Was it just a coincidence? Sa pagkakaalala ko, palaging bumibisita si mama noon sa orphanage na ipinagawa niya, minsan nga ay isinasama niya pa ako. For this name to come up suddenly, ano ang relasyon ni Mary sa orphanage na ito?Lumakad na ako papasok sa building, dinig ko pa ang mga tawa ng bata na naglalaro sa labas, pumunta ako sa lobby at doon ko nakita si Mr. Atlas Rivera, ang tagapangasiwa ng orphanage. Contrary to his namesake, mapayat ngunit mataas ang katawan niya, pumuputi na rin ang kanyang buhok sapagkat ay tumatanda na siya. Si Mr. Rivera rin ang nag-aalaga sa mga bata kasama ang ibang helper. Ngumiti siya sa akin at kinuha ang ibinigay kong fruit basket.
"Mukhang napaaga ngayon ang pagbisita mo dito sa amin Mr. Cortez."
"May free time po kasi ako ngayon at Xavier nalang itawag mo sa akin Mr. Rivera, parang ang tanda naman kasi kapag Mr. Cortez pa."
Isang seryosong tao kasi si Mr. Rivera kaya naman pinahahalagahan niya talaga ang pormalidad, malaki din ang utang ng loob niya sa pamilya namin noon kaya nang mamatay si mama ay ipinagpatuloy niya ang orphanage dito.
Lumakad kami sa hallway at ibinigay niya ang fruit basket sa isang katulong, bigla kaming huminto sa isang bintana na tanaw ang mga bata sa labas, tumingin si Mr. Rivera sa labas na tila ba inaalala ang mga nagdaang araw.
"Tell me Xavier, what brings you here?" biglaang tanong niya sa akin.
Hindi naman ako agad nakasagot, matapos ang ilang segundo ay tumingin ako sa kanya, "Anong ibig mong sabihin?"
"You are a meticulous man, Xavier. Kahit noon pa man ay napansin ko na iyon, ako ang nag-alaga sa iyo mula pagkabata, ikaw ang klase ng tao na hinahanda ang lahat. Everything has a schedule and I find it hard to believe that you would break your routine just for a simple hello.", mahaba niyang paliwanag sa akin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya, mahirap talaga pagtaguan ng sikreto ang mga taong nag alaga sa iyo mula pagkabata. Naalala ko pa kung paano ako habulin ni Mr. Rivera noon kapag ayaw kung kumain ng gulay o kaya ay hindi pa naliligo. Thinking about those things made me smile a little.
"I hope this is not about your mother?" dugtong pa niya.
"What do you mean?"
Huminga siya ng malalim at tumingin sa mata ko, hanggang ngayon ay mahirap pa din sa kanya na maalala si mama lalo na dahil siya rin ang nagpalaki sa kanya. He has been serving our family for 3 generations.
"Bago mamatay si Madame ay may sinabi siya sa akin, she said 'there may be a time in the future that my son will be in grave danger, guide him as you did to me'".
"What did she mean by guide?"
"Did you really think I knew nothing, Xavier? Alam ko ang tungkol sa pamilya niyo at sa kakayahan na tinataglay ninyo. I am over 60 years old and I have been serving your family ever since the time of your grandfather."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, alam ni Mr. Rivera ang tungkol sa family gift? Bigla nalang siya ulit naglakat at pumasok kami sa office niya. Mula sa isang drawer ay may kinuha siyang kahon at ibinigay niya ito sa akin.
"You will need it," he said meeting my eyes.
Binuksan ko ang kahon at nasa loob nito ang isang maliit na susi at isang papel. "That's all? Sino ang gustong pumatay sa amin? Nasaan na ang ibang Senses?"
"Your mother never saw it fit to say who wants your abilities. As for the other Senses, you should know that it is a closely guarded secret. It involves not only your family but others too, that's why Amelia didn't say their names."
Nagpasalamat ako sa kanya at lalabas na sana nang bigla niya ulit akong tinawag. "Xavier?"
"Yes?"
"One last thing," he locked eyes with me. "Never attempt to cheat fate, this was the last warning your mother had to offer. Goodbye and, by all means, please stay alive."
BINABASA MO ANG
The Senses
FantasyEveryone has secrets. Everyone has a side they didn't show to anybody. After losing his parents early in life, Xavier Cortez had a vast amount of fortune and little else. He thought he was going to walk a simple path and lead a quiet life. He was wr...