Kabanata 17

11 3 0
                                    

[Play the song: Nobody Said It Was Easy by Coldplay]

Kabanata 17

Voice

Umakto akong normal ng makita ko siyang nag lalakad papalapit sa sasakyan. Nag kunwari akong nagbabasa habang nakasuot ang earphone sa magkabilang tainga ko. Hindi ko rin siya tinapunan ng tingin. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako nakikinig ng music. Sadyang nagsuot lang ako ng earphone para hindi niya ako kausapin o hindi ko marinig ang anumang sasabihin niya.

Sandali nga, Serbi. Bakit ka nag a-assume na kakausapin ka niya? Kasama ba sa deal 'yon? Ihahatid ka lang niya pauwi.

Bakit nga ba ako pumayag na ihatid niya? I should avoid him! But how could I? Kakayanin ko pa bang iwasan siya matapos lahat ng nangyari? He saw me cry. He comforted me. He was there when I needed someone to lean on. I will definitely be guilty if I avoided him without giving any reasons why.

Gosh, Serbi. Can't you just set aside your goddamn feelings for once? Stop being so irrational!

"Hey," he said and poked my shoulder.

Bahagya akong napalingon sa kanya. I raised my eyebrow, waiting for him to speak. But then, I realized that I'm wearing an earphone and he probably thought that I wouldn't hear whatever he has to say.

"Eyes on the road," I said and dropped my gaze on my left hand where I was holding my book.

At dahil hindi naman talaga ako nakikinig ng music, rinig ko ang matunog na pag buntong-hininga niya. Palihim akong sumulyap sa kanya at pansin ko ang pagkunot ng noo niya.

Ako naman ang natigilan nang ihinto niya ang sasakyan sa isang tabi. Malayo pa kami sa bahay. Why did he stopped? He suddenly leaned on. Kaya't napa-atras naman ako dahil sa gulat. He reached for my earphones then removed it from my ears.

"What?" Tumaas ang kilay ko.

Umayos siya ng upo. "You're too quiet."

"Duh, I'm reading." Wika ko at itinaad ang libro upang makita niya.

He furrowed his eyebrows. "Really? How can you read with your earphones on?"

Oo nga naman. Madali akong madi-distract kapag nagkataon at hindi ko maiintindihan ang binabasa ko kapag nakikinig ako sa music.

I bit my lower lip. Damn, am I gonna lie again?

"Just drive, Alston. Don't mind me." Ani ko at binaling ang atensyon sa harapan. Muli kong sinuot ang earphones ko ngunit sa pag kakataong ito ay hindi na ako nag basa ng libro.

I closed my eyes and pretended to be asleep. Great, Serbi. Kanina ay nag papanggapa akong nagbabasa at nakikinig ng music, ngayon naman natutulog?

Keep pretending, Serbi. Tutal, dyan ka naman magaling.

"Thanks," ani ko bago tuluyang bumaba sa kotse niya.

Tuloy-tuloy akong nag lakad papasok sa subdivision. Hindi ko siya inabalang lingunin. Pilit ko parin isinasantabi sa aking isipan ang text ni Kristen at ang pag-uusap na naganap sa pagitan ni Alston at Laurie. Why did I even bother to check if they really kissed? Ano naman sa akin? I believe that matter doesn't concerns me. So, why the hell am I feeling this way? Damn it.

Sana hindi na lang ako nagpahatid. Sana hindi na lang ako bumaba ng kotse. Sana hindi na lang ako pumunta ng library.

Puro sana...

"Ate," I felt my sister tugged the hem of my skirt. Nag baba ako ng tingin upang tignan siya.

"Ano 'yun?" Tanong ko.

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon