Kabanata 22

25 4 4
                                    


Kabanata 22

Speechless

Ilang araw akong umiwas kay Alston. Sa tuwing nagtatagpo ang nga landas namin, lumilihis ako ng daan. Wala na akong mukha na maihaharap pa sa kaniya. Sobrang nakakahiya ang inakto ko no'ng nalasing ako. Parang gusto kong iumpog sa simento ang ulo ko. May tinatago rin pala akong kalandian sa katawan.

I can't believe I've dreamed about kissing him!

"Hoy, para kang tanga dyan," saad ni Kristen.

Nandito kami ngayon sa SHS building sa hindi ko malamang kadahilanan. Nag aala-ninja na nga ako dito eh. Naka-high alert ang buong sistema ko para kung sakaling makikita ko si Alston ay makakapag tago ako kaagad.

"Babalik na lang ako sa building natin," ani ko at akmang tatalikuran na sila ng hawakan ni Jillian ang braso ko.

"Huwag na, nandito na nga tayo eh," pigil niya sa akin.

"Kayo lang naman ang may sadya dito! Bakit dinadamay niyo pa ako?" Tanong ko.

"Sus, kunwari ka pa. Alam naman namin na gusto mo rin makita si Alston mo!"

Teka nga, Alston ko? At kailan pa siya naging akin? Hindi ko naman siya inaangkin ah! Ano bang pinag sasabi ni Jillian? Saka hindi ko siya gustong makita. Iniiwasan ko nga eh! Sigurado akong iniisip nun na napaka desperado ko dahil sa nangyari noong nakaraan.

Ang tanga mo, kasi Serbi. Ba't mo ba naisip na hahalikan ka niya? He's not the type of guy who would take advantage on you! On a drunk woman, in specific.

"Ano bang gagawin niyo dito? Sino ba sadya niyo?" Tanong ko.

"May ibibigay lang ako kay Carl," tugon ni Kristen.

"Bakit ikaw? Nasaan Frau?"

"Napag-utusan lang ako. Kaya halina kayo."

Sumunod kami ni Jillian kay Kristen. Carl is Fraulein's ex and a senior high student. Graduating din siya. Consistent dean lister din. Oh, sa'n ka pa. Pero wala eh, napana ni kupido. Kay James ang bagsak niya.

Biglang napahinto si Kristen sa pag lalakad kaya tumigil din kami ni Jillian. "Nandito na ba tayo? Ito na ba 'yung classroom niya?" Tanong ni Jill.

Marahan na umiling si Kristen. Her eyes were fixed on someone. Or should I say, on some shit. It's Danrick Yonzon. Ang lalaking nang bastos noon kay Kristen. It's been what? Three weeks after his suspension?

He's with his friends. And they are talking about something. Ngunit wala kaming pakialam kung anuman ang pag usapan nila. Hinila ko si Kristen at nag patuloy kami sa pag lalakad. Hindi ko tinapunan ng tingin si Danrick pero kitang-kita ko sa peripheral view ko kung paano niya kami sinundan ng tingin nang lagpasan namin sila.

"Dude, 'di ba siya 'yung babae na dahilan ng suspension mo? Ang ganda pala. Saka ang kinis!"

Hindi ko alam kung bulong ba iyon o sinadya nilang lakasan ang boses nila para marinig namin iyon. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Kristen.

"T-tara na, Serbi. Huwag mo na lang pansinin," ani Kristen.

"O nga. Bilisan na lang natin. Baka mapa-away pa tayo dito eh," dagdag naman ni Jill.

Naiintindihan ko ang ibig nilang sabihin. Ayaw nila ng gulo at away. Kaya ano, gano'n na lang 'yun? Hindi iyon pwede! Naramdaman ko ang pag hila sa'kin ni Kristen. Kahit labag sa loob ko, nag patuloy kami sa pag lalakad na nahinto rin lang.

"Tignan mo 'yung kasama niya, pre. Ang sexy."

"Gago, junior high pa 'yang mga 'yan!"

"Ano naman? Mas bata, mas fresh!"

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon