Kabanata 14

11 3 0
                                    


Kabanata 14

Comfort

Tulala ako habang naglalakad papasok sa bahay. Parang nililipad ang isip ko. I don't know what to feel right now. How should I react to his words? It troubled me so much.

"Serbianna!" Sigaw ni Mama ng tawagin niya ang pangalan ko.

Napakurap ako ng ilang beses at doon lang ako nakabalik sa realidad ng marinig ko ang malakas na boses ni Mama.

"Bakit, Ma?" Kunot noo kong tanong.

"Ang tagal mong umuwi, nagagalit na ang Papa mo."

Napabuntong-hininga ako

Ano bang mayroon? Hindi ba nila maintindihan na umuulan at mahirap sumakay sa AU? Ibinaba ko ang bag ko sa kwarto at nag bihis ng damit. Pag labas ko ay dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Naramdaman ko ang pag kalabit ng kapatid kong si Claire sa likod ng legs ko.

Nag baba ako ng tingin sa kanya. "Bakit?"

"Si Lo. Ospital."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Si Lolo? Nag balik ako ng tingin kay Mama. Kaya ba gustong-gusto nila akong pauwiin?

"Anong nangyari?"

"Ospital." Sagot muli ni Claire.

Linapitan ko si Mama na nag lalagay ng mga damit ni Papa sa isang travel bag.

"Ma, nasaan si Papa? Anong sinasabi ni Claire tungkol kay Lolo?"

Tuloy-tuloy siyang nag aayos ng gamit. Hindi man lang nag-abala na sulyapan ako. "Inatake ang Lolo mo. Dinala sa hospital. Ang Papa mo ang mag babantay sa kanya."

Napatigil ako at hinayaang mag sink-in ang mga sinabi ni Mama. Pakiramdam ko ay namanhid ng mga tuhod ko at hindi makagalaw. Si Lolo. Inatake. Hospital.

Those three words are enough to make me weak. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Gusto ko siyang bisitahin pero alam kong hindi pwede. Bukod sa may pasok, baka hindi nila ako payagang pumunta roon. The exams can be damned. Kahit hindi na ako makapag-review, mabisita ko lang si Lolo. At kung maaari, I want to spend a night at the hospital at bantayan si Lolo.

Five hours have passed and the house is so quiet. Paminsan-minsan ay naririnig ko ang kapatid kong si Claire na kausap si Mama. We are still waiting for Papa's call. Gustong-gusto ko ng makibalita kung kumusta na ang lagay ni Lolo. I know at his age, it's inevitable to have an heart attack. His body is weak and prone to sickness.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Pag tingin ko sa orasan ay alas dies na ng gabi. Lumabas ako ng kwarto at nakitang tulog na ang kapatid ko sa kwarto nila Mama.

"Ma, tumawag na ba si Papa? Kumusta daw ang lagay ni Lolo?"

"Kunin mo 'yung cellphone ko at basahin mo ang text ng Papa mo." Utos niya.

Itinuro niya kung nasaan nakalapag ang phone niya. Agad ko itong kinuha at hinanap ang inbox ni Papa. Muntik ko ng mabitawan ang phone ni Mama ng mabasa ko ang text ni Papa. Lolo is inside the ICU for hours now. Mahigpit na binabantayan ng mga Doctor at nurses ang lagay niya.

I silently cried in my room that night. Maaga pa rin akong nagising kahit na hindi ako nakatulog ng maayos ng gabi. Iniharang ko ang bangs ko sa aking mukha. Mabuti na lang at medyo mahaba na ito kaya umabot ito hanggang sa ilalim ng mata ko.

Nakayuko akong nag lakad papasok sa classroom. I tried to act normal when my friends will approach me. Sinadya ko rin na hindi tumingin sa mga mata nila dahil baka mapansin nila ang namumugto kong mga mata.

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon