Kabanata 30

8 2 5
                                    


Kabanata 30

Moments

Today is friday at ngayon ang araw na susunduin niya ako. Halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang excitement ko. Eto ang unang beses na ihahatid niya ako at sabay kaming papasok sa campus. Tulad ng nakasanayan ay maaga akong nagising at nakapag handa bago pa man siya dumating.

Nag apply ako ng lip tint at konting blush on. I also curled my long and wavy hair. Hmm, should i dye my hair? Anong kulay kaya ang bagay ko?

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan mula sa labas. Dumungaw ako saglit sa bintana at nakita ang sasakyan niya sa baba. Agad kong kinuha ang bad ko at nagtungo sa labas.

"Sino 'yon?" Tanong ni Papa. Mukhang nahalata niya na hindi ito sasakyan ni Jensen. Nakatayo si Alston at nakasandal sa kotse.

"Ah, kaibigan ko pa." Sabi ko habang kagat ang labi.

"Bakit ngayon ko lang siya nakita?"

Kilala ni Papa sina Bryle. Alam kong nagtataka siya kung sino ang sundo ko ngayon. Syempre, noong nakaraang araw ay nakipagtalo ako na  tumigil si Jensen sa pagsundo sa'kin tapos ngayon may ibang susundo?

"Mamaya na ako mag papaliwanag, pa. Papasok na ako," humalik ako sa pisngi niya at dali-dali lumabas ng bahay.

Kumaway ako kay Alston ng makita ko siya. Napangiti ako ng makita ko siyang naka straight face na naman. "Good morning!" masiglang bati ko.

"Morning," maikling sagot niya.

"Umagang-umaga ang sungit natin ah. Nakatulog kaba ng maayos kagabi?" tanong ko.

He opened the door for me. Pumasok ako sa loob at naupo sa shotgun seat. Pinanood ko siyang umupo sa driver's seat at binuhay ang makina ng sasakyan. "I'm good, you?" balik tanong niya sa'kin.

"Hindi e,"

Kumunot ang noo niya. "Why?"

"Iniisip kasi kita," at ngumiti ako sa kaniya. Nag iwas naman siya ng tingin ngunit nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya.

Sus kahit hindi niya aminin alam kong pasimple siyang kinikilig sa mga banat ko. Bukod doon, hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi rin mawala sa isip ko ang tungkol sa litratong nakita ko sa kwarto niya.

"May childhood friend ka?" Pagputol ko sa katahimikan.

Umiling lang siya at hindi nag salita.

"Talaga? Ako meron. Si Jensen, kababata ko. Matagal na kaming mag kaibigan," nakatingin parin ako sa kaniya at pinag mamasdan ang magiging reaksyon niya.

Hindi nag bago ang expression niya kaya napanguso ako. "Wala ka talagang childhood friend? eh bestfriend?"

Impossible na wala siyang kaibigan mula pagkabata!

"I don't have friends."

"Weh? Sina Kuya ry?"

"They're not my childhood friends. I don't have one." Paglilinaw niya.

Napatango naman ako. Ah, akala ko kasi hindi niya kinokonsidera na kaibigan sila Kuya ry eh.

"Ilan pala kayong mag kakapatid?" Tanong ko ulit.

"Four."

Ang ikli talaga ng mga sagot niya.

"Tatlong babae?" Hula ko at napalingon siya sa akin.

"Yeah. Why?" Mukhang nakakahalata na siya. He seems suspicious with my questions. Good.

"Wala naman. Hmm, close kayo?"

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon