Kabanata 13

11 4 0
                                    


Kabanata 13

Trouble

"Uuwi kana?" Tanong ni Kristen.

"Yup, you?"

"Maybe later. Ang lakas pa ng ulan, e. Mag papasundo ako kay Daddy," sagot niya.

Napabaling ako sa bintana at nakita ang sunod-sunod na patak ng ulan. Parang may bagyo sa lakas ng pag ulan nito. Maayos pa naman ang kalangitan kanina. Anong nangyari at biglang nagka-ganito?

Nakauwi na sina Kharlah at iba pang kaibigan namin nang matapos ang practice nila Bryle. Samantala, naiwan pa kami ni Kristen dahil may pinag-utos pa sa'min ang adviser namin. We were also left to clean the classroom. Kaya ayan, naabutan kami ng ulan.

"Hindi ako masusundo ni Papa. I'll just hail a taxi."

Kumunot ang noo niya. "Why not book a cab? Mahihirapan kang mag Taxi. O kaya, sumabay ka na lang sa akin."

Umiling ako. "I would love too, but I really have to go home. Kung patitigilin ko pa ang ulan, matatagalan pa bago ako maka-uwi."

Nag-text sa akin si Mama at pinapa-uwi na ako. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit malakas ang kutob ko na isang masamang balita ang sasabihin niya. She doesn't bother if I go home late. Dahil sinusundo naman ako ni Papa. Ngayon lang hindi. At hindi ko alam kung bakit. Nakalagay sa text ni Mama na hindi ako masusundo ni Papa ngayon. 'Yun lang. No other explanation why.

I heard her sigh. "Alright, take care. Do you need an umbrella?"

"May payong ako. Bye, Kris."

Habang nag lalakad ako pababa ng building namin ay sinubukan kong kalkalin ang payong ko sa loob ng bag ko. Ngunit ganoon na lamang ang gulat at inis ko ng hindi ko ito mahanap. Where the heck is my umbrella? Naiwan ko ba sa bahay?
Wala akong matandaan na inilabas ko ito mula sa bag ko.

Natatanaw ko na ang gate ng AU. Hindi ako makalapit doon dahil wala akong payong. Paniguradong mababasa ang mga gamit ko kapag sinuong ko ang ulan. Paano na 'to? Makisabay na lang ba ako kay Kristen?

Tumingala ako at sinubukang aralin ang panahon. Sa tantya ko, hindi agad titila ang ulan. It's already past five in the afternoon. If I'll wait for the rain to stop, I might as text my mother that I'll spend the night here.

I took my phone out and captured the rain. I posted it on my Instagram with the caption 'still waiting for you to stop'.

"Yvo, wait!"

Napalingon naman ako ng marinig ang sigaw ng isang babae. My eyes narrowed when I saw her running down the stairs, trying to chase Alston. Yeah, it's him again. Gosh, why do I always have to see him?

Gumilid ako at nag tago para hindi niya ako makita. Nasaan na ang tapang mo ngayon, Serbi? I remember the way I approached him the first time. Wala akong naramdaman na hesitasyon o hiya ng lapitan ko siya noon. Now, what the hell changed?

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. It's Laurie. The one who eyed me like a hawk when I came to their classroom. I can see that they're talking. At hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang paghawak niya sa braso ni Alston.

What the hell is she doing? Why is she touching him like that?

Lumapit ako ng kaunti para marinig ang kanilang pinag uusapan. "Come on, it wasn't the first time you'll drop me home."

Halos malukot ang mukha ko sa narinig. Anong pinag sasabi ng babaeng ito?

"Call your driver, Lau. I can't drop you home." Rinig kong sagot ni Alston.

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon