Ang bilis ng mga pangyayari.
Naging kami at sa dulo nakipag-break ako.
Hindi ko naman talaga gustong makipaghiwalay sa kanya, kaya nang nakikipag balikan siya ay parang gusto ko na rin pumayag.
Kaso masyadong mataas ang pride 'ko. Hindi ko tanggap ang mga sinabi niya tungkol sa akin sa kaibigan niya, hindi ko tanggap na nagbago siya sakin at lalong hindi ko tanggap kung babawiin ko ang mga sinabi 'ko.
Pero kahit ganon ay di ko pa rin siya magawang pabayaan ng tuloyan. Alam ko na sa sobrang tamad ni Jez ay di siya gagawa ng mga projects nya.
Naumpisahan ko na yun bago kami mag-break kaya tinapos ko na rin at pinadala sa kanya para makapasa siya.
Dun ko na lang rin kasi nilibang ang sarili ko, sa pag-aaral at pag-babasa ng libro.
Naging kaibigan ko rin talaga si Renz dahil parehas nga kami ng hilig. Naisasama ko rin siya mag-mall tapos bibili kami ng mga libro na gusto namin.
Masaya naman kasi talaga syang kasama. Mabait at marespeto sa lahat.
"Thank you.." pagpapasalamat ko sa kanya dahil sinamahan nya na naman kasi ako mag-mall."No worries." nakangiting sagot nya at inabot sakin ang mga pinamili namin.
Naramdaman ko na may nakatingin sa amin kaya napatingin din ako dun.
And there, i saw Jez standing in front of our gate.
Ngumiti siya sakin pero malinaw na nakikita ko ang sakit sa mata niya.
"Jez.." i want to explain myself but what will i explain and why?
Wala na kami. Break na kami at sa mga tinging binibigay nya parang di naman siya nahingi ng paliwanag 'ko.
"Dumaan lang ako para magpa-salamat." lumapit siya sa akin at inabutan ako ng bulaklak.
I smelled the fresh scent of it. She's still the sweet Jez i know.
"Congrats! Summa cum laude." she said sincerely. Lumingon din siya kay Renz at ngumiti.
"Congrats... Graduate na tayo." may pause ang pagsabi nya na congrats na parang hindi lang tungkol sa pag-graduate namin ang tinutukoy niya.
"Congrats." tugon din ni Renz sa kanya.
Tumango lang si Jez at tumalikod na deritso sa kotse niya.
Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang mawala sa paningin 'ko.
Lumipas ang araw pero di ko malimutan ang sakit na nakita ko sa mata niya.
Is Jez deserves to be in pain?
"Klaisse, guess what?!" excited na bulalas ni Renz sakin na kinabalik ko sa realidad.
"What?" takang tanong 'ko.
"Merco De Paz will be having a book signing this Saturday!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Merco is one of my favorite author.
"Saturday?" i clarified. May gradball kasi kami nun.
"Yes. Why?" he asked confuse.
"Ha? W-wala naman hehe" Gradball lang naman iyon. Hindi naman ako mahilig sa ganon.
Pero kakanta si Jez dun! Sabat ng utak ko.
Yes, kaya nga mas dapat na hindi ako pumunta dun. Sagot ko sa kanya. Kailangan kong iwasan si Jez.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...