Kabanata 7

12 3 0
                                    


Kabanata 7

Close

Mas bagay niya ang nakangiti. There's no doubt on that. Sadly, hindi ko alam kung 'yung ngiti niya sa huling shot ng picture ay natural ba o pilit lang. I can't compare his small smile in the picture I took. It would be really weird for me if I go to his profile and stalked him just to look for his smiled photos.

No, I won't do that.

Why the hell am I even making his smile a big deal?

"Serbi, ipasa mo sa'kin 'yung pictures namin!" Kristen said gleefuly.

Before I could open my mouth and speak, she grabbed my phone. Hinayaan ko lang siya at pinanood ang ginagawa niya. It's their picture. I can't keep it. Matapos mag pasa ay ni-delete ko na lahat ng pictures nila.

Kristen is grinning while staring at her phone. Halatang kinikilig siya sa litrato niya kasama ang crush niya. She was smiling from ear to ear. Ni-zoom niya rin ang picture para kitang-kita ng malapitan ang mga mukha nila na nakatingin sa camera.

"Close ba kayo?" Biglang tanong niya.

"Hindi e, bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Parang may binabalak na naamn siya. Ni hindi niya pa naibibigay 'yung pancake ko!

"I-lakad mo sana ako."

"May paa ka," sarkastikong tugon ko at inirapan siya. Nag lakad ako pabalik sa aking upuan at sinundan naman niya ako.

"Gaga, Serbi. I-lakad as in i-reto!"

Langya. Bakit ako? Ako na naman?  Ako ba si cupid? Ba't kailangang ako pa ang gumawa ng paraan para magkaroon ng improvement ang love life niya?

"Seryoso ka ba? Crush lang 'yan ha! Baka mamaya inlove kana pala!" Singhal ko at tinuro siya.

She took a defensive stance. "Oy, hindi ah! Crush lang nga. Gusto ko lang makipag-close sa kanya," she said.

"Edi lapitan mo, para close kayo."

Napakamot siya ng batok. "Ang bobo, Serbi ha. Honors ka niyan?"

"Ang OA, Kristen ha. Crush lang ba 'yan?" Balik kong tanong sa kanya.

Umasim ang mukha niya sa sinabi ko. "Ewan ko sayo!"

"Oy, 'yung pancake ko?" Pabahol na ani ko bago siya tuluyang maka alis.

"Bukas!"

Aba, parang napipilitan pa siya. Lumabas siya ng classroom at sakto naman na pumasok sina Kharlah at sa likod nila ang mga lalaki. Except for Bryle. Nasaan na naman ba ang lalaki na 'yun?

Umupo sila sa tabi ko. Ang iba ay inilapit ang mga silya nila at nag mukha kaming nag kukumpulan sa iisang gilid. Inilagay ko ang siko ko sa ibabaw ng lamesa. "Oh, bakit kayo nandito?"

"Wala lang, tatambay." Sagot ni Fraulein.

"Tambayan ang classroom, teh?" Si Gwyn.

Heto na naman. Mag sisimula na ang bangayan nila. Mag sasalita na sana si Fraulein ng biglang sumingit si Jillian sa usapan nila.

"O, 'wag ka ng sumagot sis. Awat na." Pigil ni Jillian.

Inirapan siya ni Fraulein. "Anong awat? Referee ka ba?"

"Referee lang ba ang pwede umawat?"

"O, wag mo agawan si James ng trabaho."

Nasamid naman si James na kasalukuyang umiinom ng tubig. Si Ericka ay busy sa pagnguya ng clover chips. She saw me looking at her so she offered the food in front of me. Hindi na ako nag dalawang isip pa at dumukot doon.

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon