Kabanata 12

14 4 0
                                    


Kabanata 12

Avoid

"Hoy!"

Napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita si Kharlah. Nakatayo sila sa harap ko. Maliban kay Kristen. Nasaan na naman ba ang babaeng 'yon? Iniiwasan niya yata ako. Hindi pa kami nakakapag-usap mula nang matapos ang date nila Alston.

Is that even a date? I don't think so.

"Anong nangyari sa SHS building?" Tanong ni Fraulein.

"O, nga. Mag kwento ka naman. Ayaw mo kaming sumama kanina e." Wika ni Gwyn.

Bumuntong-hininga lang ako. Ano bang dapat kong sabihin? Na naguguluhan ako sa nararamdam ko? I barely know the guy! Bakit ganito ako mag-react? I shouldn't overthinking about this. Mas dapat kong pagtuonan ng pansin ang papalapit na exam day. Next week na 'yon. At nagsisimula ng mag bigay ng pointers to review ang mga guro namin.

There are other important matters that I need to worry about.

"Wala," tipid kong sagot.

"Anong wala? Halos hindi ma-ipinta 'yang mukha mo nang bumalik ka!" Pag-uusisa ni Kharlah.

"Ba't ba ang kulit niyo? Wala nga. Sa'kin na lang 'yun." Ani ko at inirapan siya.

"Hayaan niyo na guys. Napaka-chismosa mo kasi Kharlah." Si Ericka.

"Ako lang ba? Pati rin ikaw!" At dinuro niya si Ericka.

"Pero hindi ko siya pinipilit mag salita." Sagot nito.

"Oh, awat na." Biglang nagsalita si Fraulein.

Kung wala si James na taga-awat, si Fraulein ang pumapalit na referee sa grupo. Bagay talaga sila, 'The ref couple'. Natawa ako sa naisip ko. Jusko, Serbi. Nababaliw kana.

"Oh, kita mo. Biglang tatawa mag isa." Boses ni Kharlah.

"Masama 'yan. Tawagin niyo si Alston!"

Napabaling ako agad kay Gwyn ng banggitin niya ang pangalan ng taong dahilan kung bakit hindi wala ako sa katinuan ngayon!

"Ha? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Ipapabuhat ka namin papunta sa  infirmary. Mukhang malakas ang tama mo, e." Sagot niya.

"Ewan ko sayo, Gwyn." Naiinis na anas ko.

Uminit ang pisngi ko ng maalala ang pangyayari na 'yon. Dapat si Kristen 'yon! Siya dapat ang binuhat. Paanong naging ako? Tapos 'yung date, dapat si Kristen din 'yun e! But it always ended up with me and....him.

"Tara sa court! Panoorin natin 'yung practice ni Jian." Pag-aaya ni Jillain.

"Tapos na ang practice nila. Sina Bryle ang mayroon, ngayon." Tugon ni Fraulein.

"Edi tara sa soccer field! Hindi pa ako nakakapanood ng practice game nila." Kumento ni Kharlah.

Nauna silang lumabas ng classroom. Naiwan ako at ang iba pa naming kaklase. Akmang lalabas na rin sana ako ng mapansin ko si Kristen sa dulo. Nakatulala siya habang nakatingin sa bintana. I sighed and walked towards her.

"Kris," tawag ko sa pangalan niya.

Agad siyang napalingon sa akin. "Serbi..."

Ngumiti ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Nag aya sila manood ng soccer practice ni Bryle. Gusto mo bang sumama?"

"Hindi ka ba galit sa akin?" Balik tanong niya sa akin imbes na sagutin ang tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit sayo? Disappointed, yes. But I'm not mad." I answered honestly.

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon