AzazelIt started on an ordinary summer morning.
Wala akong alam na magbabago ang buhay ko nang makita ko siya na tumitingin sa mga bulaklak na tinda na namin dito sa Granville. Nakasuot lang siya ng isang ordinaryong dress pero sa bawat ngiti niya ay nararamdaman ko na parang gumagaan ang loob ko.
Hindi ko namalayan na ilang segundo na rin pala ako nakatingin sa kanya kung hindi ako tinapik ni Ella, ang nakababata kong kapatid.
"Kuya, kanina ka pa tingin nang tingin sa babae. Gusto mo?" tanong niya.
"Hi-Hindi ah. Hindi ko nga siya kilala. Magtrabaho na nga tayo."
Tumingin si Ella sa akin na parang nagdududa at umalis nang mawalan siya ng gana. Bumuntong hininga ako nang lumayo na siya. Tumingin ako sa babae ulit at nakita ko na nakatingin din pala siya sa akin. Agad akong umiwas at umaktong parang walang nangyari.
"Excuse me, magkano ang sunflowers niyo?"
Sinabi ko ang presyo kahit hindi tumingin kung sino ang nagtanong. Nang lumingon ako ay halos malaglag ko ang hinahawakan kong mga lilies nang makita ko na siya pala ang nagtanong ng presyo.
"Ah, sige. Babalik na lang ako sa susunod," sabi niya sa sarili.
She also wore a hair accessory in the shape of a sunflower on either side of her head. Mahilig ba siya sa mga bulaklak? Sa di malaman na dahilan, bigla ko nalang naitanong kung ano ang pangalan niya.
"Uh, what's your name?"
"Me?" She pointed to herself and blinked a few times. "I'm Flora, ikaw?"
I felt the words within me clogged in my throat. Damn it, Zel. Ilang beses ka nang nagpakilala sa mga tao. Bakit parang nahihirapan ka sa kanya?
"Azazel," I forced out. "Azazel Javelosa.".
Napangiti siya nang marinig niya ang pangalan ko. "Your name is nice. Even though it's like the name of a demon."
I felt myself smile. "Ano naman? Mabuti akong tao," pagbibiro ko.
"Alam ko. I get the feeling that you're a good person. Wala naman akong sinasabi na masama kang tao dahil lang sa pangalan mo," sabi niya habang marahang tumatawa.
In her white summer dress, with laced sandals and sunflower accessory, she looked like one of those nymphs in Greek Mythology.
Tumingin siya sa phone niya at nanlaki ang mata niya. "Hala, late na pala ako sa meeting namin ni papa." Tatakbo na sana siya nang bigla siyang tumigil at tumingin sa akin. "Hanggang sa muli, Azazel."
"Do you like flowers?" tanong ko bago siya umalis.
At that moment, she smiled a little as if she was in pain. "I love them," she answered.
Umalis na siya at naiwan akong nakatingin lang sa labas na parang natulala sa kawalan. Hindi ko namalayan kung ilang oras na ang lumipas pero tinapik ako ni Ella sa kamay at doon lang ako nahimasmasan.
"Kuya naman eh, tulala ka naman ba?" tanong niya habang nakapamewang. "Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"
Umiling ako sa kanya, "I'm okay."
"Talaga?" tanong ni Ella, halatang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Kapag naabutan pa kitang tulala, tatawagin ko na talaga si mama at papa."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Parang ikaw pa ang mas nakakatanda sa atin ah," sabi ko habang tumatawa ng konti.
Umiling nalang ulit si Ella at umalis na sa harapan ko.
***
Tadhana.
BINABASA MO ANG
The Senses
FantasyEveryone has secrets. Everyone has a side they didn't show to anybody. After losing his parents early in life, Xavier Cortez had a vast amount of fortune and little else. He thought he was going to walk a simple path and lead a quiet life. He was wr...