Kabanata 29

6 2 1
                                    


Kabanata 29

Photograph

Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. I was distracted the whole time. I couldn't focus well in class. Sinong hindi kikiligin? He hugged me twice and kissed me on my forehead! Tapos susunduin niya ako mamayang uwian. And he called me love.

I'm so overwhelmed. Napakabilis ng mga pangyayari. Natatakot ako na baka bigla ulit mag bago ang lahat. I can feel my heart rapidly beating. Kalma, Serbi. Delikado na.

"Dapat available kayong lahat sa saturday. Walang hindi a-attend!" Yan ang bungad sa amin ni Kharlah matapos kaming ma-disamiss sa klase.

"Anong meron sa sabado?" Naguguluhan na tanong ni Gwyn.

"Gaga 'to! Kinalimutan mo na? Birthday celebration ni Serbi at James," sagot ni Kharlah at umirap pa.

"Nag tatanong lang e, sorry naman."

Ah, oo pala. I'm turning 17 this year. Syempre gusto kong mag celebrate kasama ng mga kaibigan ko. At gusto ko rin sana makasama si Alston sa espesyal na araw ng buhay ko. Maybe we can go on a date?

"How about the boys?" Tanong ni Ericka

"Anong meron sa kanila? Ba't mo natanong?" Si Kharlah.

"Wala lang. Are you guys okay with them now?" She asked.

"Duh. Of course, we're friends pa rin naman. Wag tayong immature," sagot niya kay Ericka.

"Okay, so we'll go as we planned. Same place and time. How about sleepover? its saturday naman eh. Walang pasok kinabukasan." Suwestyon ni Kristen.

"G ako," maikling sagot ko.

Sigurado naman ako na papayagan ako nila Mama kapag kina Kristen ako matutulog.

"Alright! My place ba? Bring your pajamas! We'll get wasted," binulong niya ang nahuli niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko. "What? beer lang ang allowed."

"C'mon, we can add soju naman. Plus we're gonna stay in my place kaya it's safe for us kahit malasing tayo." She said.

"Lasinggera ang gaga," kumento ni Frauline.

"Wow, nahiya ako sayo!"

I don't think its a good idea. The last time i get drunk is...ugh no. That will be the first and last time na mag lalasing ako. Why did i even do that? Hindi naman ako mahilig uminom. Minsan kasi sa buhay, kapag sobrang bigat na mas gusto mo na lang kalimutan lahat. Kahit pansamantala lang.

"So, Serbi. Maiba ako, nakapag usap na ba kayo ni Alston?" Tanong ni Kristen na ikinagulat ko.

I can feel my cheeks burning and i tried to hide it. Alam kong aasaranin na naman nila ako kapag nalaman nila kung ano ang nangyari kanina.

I cleared my throat. " Uh yes, nag usap na kami."

"May lagnat ka ba?" Tanong ni Jillian.

"W-wala naman." Nag iwas ako ng tingin.

"Ba't parang namumula ka?"

"Uhm...ano mainit kasi." Sabi ko at nag kunwaring naiinitan.

"Hindi kaya may aftershock yung allergy mo?" Kinakabahang tanong ni Jillian.

"Ano ka ba, Jill. Kumalma ka nga. Walang aftershock. Anong tingin mo sa allergy ko? lindol?" pamimilosopo ko.

Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. "Hoo! buti naman." ani Jillian.

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon