It's past midnight. I would be weird if they were seen outside the gate. The people outside scuffles towards the gate but they couldn't open it. What happened next blew my mind away.
BINABASA MO ANG
The Senses
FantasyEveryone has secrets. Everyone has a side they didn't show to anybody. After losing his parents early in life, Xavier Cortez had a vast amount of fortune and little else. He thought he was going to walk a simple path and lead a quiet life. He was wr...