Kabanata 25

11 4 0
                                    


Kabanata 25

Fool

Tulad ng nakasanayan, maaga akong nagigising para pumasok sa school. Gising na rin ang mga magulang ko at ang kapatid ko. I grabbed my daily sandwich for breakfast. Kakainin ko ito habang nasa daan ako papunta sa school. I'm taking different routes today. Ayaw ko naman ma-late dahil lang sa traffic. You can't trust manila when it comes to traffics. Mapa-umaga o gabi, mabagal ang takbo ng byahe.

"Ma, alis na ako," I said while tying my shoelace.

"Hintayin mo na si Jen-jen. Sabay na kayong pumasok. Para hindi kana mamasahe pa."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan 'to. "Ma, ang layo pa ng bahay nila Jensen! Bakit niyo pa pinapunta rito?"

"Hindi ko siya pinapunta, talagang pupunta siya rito."

Ano naman ang sadya niya rito? Matagal rin siyang hindi dumadalaw dito sa bahay. He's my  childhood enemy. Hindi kami madalas mag kasundo noon. Lagi kaming mag kaaway. Mabuti na lang at hindi na ngayon. It would be childish if we still fight over petty things.

Tumayo ako matapos na itali ang sintas ng sapatos ko, at sakto naman na bumaba si Jensen sa kaniyang sasakyan. Tumaas ang kilay ko nang makita ang ngisi niya. Ano na naman kayang iniisip nito? Hindi na ako nagulat ng yakapin niya ako. Lagi niya itong ginagawa tuwing nag kikita kami. Nakasanayan na rin niyang gawin simula pagka-bata at hindi ko naman siya pinigilan.

I don't see anything wrong with it.

Nang humiwalay siya sa yakap ay agad akong umatras bago pa niya magulo ang buhok ko. "Ba't ka naparito?" Tanong ko.

"Para sunduin ka," sagot niya.

"At bakit? Kailan pa kita naging driver?"

"Starting today. Sasabay ka sa'kin sa pag uwi at sabay din tayong papasok ng umaga."

"Care to explain why?" Imbes na sumagot ay lumapit siya at kinurot ako sa mag kabilang pisngi ko.

"Jenseeeen!" Nanggigigil na sigaw ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko na ngayon ay namumula na.

He chuckled, "ayan, mukha ka ng aso."

"Excuse me?!"

Mas lalo siyang natawa sa reaksyon ko. I can see he's enjoying this. His teasing me again. Hindi ko naman maitatanggi na na-miss ko siya. Hindi parin maaalis 'yung asaran sa pagitan namin. At mabilis parin akong mapikon.

"Tara na, baka malate tayo. Tita, alis na po kami!" Paalam niya.

"Mag ingat kayo, ihjo."

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya bago pumasok. Ngumisi ako. "Ano naman ang nakain mo at sinundo mo ako?" Tanong ko ng makapasok na siya sa driver's seat.

"Wala lang. Bawal ko bang sunduin ang best friend ko?"

"Call me señorita Yuri. Driver kita sa araw na ito, intiendes?" I crossed my legs and raised my eyebrow.

Napailing lamang siya. "Masusunod, señorita maldita este Yuri."

Agad naman lumipad ang kamay ko at binatukan siya. "I'm driving you know!" Asik niya.

"Don't insult your master!" Singhal ko.

Nag patuloy ang bangayan naming dalawa sa loob ng sasakyan niya hanggang hindi ko namamalayan na nandito na pala kami sa parking lot ng AU. Hinintay ko siyang pag buksan ako ng pintuan bago bumaba ng sasakyan. I don't know why he's doing this but I like it. Minsan lang siya mag pa-uto sa'kin kaya lulubos-lubosin ko na.

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon